CECHM 5- Mutual

5.1K 76 1
                                    

Eryu's POV

Please leave a voicemail to Lenz Vergara.

Hindi ko alam kung ilang beses na itong lumalabas sa aking phone kapag nagrerequest ako for videocall. Sa pagkakaalam ko naman ay four hours break niya ngayon. Kaya bakit hindi ko siya matawagan?

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit. Ang hugis nito ay barko since Lenz bought it years ago. Makikita mo talaga ang passion niya para sa field na ito. Maybe that's also the reason kaya hindi ko siya matawagan ngayon. He loves what his doing kaya hindi niya namamalayan ang oras.

Sa wall clock ay makikitang 6:30am na. Kailangan ko nang umalis kahit hindi pa ako nakakakain ng breakfast dahil maiipit ako sa traffic. Actually maaaga akong naligo at nakapag ayos. Marami akong oras para kumain but I didn't, inuna ko na tawagan si Lenz hanggang sa naubos na ang oras ko.

I checked everything specially the electrical ones in my house. Ayoko namang pagbalik ko ay sunog na ang buong lugar. Naglakad ako papalabas ng village at kagaya ng nakasanayan ay nakita ko ang mga senior citizen na nagjo-jogging sa umaga.

Sa grupo ng mga senior ay may couple rin na senior ang magkasabay na tumatakbo. Napangiti ako dahil I imagined na magiging ganoon din kami ni Lenz pagdating ng panahon. We will grow together.

Noong makarating ako sa guard house kung nasaan ang entrance at exit ng village ay napansin ko na umiiyak ang lady guard. Bigla niyang pinunasan ang luha niya noong paparating na ako atska ngumiti. Maari niyang itago physically, pero mahahalata mo na sa ngiti niya ay may dekorasyong kalungkutan.

"Good Morning, Ma'am!" Pagbati nito atsaka ngumiti.

Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. Kitang-kita ko na mahirap para sakaniya na pumasok at humarap sa ibang tao para magpanggap na ayos lamang.

"Hindi naman required na sa lahat ng araw dapat good ang morning, ang afternoon at kahit ang evening. When you're feeling sad, be true to yourself." Sabi ko sakaniya habang tinatakip pa rin ang balikat niya.

Nagsimula na siyang umiyak. Mag isa lamang siya sa kaniyang outpost at mabuti na lamang ay wala pang dumadaan na papasok o palabas ng village. Maaari pa siyang maging totoo sa kaniyang sarili. Noong bahagya siyang tumahan ay nakita ko iyong daan para magtanong.

"Anong nangyari?" Tanong ko sakaniya at iniabot ang panyo. Tinanggap naman niya iyon at nagpunas ng luha.

"Iyong mister ko po kasi.....kasasampa lang niya ng barko bilang seaman tapos.....nakahanap na po siya agad ng babae doon. Kaya pala hindi na siya tumatawag palagi!" Kwento ng lady guard sa pagitan ng kaniyang mga hikbi atsaka humagulgol.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam ko na mahirap magkaroon ng relationship with a seafarer. May mga pagkakataon na gusto mo siyang mayakap at mahawakan pero ang makita lang siya sa videocall ang magagawa mo. May pagkakataon na gusto mo siyang makausap ng personal pero tanging boses lamang niya sa call ang maririnig mo. Kailangan mo talagang mag-invest ng doble pasensya.

"Sigurado ka ba dyan? Baka naman hinala mo lang iyon?" Tanong ko sakaniya.

Hindi lang pasensya ang dapat mong i-invest kapag nagmahal ka ng seaman/seafarer. Kailangan mo rin ng dobleng tiwala lalo na at malayo kayo sa isa't isa.

"Umamin po siya sa akin, Ma'am. Nakikipaghiwalay na at nabuntis niya daw iyong katrabaho niya!" Sabi nito humagulgol na naman ulit. Mas matindi pa sa kanina.

For me naman kahit nasaan ka pa.Seafarer ka man, nasa bahay, office for work if you want to cheat you can cheat. Kung hindi mo mahal ang partner mo magpapadala ka sa tukso, you'll cheat. Kasi kung mahal mo in the first place bakit ka naghanap ng iba?

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon