Chapter 31- I Did The Right Thing

5.1K 179 112
                                        

LUDWIG'S POV

I am over protective when it comes to my daughter.
That is a fact.
I am not ashamed to say it and I don't care who knows it.

I am not only a bread winner. It is also my job to protect my family. I take that job very seriously.

Protecting a daughter is an almost universal desire among fathers.

By divine design, fathers are to preside over their families in love and righteousness and are responsible to provide the necessities of life and protection for their families.

God knows how much I love my wife Marilyn and my daughter Mei Ann. Sila ang buhay ko.
Kaya hindi ko maaatim na may manakit sa kanila. Pisikal man o emosyonal.

Sa loob ng apat na taon, pinaniwala ko ang sarili ko na iresponsable at isip-bata pa nga ang anak ko sa kabila ng katalinuhan niyang taglay.

Nagalit ako ng basta na lang itong umalis na walang pasabi.
Kaylapit lang ng Hongkong sa Pilipinas pero ni hindi man lang ako nag-aksaya ng panahon para puntahan ito at pakinggan ang kanyang panig.
Masakit para sa katulad kong ama na hindi man lang ito nadamayan noon.
I wasn't there during the lowest point of her life.

I was beaming with pride and happiness when she graduated as Summa Cum Laude. That time, nakini-kinita ko na ang maganda niyang kinabukasan. Susunod siya sa yapak ko bilang isang kinikilalang de kampanilyang abogado kung hindi man ay papasok din siya sa mundo ng pulitika. Maaaring mahihigitan pa niya ako.

Naglaho na parang bula ang mga pangarap ko sa kanya nang siya'y biglang umalis ng bansa sa hindi malamang dahilan.

Namayani ang disappointment, galit at pagtatampo sa puso ko sa loob ng apat na taon.
Natiis niyang hindi nagpakita sa amin at natiis ko ring hindi siya makita.
Sabi ko sa sarili ko, that's what she deserved for making such a stupid decision in life.

Hindi ko mailarawan ang sama ng loob at galit na nabuhay sa aking kalooban matapos kong malaman ang katotohanan.
She was hurt. She was devastated.
Pinagtaksilan siya ng lalaking inakala kong tanging karapat-dapat para sa anak ko. Ipinagkatiwala ko sa kanya si Mei. I was very confident that he will love her and he'll take care of her heart.
Pero taliwas pala ang nangyari.

Imagine, bilang isang gobernador, kapakanan ng buong lalawigan ang tinitignan ko. Kinakain ng halos buong araw ang oras ko dahil sa aking katungkulan.
Pero mismong anak ko, hindi ko man lang nagawang
pag-ungkulan ng panahon. Ni hindi ko nasubaybayan ang klase ng buhay na dinanas niya sa Hongkong.

"Totoo ang sinabi ni Henry.
I-iyon ang dahilan kung bakit bigla na lang akong umalis without saying a word to you and Mom."

Biglang nadilim ang paningin ko. Paulit-ulit na nag-echo iyon sa isip ko.

'Whatever you do to my daughter I will do to you.'
'Yan ang motto ko para kay Mei Ann.

Iyan ang nakasaksak sa utak ko.
I reminded myself of that motto while punching Henry Acosta.
Inaawat ako ni Mei pero
naka-focus lang ako sa galit at hangaring maiganti ito.

I keep on punching him black and blue.
Bawat suntok, iniisip ko kung ilang beses umiyak ang anak ko dahil sa kataksilan nito.
Akala ko sapat na na ipabugbog ko ito sa mga goons ko. Akala ko sapat na ang mga suntok at sipa ko na tumatama sa kanya. Pero hindi pala.
Hindi pa rin ako sa satisfied sa ginagawa ko.

"Daddy! Nooooo!"
Umalingawngaw sa buong silid ang malakas na sigaw ni Mei nang itutok ko ang baril ko sa ulo ni Henry Acosta.

I saw fear in my daughter's eyes.
Tears are streaming down her face habang pilit siyang kumakawala sa dalawang goons ko na nakahawak sa magkabila niyang kamay.

"Do it, Tito. Please do it. Kill me."

Lalong lumakas ang hagulgol ni Mei Ann.
Itong lalaking ito na mismo ang gustong mamatay.
Bakit hindi ko pagbigyan?

"Dad, don't. Maawa ka. Don't kill him. I'm begging you, Daddy."

She's begging me not to kill this man.
But still, I pulled the trigger.

The shot was deafening.

I know by heart that I did the right thing.

The bullet just merely missed Henry's head.

Masuwerte siya dahil mahal siya ng anak ko.
I don't have the heart to end his life because I know, my daughter will be living a life full of grief.

"Gov."
Alanganing tawag sa akin ng dalawang tauhan ko. Confusion filled their gazes. Mukhang gusto nilang purohan ko si Acosta at dismayado sila kasi sumablay ang tira ko.
Well that's intentional.

Tinanguan ko sila at sinenyasang buhatin nila si Acosta palabas ng silid.

"Dad!"
Tila nagsusumamong tawag ni Mei. Inaakala sigurong
ipapa-salvage ko si Acosta sa liblib na lugar.

"Just let them."

"P-pero, Dad. Baka kung ano ang gawin nila kay Henry."

"Tapos ko nang gawin ang gusto kong gawin sa ex mo."

"Thank you, Dad. And I'm sorry."

"I know you are. Next time, huwag lang ang bāyag ang hawakan mo. Matuto kang hawakan sa leeg ang lalaki mo para sa'yo lang tututok at hindi lilingon sa iba."
Ginantihan ko ng yakap ang pasaway kong anak. Lihim kong hiniling noon na sana lalaki siyang tomboy. Pero mukhang mahina ang mga dasal ko noon kasi kumarengkeng siya sa edad pa lang na 16.

"You're the best, Dad. Kaya lang mukhang dumami na ang uban mo dahil sa akin."

"Kaya nga ipapaasawa ko si Arlyn kay Acosta para mabawasan ang konsumisyon namin ng Mommy."

"Hindi puwede! Baka pagtataksilan lang ni Henry si Arlyn."

"Mangyayari talaga iyan kasi iniisip mong ikaw ang kapareha ni Henry sa pagtataksil."

"Hindi sa ganun, Dad! Ako ang anak mo kaya ako dapat ang unahin mong ipaasawa!"

"Areglado! Ipapaasawa kita pero hindi kay Acosta."

"Ang labo niyo!"

"Desperada ka lang. Youre getting older. Kinakabahan ako baka tumanda kang dalaga."

"Dalagang ina puwede pa siguro.
May bagong pangarap na ako ngayon, Daddy."

"Tell me. I will support you all the way."

"Really? Susuportahan niyo ako sa pangarap kong maging single mother?!"

Que barbaridad!

Mukhang hindi ko maaabot ang edad na 60.
Puwede ampunin niyo na lang si Mei?

*******
(1,032 words)

MORE THAN A MOUTHFUL   Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon