MEI'S POV
"Nasaan ang apo ko?!"
Tila nagkaroon bigla ng tatlong ulo si Mommy sa paningin ko.
Sa dami ng puwede niyang i-joke, iyon pa talaga?
Hindi ako natawa, promise.
"Don't look at me as if I just stated something horrific, Mei Ann! Where's my grandchild?!"
Nakabawi ako mula sa pagkakanganga.
"Hindi po ako showbiz personality na kung umalis ng bansa para mag-aral at mag-migrate ay buntis na pala at gusto lang itago sa madla ang buhay sa sinapupunan na dinadala. Vìrgin pa po ang isa kong susō, My. Hindi ako magpapabuntis hanggat hindi naaakyat ang dalawa kong burol sa dìbdib."
"Totoo ba ang pinagsasabi mo? Hindi ka nabuntis ng ibang lalaki?"
"Gusto ko mang mag-joke sa ngayon, hindi ko po feel Mommy. Totoong hindi ako nabuntis."
Ngumiwi ako nang magsimulang ngumawa ang aking ina. Hindi ko alam kung disappointed lang siya sa kaalamang wala pala siyang apo o sobrang ikinatutuwa niya na hindi pa siya matatawag na Lola.
"Akala ko nagpabuntis ka sa ibang lalaki. Kaya bigla kang umalis. Isang taon kong ipinagluksa ang hindi ko pagsuot sa gown ko na pinatahi ko para sana sa naudlot mong kasal! 950,000.99 pesos ang halaga ng gown kong iyon! Yari iyon sa pinya, Mei Ann. Narinig mo? Yari sa pinya!"
Ano ba ang meron sa pinyang iyan at kailangan pang
pakadiin-diinan ni Mommy?
"Tutal may mala-pinya kang puso, Mommy, ibigay mo na lang 'yon sa salvation army. Sa halip na nakatago lang 'yon sa closet mo, mapapakinabangan pa ng mga taong nangangailangan."
"No way! Magagamit ko pa 'yon! Lalo na at together again na naman kayo ni Henry."
Napalingon ako kay Acosta na nasa likuran ko. Nagkunyari kasi itong umubo.
"Tama ba ako, Iho? Together again na naman kayo ng prodigal daughter ko?"
"Tama po kayo, Tita Mommy. We did a lot of things together. Magkatabi kaming natulog buong gabi. Magkalawit ang aming mga hìta, iisang unan ang ginamit namin at heto kami ngayon, hihingin ang basbas niyo ni Tito Ludwig."
"Gago! Basbasin mo mukha mo! Politician ang mga magulang ko hindi pastor. Huwag po kayong magpapaniwala diyan!"
"Watch your words, Mei Ann. Walang nagmumura sa pamilya natin kundi ang Daddy mo lang."
Ngumuso ako. Ang lakas kayang makamura ni Mommy noon tuwing nagkukulong sila ni Daddy sa kuwarto. Akalain mo para siyang kinakatay sa sārap.
Hindi nila alam na naka-limang beses ko silang nabusuan noong 13 years old ako.
Ang sipag nga nila eh. Pero nakapagtataka lang na hindi na ako nasundan pa.
Siguro hindi sila updated sa mga sëx positions para madaling makabuo ng baby.
May kuwaderno kaya ako ng mga positions na yun. With pictures pa!
"Tara na sa loob. Lunch will be served in few minutes."
Humawak ako sa braso ni Mommy. Sobrang na-mis ko kasi siya kaya maglalambing ako. Magpapa-baby ako ng todo.
Nangunot ang noo ko nang bigla niyang tanggalin ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
MORE THAN A MOUTHFUL
Romance"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko." Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya. "Selosa." Tila nang-aasar...
