Chapter 3- Landaa Giraavaru to Medhufushi

3.8K 185 176
                                        

Hi readers!
Hinabaan ko. More than 6k words.
Paki-vote na rin.
Enjoy reading!
Good night!!!

MEI'S POV

"I prayed the whole duration of our pictorial."
Rinig kong sabi ni Marc Corrieri na nakaupo sa couch sa tabi ko. Nasa loob pa kami ng pavillion. Katatapos lang ng aming pictorial at nakapagpalit na rin ako ng damit. Now I'm wearing a knee length mint green summer dress and a pair of flip flops. Inabot ng mahigit isang oras ang photo shoot. Akala ko nga hihimatayin ako noong pinatuntong nila si Corrieri sa isang stool para magpantay ang height namin at mahalikan ako sa pisngi. Shutangina, mabuti na lang at napigilan ko ang pagbaligtad ng sikmura ko noong sumayad ang nguso nito sa right cheek ko. Kung hindi ko lang iniisip sina Reem at Tita Cherry, marahil tibakbohan ko na si Unano.

"I'm not joking. I prayed with my two feet. I even asked the help of St. Putin, St. Trump and St. Duterte in my prayer. You know, one of the photographers complained about being epileptic so I really prayed so hard that our photos weren't out of focus or dreadfully composed."
I took a deep breath and pretended that I didn't hear anything. Lihim ko ring ipinagdasal na sana wala ni kahit isang picture man lang ang matino. Sana blurry lahat. Maliban Sa epileptic ang isang photographer, panay din ang ubo ni Cheetos na para bang may kumakalukay sa lalamunan nito kaya naman napatagal talaga ang pictorial.

"You know what, I am rich."
Marahas ko itong nilingon. Honestly, wala akong balak na tapunan ito ng tingin. Pero masyado kasing mahangin. Natangay ang leeg ko sa malakas na ihip ng hangin kaya bumaling ako sa mayabang na si Corrieri na prenteng naka-dekuwatro.

"I have a flash car. And I can offer you a highly paid job if you want."
Naningkit ang isa kong mata. Aba, aba, itong face na ito, mukha bang tambay?
Business woman kaya ako!

"Really? what kind of job? A nanny? Huh! Listen Corrieri, never ever in my wildest dreams did I imagine my self to baby sit a 21 year old boastful and perverted dwarf."
Lalong bumangon ang inis ko nang mahuli kong dumako ang mga mata nito sa boòbs ko. My God, ang sarap tusokin ng barbecue stick ang manīakis nitong mga mata. Oo, inaamin ko na minsan sa buhay ko ay hiniling ko na sana'y maranasan ko kung paano maglăway ang mga lalaki kapag nakalantad ang clęavage ko. Pero ni sa hinagap, hindi ko pinangarap na pagnasăan ako ng isang unano. Nakakasuka kasi ang paraan ng pagtitig nito sa clĕavage ko.

"I'm serious. I can give you a job. I want to hire you as my personal face painter."

What? What? Face painter? Wow! It sounds tempting. Yeah, natutukso akong umuo. Mag-eenjoy akong pinturahan ang mukha nito. Pero sa halip na paint ang gagamitin ko, tapalan ko ng putik ang sobrang kapal na pagmumukha nito!

"Say 'yes' and I'll be your boss. We will both enjoy each painting session. You will receive £50 a day. What do you think?"

"I think that's absurd. I feel like I want to vomit."
Tinakpan ko ng kamay ang bibig ko at kunwari'y masusuka ako.

"There's no need for you to play hard to get. You know, I get paid to go out and party with different lads and I used to get a lot of attention from the ladies and I get to enjoy myself. Come on, say 'yes.' This is your chance to set foot in my homeland Scotland."

"I'm not crazy, Corrieri. Why don't you try to convince a Maldivian sea turtle instead of me? You look good together I guess."
He glared at me. Well, mas bagay naman talaga ito sa pawikan.

Napasulyap ako sa suot kong wrist watch. 6:38 pm na pala. Ang usapan namin ni Trodis, hintayin niya ako sa labas ng pavilion ng 6:15 pm
Late na pala ako ng ilang minuto. Bugnotin pa naman yon.

MORE THAN A MOUTHFUL   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon