CECHM 1

14K 151 0
                                    


Eryu Shimizu's POV

The arrival of ASEAN presidents.

Wedding of the year

Anniversary of the president and the first lady of the Philippines 2015

Shera the famous fashion walk in Asia. Held in the Philippines.

Ilan lamang iyan sa mga malalaking events ng bansa na ini-organized ng aming team. Kasalukuyan kong binabalikan ang mga letrato nito na nakasabit sa pader ng lobby ng building. Makikita rin sa pader ang pangalan ng kompanya na nakasulat gamit ng metal na Martinez Events Group of Company.

Ang kompanya na tumanggap sa akin at naging parte ng buhay ko sa mga nakalipas na taon. Kaya lang sa mga susunod na araw, ang pumunta sa lugar na ito ay hindi na magiging parte ng daily routine ko. I won't be here anymore, any of the employees won't be here again.

"Eryu, mukha yatang namamaalam kana sa sa lugar."

Narinig ko ang boses ni Mr. Martinez ang ama ng lugar na ito at ng mga empleyado na parte nito, dahil siya ang nagtayo ng kompanyang ito. Nilingon ko siya at kasaluluyan na naglalakad palapit sa akin. Kulay abo ang buhok kahit hindi pa siya tumutungtong sa edad na singkwenta. Noong una akong maging parte ng kompaniya na ito ay bata pa ang itsura niya at tamang tama lamang sa kaniyang edad.

Hanggang sa nagkaroon na nga ng problema ang kompanya at nabaon ito sa utang. Sumunod na rin na nawalan ng tiwala ang mga tao kaya wala ng nagpapa-book ng events sa amin.

Maririnig ang mga yabag ng paa niya sa tiles ng sahig. Hindi dahil sobrang ingay ang kaniyang sapatos, kundi dahil sobrang tahimik na ng lugar. Isang bagay na hindi nangyayari noon dahil palaging abala ang lugar na ito.

"Ang akala ko po ay umuwi na kayo, Mr. Martinez? Kanina pa po sila umuwi ang lahat." Sagot ko sakaniya noong makalapit siya sa akin.

Makikita rin sa malapitan ang mga wrinkles niya sa mukha na wala naman dati. Alam ko na sobra siyang nag-intindi para maisalba ang kompanya, at pati na rin ang mga tao na bumubuo dito.

"Noong simula ay pinaghirapan ko na itayo ang kompanya, at ngayon nahihirapan na naman ako dahil kailangan ko nang mamaalam dito."

Nakatingala rin siya sa maraming frames na nakasabit sa pader kung saan may mga letrato ng mga events noon. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga iyon pero alam ko na higit sa lahat ay siya ang pinaka nalulungkot sa nangyari.

"Ginawa naman po natin ang magagawa natin. Lalo na po kayo, Mr. Martinez."

Napabuntong hininga ako at mula sa pagkakatitig sa malungkot na mukha ni Mr. Martinez ay ibinalik ko ang atensyon sa mga letrato. Marami kaming event na nagawa. Karamihan ng mga naging kliyente namin ay palaging nagpapasalamat sa amin dahil nagawa namin na mas memorable ang araw nila.

Akala ko noon sila lang ang nabibigyan namin ng magandang alaala. Mali pala ako. Ngayon ko napagtanto na sa baway event na hinawakan namin ay nagbibigay rin ito ng memories sa amin at sa kompanya. Marami akong naging memories dito, at nakakalungkot lamang na hindi na iyon madadagdagan pa.

"Nagsisisi kana ba na isinuko mo ang propesyon mo at lumipat sa industryang ito?" Tanong nito sa akin.

"Iyan po ang bagay na hindi sumagi sa isip ko at palagi po akong nagpapasalamat na tinanggap nyo po ako sa kompaniya." Sagot ko sakaniya.
Isa akong surgeon noon, iyon talaga ang pangarap ko mula pa noong pagkabata. Iyon ang pinaniwalaan ko hanggang sa mahanap ko kung para saan talaga ako. Magkaibigan si Mr. Martinez at ang may-ari ng ospital na pinagtatrabahuhan ko noon. Kasalukuyan silang walang first-aider noon kaya naman pansamantala ay ako muna ang ipinadala.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon