MEI'S POV
Sunud-sunod ang pagbuga ko ng hangin nang makasakay kami ni Trodis sa kotse niya.
Ano na naman kaya ang drama ng babaeng ito?
Dapat nga sumapi din siya sa Boses ng Bayan.
AB Mass Communication kasi ang kurso niya. Bagay sa kanya kasi likas na tsismosa at maingay.
"Nasa kalagitnaan ako ng paghihilik at paglalakwaktsa sa Costa Rica nang bigla na lang akong nagising dahil sa ring ng phone ko."
"My Godness! Iyan lang ang dahilan kung bakit mo ako hinila? Trodis, para sa kapakanan ng ilang libong senior citizens, mga pesante, mangingisda, manggagawa, mga bata't kababaihan ang rally na isinasagawa namin ngayon sa Mendiola.
Mas at higit na mas importante kaysa sa pakikinig ko sa salaysay mo."
"Shut up and listen! This is not for me!"
Tumahimik na lang ako at bumaling sa kanya. Nanatiling tutok ang attention niya sa pagmamaneho.
"Si..si...Sardonyx Friala ang tumawag."
Sabi niya saka malanding tumawa.
Ang sarap niyang hampasin. Ikukuwento lang yata ang landian nila sa phone.
"Kilala mo si Sardonyx Friala?"
"Siyempre, Trodis."
"Sige nga, sino siya sa buhay ko, Mei Ann?"
"Boyfriend mo since first year college. 4 years mo nang jowa-jowahan kasi sa lahat ng semestre sa bawat school year, may subject kang Math, Trodis.
At kahit parang ninja na ito sa bitbit na T-square at
napaka-rugged tignan kasi walang oras mag-ayos sa sarili dahil sa mga projects at templates na tinatapos nito, hindi mo ito mahiwa-hiwalayan kasi bobo ka sa Math, Trodis. Si Sardonyx ang tutor mo, taga-gawa ng homework at projects mo sa Algebra, Geometry, Probability at Statistics, Differential at Integral Calculus, Trigonometry at minsan pinagguguhit mo rin sa mga projects mo sa Humanities 101."
"Tumpak! Ang galing mo talaga, Mei. Hindi lang iyan ang ginagawa ni Sardonyx.
Taga-report pa sa akin."
"Bruha, ano naman ang irereport sa'yo?"
"Yong nakita niya kani-kanina lang. Sa ibang dibdib ng babae sumusō si Henry mo. Hindi sa dibdìb mo.Nakita iyon ni Sardonyx. Tapos magkahawak-kamay pa sila ng babae na super laki ang boōbs."
Natigilan ako sa sinabi ni Trodis. Pero sinikap kong lawakan pa ang pang-unawa ko.
"B-baka ka-built lang ng katawan ni Henry ang nakita ng jowa mo. Tumawag siya sa akin. Nagpapahinga daw siya sa condo niya since Saturday ngayon."
"Hindi, Mei Ann. Tinawag pa mga raw ni Sardonyx na Architect Acosta si Henry mo. Magkakilala kasi sila ng jowa ko. Tapos alam mo ba, tinanong ni Sardz kung bagong girlfriend niya ang babae."
Tila may bumikig sa lalamunan ko habang nakikinig kay Trodis.
"Then?"
"Iyong babae daw ang sumagot."
"A-anong sinabi?"
"Sort of, daw."
"Baka kamag-anak niya lang ang babae, Trodis. Huwag tayong basta-basta maghinala ng masama sa kapwa.
Maraming relasyon ang nagugulo at nasisira dahil sa maling akala."
"Kaya nga pupuntahan natin ngayon ang fiancé mo sa condo niya. Naku Mei Ann, kailangan mong makasiguro. Mahirap nang matali sa isang manloloko."
"Sige. Ikaw ang bahala."
Sagot ko at inilabas ko ang aking phone.
May tiwala ako kay Henry. Hindi niya magagawang magtaksil sa akin. Sa panaginip siguro, oo. Pero sa realidad, I doubt it.
BINABASA MO ANG
MORE THAN A MOUTHFUL
Romance"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko." Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya. "Selosa." Tila nang-aasar...
