Chapter 33- Beneath The Pearl Moonlight

5.5K 166 126
                                    

MEI'S POV

Naiwan akong mag-isa sa living room.
Hindi pa ako dalawin ng antok.
May bumabagabag kasi sa berde kong utak.
Parang may kulang pa kasi dito sa ginawa kong Operational Plan.
OP para sa katuparan ng pangarap kong maging isang single Mom.

Kanina ko pa nginangatngat ang dulo ng hawak kong ballpen but still, wala na akong maisip na maidagdag pa.

Lilibutin ko kaya ang buong paligid ng mansion?
Magsusuot kaya ako ng puting bestida na may mahabang manggas at hanggang bukong-bukong ko ang laylayan tapos maglalagay ako ng puting veil sa ulo ko then magsuksok kaya ako ng bulak sa dalawang butas ng ilong ko?

Kinilabutan ako bigla sa iniisip ko. Magmumukha naman akong white lady.
Takte, tinatakot ko lang ang sarili ko. Baka nga ako ang sisigaw sa labis na pagkasindak kapag nakita ko ang sarili ko sa salamin.

Sigh.

Sa totoo lang, minsan nahihiya ako sa tinatakbo ng isip ko.
Mas nagmumukha kasi akong
loka-loka kaysa sa matalinong si Mei. Parang hindi ako nagtapos noon as Summa Cum Laude.

Sigh again.

Wala na akong magagawa. Ganito na talaga ako.
Hindi na magiging pino ang kilos ko.
At hindi na magbabago ang kulay ng utak ko. Green na green na talaga.
At sa paglipas ng panahon, mas lalong tumitingkad pa ang pagkaberde.

Napatingin ako sa suot kong wristwatch. 10:45 pm na pala.

Simulan ko nang maghasik ng lagim este maglibot at mag-reminisce pala.
Dapat nga kasama ko si Chequi eh pero inaantok na daw. If I know, alibi niya lang yun. Panigurado lalamayan na naman niya ang wechat.

Pagkalabas ko sa guest house namin, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin.
Napapikit ako at nilanghap iyon.
Then nagsimula akong maglakad.

Slow motion.
Ini-imagine ko na isa akong diwata ng gabi. Ang pinakamalanding diwata ng gabi.

"I will miss you all."
Sabi ko sa mga nakatanim na birds of paradise.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MORE THAN A MOUTHFUL   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon