MEI'S POV
"I'm tired!"
Himutok ko kay Henry sa mahigit beinte minutos naming paglalakad sa parke malapit sa bahay namin.
Kabuwanan ko na at ito ang lagi naming ginagawa kada umaga. Ang maglakad ng 30 minutes!
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi sa kanya na pagod na ako but he insisted that we're going to finish this 30-minute-walk!
Naku po, St Putin, St. Trump and St. Duterte, 30 minutes ba talaga? Hindi ba puwedeng tumawad at gawing 25 minutes and 1 second? Utang na loob mag-response kayo kasi kanina pa ako gigil na gigil kay Acosta!
"No, Pocky. Walang tawad. Tapusin natin ang 30 minutes na paglalakad. Come on, we're almost done."
Shutangina! Hindi ang response niya ang hinihingi ko. At isa pa na ikinaiinis ko sa kanya, kanina pa yang 'we're almost done' na sinasabi niya. Mula kaninang nakaka-dalawang hakbang pa lang ako 'we're almost done' na ang sinasabi hanggang sa ngayon. Ang sarap lang pilipitin ang leeg ni Juan!
Tumigil ako sa paghakbang at gigil kong kinurot ang braso niya kung saan ako nakahawak.
"Pagod na ako! Madali para sayo ang maglakad kasi hindi ikaw ang buntis at malapit nang manganak!"
"Pocky, walking is not only a good exercise for you but a great time to bond with our baby. Going for a walk like this gives you a space to think about our baby without too many distractions or interruptions. We can even have a discreet chat with Bridge as we walk."
Hinawakan ng isang kamay niya ang tiyan ko saka yumuko at inilapit ang bibig sa aking tiyan.
"Please tell your mom not to be stubborn, baby. Para sa kanya ito. Para mas madali ang pagluwal niya sayo."
The next thing na narinig ko mula sa asawa ko ay yung mga linyang paulit-ulit ko ring naririnig kada araw mula sa kanya.
Gumalaw-galaw daw. Kailangan ko daw maglakad. Kesyo nakakatulong daw ito para umayos ang posisyon ni baby sa sinapupunan ko at makapuwesto ng maganda para maging normal ang paganganak ko.
And to avoid having swollen feet and legs.
"Henry, next time bilhan mo na lang ako ng palakol."
Inis kong turan.
"For what? "
Nagtataka niyang tanong.
"Sabi mo kailangan kong gumalaw-galaw. Eh di bilhan mo na lang ako ng palakol para magsibak na lang ako ng kahoy!"
Napangiwi ako nang ma-imagine ko ang hitsura ko. Napakalaki ang tiyan at nagsisibak ng kahoy. Shutangina, ang sagwa lang!
"Pocky, this isn't a joke and you know that. Ang ilang nanay kung kailan kabuwanan ay saka naman nahihirapang palabasin ang kanilang baby. Kaya ang resulta, para silang pinarurusahan sa panahon ng kanilang panganganak para mapalabas ang baby mula tiyan nila. What we are doing is for you. Para hindi ka mahirapan."
Oh God! Bigla ko tuloy naalala yung mga napapanood ko sa movie. The intense pain, the screaming of the mother habang umiire. At yong iba hindi rin pinalad at nalagutan ng hininga. Nakaramdam ako ng kaba at takot. Parang ayuko nang manganak. Natatakot ako!
"Everything will be fine, Pocky. Don't think too much. Magdudulot lang ito lalo ng stress sa'yo. You need to relax."
Malumanay na sabi ng asawa ko at kinintalan ako ng halik sa labi. Oo na. Inaamin ko, kung hindi naba-blangko ko ang isip ko tuwing hinahalikan ako, lumilinaw ang paningin ko o kaya'y lumalawak ang pang-unawa ko. Ganyan ang effect ng halik niya.
Hindi na ako nakipagdiskusyon pa. Itinuloy namin ang paglalakad. Ayukong mahirapan lalo na at gusto kong manganak ng normal.
Pagkauwi namin sa bahay, agad akong naupo sa pregnancy bean bag. Napangiti ako sa comfort na hatid nito sa akin. Kinakausap ko si baby habang hinahaplos ko ang malaki kong tiyan nang iabot ni Henry sa akin ang plate. Umasim agad ang mukha ko nang makita ang na-slice na prutas. Mangga, kiwi at pinya na naman? Oh God sa dami ng tropical fruits, bakit ang mga ito na lang lagi? Wala na bang iba? Nauumay na ako sa kakakain ng ganito!
BINABASA MO ANG
MORE THAN A MOUTHFUL
Romance"Don't be jealous, Pocky. That was nothing. I'm a man. Normal lang na maglaro ako minsan. Ine-enjoy ko na ang natitirang mga araw ng pagiging binata ko." Niyakap niya ako mula sa likuran pero binaklas ko ang mga braso niya. "Selosa." Tila nang-aasar...
