Hello readers!
Gusto ko sanang pagbigyan ang kagustohan ng ilan sa inyo.
Pero nauna ko na kasing naisulat ang kuwento nina Chequi at Danilo Ron. Kung babaguhin ko ang desisyon ni Mei, magkakaroon ng disparity ang dalawa kong kuwento kaya pinanindigan ko na lang ang kung ano mang naisulat ko na sa Stroke of Luck.
MEI'S POV
Naninikip and dibdib ko habang binabasa ang text ni Henry.
Kanyon ko:
It's 3:25 am already!
Hindi pa ba dumarating ang kaibigan mo? Nangako ka, Pocky. You promised me that we will cuddle in my bed til morning.
I want you here now. I can't sleep without you in my arms. I love you so much, Mei Ann.
My tears keep on streaming down my face.
Tama siya, nangako ako.
At napakasakit para sa akin na baliin ang ano mang salitang binitawan ko.
Nag-compose ako ng message pero paulit-ulit ko lang itong binura.
God, is there a proper way of breaking up with him?
May salita bang mas makakagaan sa kanyang kalooban?
Less painful?
Ano ang dapat kong gawin?
Gisingin ko ba si Chequi at magcheck-out na kami dito sa Hotel without Henry's knowledge?
Parang pinipiga ang puso ko sa isiping iyon.
Napatingin ako kay Chequi.
Mahimbing na ang tulog nito pero may bakas ng luha ang kanyang mukha.
Ibayong bigat sa dibdib at awa para dito ang naramdaman ko.
Nasapo ko ang aking ulo.
Hindi ko maaatim na maging masaya sa kabila ng masaklap na nangyari sa kaibigan ko.
I don't deserved happiness!
Kailangan ko ring magdusa!
Kailangan kong maparusahan dahil sa pagiging makasarili ko.
Kung sana hindi ko inuna ang pagpapakasaya, maaaring napigilan ko ang masamang nangyari kay Chequi.
Muling natuon ang attention ko sa phone ko nang muli itong
nag-vibrate.
Nahigit ko ang aking hininga habang binabasa ang message.
Kanyon ko:
Magbilang ka ng sampu, nandiyan na ako sa tapat ng pintuan ng room niyo. I don't care kung mabulabog ang natutulog mong kaibigan.
I will bang that fücking door until you get out from that room.
I love you but a promise is a promise, Pocky. You need to fulfill it!
Naalarma ako. I need to reply him immediately.
Compose message
I'm coming!!!
Sent to: Kanyon ko
Gusto kong humagulgol ng iyak!
Bakit ang hirap maging masaya?!
Agad kong pinahid ang mga luha ko.
Kailangan ko palang magmadali.
Pinatungan ko ng puting robe ang suot kong itim na lingerie.
Muli kong nilingon si Chequi.
"Everything will be fine, friend. Aalis tayo sa lugar na ito. Tutulungan kitang
maka-recover, Chequi. I promise that."
Nanginginig ang kamay kong pinihit ang door handle.
Nasa room 206 kami ni Chequi.
Parang gusto kong manlumo.
Nakikini-kinita ko na ang reaction niya. Makakaya ko kayang panindigan ang desisyon ko?
I have to!
I need to be strong!
I need to be heartless kung iyan ang mas makakapagpadali sa lahat!
Mabibigat ang mga paa kong tinungo ang room 208.
Pagkatapat ko sa pintuan, agad itong bumukas!
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla at ibayong tension na naghahari sa akin nang bigla akong hilain ni Henry papasok sa loob ng room niya.
BINABASA MO ANG
MORE THAN A MOUTHFUL
Romance"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko." Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya. "Selosa." Tila nang-aasar...
