Chapter 13 - Makibaka

4.4K 144 48
                                        

HENRY'S POV

Pagkalabas namin sa bachelor's pad ni Danreb, isinadig ko kaagad ang babae sa pader.

"Masyado kang atat, John."
Humagikgik ang babae nang dumako ang mga palad ko sa mauumbōk niyang boōbs.
Hindi na ako nakapagpigil at dìnama ko ang kalambōtan at kaumbōkan ng mga ito.

Lumalakas ang hagikgik ng babae at pagkaraa'y napaungōl na ito nang ibaba ko ang mukha ko at palitan ng aking bibìg ang kamay kong nasa dibdib niya.

"T-teka, baka may makakita sa atin."
Napatingin ako sa elevator na biglang bumukas.

Hinila ko ang babae. Kailangang mauwi ko na ito sa condo ko para makarami kami.

"Architect Acosta, what a surprise to see you here."
Kinunotan ko ng noo ang lalaking lumabas sa elevator.
Pilit kong inaalala kung saan ko na ito nakita noon. Familiar kasi ito sa akin.

"I'm Sardonyx Friala."

Sardonyx Friala?
Now I remember. He's taking up BS Architecture. Nasa 5th year na ito. Pambato ito ng department namin sa Chess noon.

"Sardon! Dito ka nakatira?"

Tumango ito at pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ng babaeng kasama ko. Then napansin kong dumako ang mga mata nito sa magkahawak na kamay namin ng babae.

"Bagong girlfriend?"
Pakaraa' y tanong nito. Hindi ako sumagot.

"Sort of."
Rinig kong sabi ng babaeng kasama ko.
Nanatili akong walang imik.

Biglang sumeryuso ang mukha ni Sardonyx at walang paalam na tinalikuran kami.

Hinila ko ang babae papasok sa elevator. Nang makita kong may CCTV sa loob, binitiwan ko ang kamay nito at dumistansya ako ng kaunti.
Kailangan kong magpigil.
Sa condo na lang ako magpakasāsa.

MEI ANN'S POV

Nakangiti kong ibinalik ang phone sa loob ng bag ko. Katatapos lang akong tawagan ni Henry. Tinatanong kung susunduin na niya ako mamaya. Sinabi kong hindi na. I'm not sure kung ano'ng oras kami matatapos.

Dalawang buwan na lang, graduation ko na.
At ang maganda doon, hindi lang ako makakatapos dahil sa 'pasang-awa.'
Nagsunog talaga ako ng kilay sa pag-aaral.

Sabi kasi ni Daddy noon, kapag ako'y nagtapos bilang cum laude, ang reward ko mula sa aking ama ay 500,000 pesos. Kapag magna cum laude ay
1 million pesos. Isang tumatagingting na 2 million pesos naman kapag nagtapos akong summa cum laude.

Hindi siguro in-expect ni Daddy na seseryusohin ko ang usapan naming iyon kaya ganun na lang kalaki ang ipinangako nitong reward ko.
Ang alam kasi nila,
happy-go-lucky lang ako at iyong pakikipag-date lang kay Henry ang inaatupag ko.
Kaya naman alam kong sobrang magugulat sila ni Mommy.

Ako lang ang kaisa-isang candidate for summa cum laude ng St. Catherine University.

Regalo ko ang karangalan na iyon sa aking mga magulang at kay Henry. At isa pa, ginalingan ko talaga para makuha ko ang
2 million pesos.

Totoong mayaman ang kinalakhan kong pamilya. Ganoon din kay Henry.
Pag-aari kasi nila ang Acosta Aluminum, Inc.
Pero ayukong umasa pa ako sa mga magulang ko kapag nagpakasal na kami.
Sapat na ang 2 million para maipagpatuloy ko ang Bachelor of Laws.
Gusto Kong maging abogada de campanilla balang araw.

Napatingin ako sa mga kasamahan kong nag-aayos ng mga dalang banners and placards. Nandito kasi kami ngayon sa Mendiola.

Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong
AB Political Science, hindi lang ako naging mas mulat sa karapatan ko kundi pati ang ipaglaban ang mga karapatan ng ibang tao.

We firmly stand for our rights based on human Rights. We won't let anyone step on us or we'll blow them like a dust.
We are an idealistic students who believes in the government. We seek true leadership like a good shepherd for a sheep.

Pinag-aaralan namin ang sistema at porma ng pamahalaan.
We comprehend the constitution to be able to link in any situation.
We let ourselves to be aware of legality.
We give criticism and comments to the world of man and nature living together as a one nation.
May paninindigan kami at handang ipaglaban ang aming ideolohiya.

Kaya naman naisipan kung sumapi sa
BNB o Boses ng Bayan.
Isa itong pambansang demokratikong kumprehensibong organisasyong masa ng kabataang Pilipino na nagbubuklod sa mga kabataan, manggagawa, magsasaka,
mangingisda, estudyante, propesyunal, kabataang di nakakapag-aral, migrante, kabataang simbahan, Moro at iba pang pambansang minorya, at kababaihan para kamtin ang tunay na pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba.

Binuo ito bilang pagkilala sa makasaysayang papel ng mga kabataan bilang isang pwersang tumatangkilik at nagsusulong ng pagbabagong panlipunan laban sa luma at mapanupil na sistemang mala-kolonyal at mala-pyudal na pumupigil sa
pag-unlad.

"Mei Ann, handa na ang lahat. Simulan na natin."
Sabi ni Samantha. Classmate ko ito at ni-recruit kong sumali ng BNB.

Nginitian ko si Samantha at hinawakan ko ang megaphone.
May rally kami ngayon dito sa Mendiola.

Ininom ko ang binigay ni Samantha na mineral water para naman maihanda ko ang lalamunan ko sa pagsigaw.

Huminga ako ng malalim at saka buwelo.

ME: Sa mga manggagawa at magsasaka
Tayo'y sumama at makiisa
Sa kanayunan at kalunsuran
Isulong ang kilusang bayan

BNB Members

Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot

ALL:
Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!
Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!
Tibayan ang hanay, gapiin ang kaaway!
Tibayan ang hanay, gapiin ang kaaway!
Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot

ME:
Lupang sakahan sa masa'y ilaan
Isulong ang kilusang bayan

ALL:
Makibaka, huwag matakot!
Makibaka, huwag matakot!

ME:
Base militar - Lansagin! Lansagin!
Political detainees - Palayain!
Plantang nukleyar - Salot! Salot! Kasalutsalutan!

ALL:
Sumama na kayo
Sumama na kayo
Sumama na kayo
Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot

ME:
Pambansang demokrasya'y ating pandayin
At lansagin ang pasistang rehimen
Sa proletaryadong kamalayan
Isulong ang digmang bayan

ALL:
Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot
Isulong mo, isulong ko, isulong nating lahat!
Makibaka, huwag matakot
Makibaka, huwag matakot

ME:
Imperyalismo - Ibagsak!
Pyudalismo - Ibagsak!
Burukrata-Kapitalismo - Ibagsak!

ALL:
Sumama na kayo
Sumama na kayo
Sumama na kayo
Sumama na kayo
Makibaka, huwag matakot!
Makibaka, huwag matakot!

ME:
Huwag kayong aalis, babalik kami!
Mas marami, may dalang bato!

ALL:
We will, we will rock you!

"Mei Ann!"

"Ano ba yan Trodis, hindi pa kami tapos, bakit mo ako hinila!"

"Gagi! Nandito ka na nakikibaka samantalang ang fiancé mo na si John Henry Acosta ay nakiki-kambing na!"

"Ano ba ang pinagsasabi mo Trodis? Basta-basta ka na lang sumugod dito. Kita na ngang hindi pa kami tapos!"

"Okey fine! Kung ayaw mo ng nakiki-kambing sige biik na lang. Si Henry mo naging biik na. Gutom na biik."

Tinignan ko siya na tila ba nagkaroon siya ng dalawang ulo.

"Ano ba Trodis! Huwag kang epal!"
Inagaw niya kasi ang hawak kong megaphone at ibinigay kay Samantha.

"Hindi mo gets, Mei? Naging biik si Henry mo kasi may kasamang inahing baboy habang ikaw ay nandito sa Mendiola na nakikibaka!"

Hindi ko pa rin na-gets ang sinabi ni Trodis.
Nagpahila na lang ako sa kanya. Kung saan, iyan ang hindi ko alam.

(1,152 words)

MORE THAN A MOUTHFUL   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon