CECHM 6- Guilt

4.6K 73 2
                                    


Eryu's POV

"Miss Eryu, nakasalubong ko po si Mr. Martinez kanina sa kitchen. Tinatanong po niya kung okay na po ang hard copy?" Tanong ni Feliz.

Kasakukuyan kong binabasa ang makapal na hard copy sa aking lamesa noong dumating siya. Tumayo siya sa tabi ng pinto. Handa na ang handbag niya at ang coat na naka-sampay sa kaniyang braso. Alas singko na rin kasi ng hapon kaya oras na ng uwian. Usually ganito ang uwi namin kapag walang event, or wala ng office works. Kaya lang abala ako sa mga papers kaya male-late ako ng uwi pero baka mga isang oras lang ay tapos ko na ito.

"Pakitawagan naman si Mr. Martinez bago ka umalis. Paki-sabi na tapos ko na ito pero chine-check ko nalang just to make sure na walang mali. Once I'm done ay iiwanan ko na lamang sa opisina niya." Sagot ko kay Feliz.

"Masusunod po, Miss Eryu." Sagot nito sa akin.

Isang tango ang isinagot ko sakaniya at nagbalik na ako sa ginagawa.

"Kayo po, Sir Wade?" Tanong ni Feliz.

Huminto si Wade sa pagti-tipa dahil hindi ko na narinig ang tunog ng keyboard. Tahimik lang kami buong araw since pareho kaming may deadline ngayong araw.

"Paki-sabi kay Mr. Martinez na kasakukuyan ko pa itong ginagawa. Soft copy lang naman ang hinihingi niya sa akin kaya iiwanan ko nalang sa opisina niya ang flash drive." Sagot ni Wade sa kaniya.

"Sige po, Sir Wade." Sagot ni Feliz sakaniya.

Hindi na sumagot si Wade sakaniya. Bumalik na ito sa kaniyang ginagawa noong marinig ko mula ang pagtitipa sa keyboard. Sana pala ay palagi na may deadline si Wade para palaging tahimik ang buhay ko gaya ngayong araw.

Paalis na sana si Feliz, noong muli akong magsalita.

"Sandali, Feliz. Sabi mo nakasalubong mo si Mr. Martinez kanina, diba?" Tanong ko sakaniya. Inihinto ko ang pagbabasa at inilipat ang tingin kay Feliz.

"Opo, Miss Eryu. Bakit po?" Sagot naman ni Feliz.

"Hindi ba't half day lang siya ngayon? Bakit nandito pa siya?"

Sa pagkakaalam ko ay kakain sa labas ang pamilya ni Mr. Martinez ngayon. Kaya nakapagtataka lamang na nandito pa siya. Isa pa siya iyong tipo ng tao na hindi nale-late pagdating sa pamilya kahit pa may makasabay ito na work related appointments.

"Half day nga po siya ngayon. Kaya lang may nadiskubre po si Mr. Martinez na dalawang empleyado. Naghalikan daw po during their duty kahapon." Kwento ni Feliz.

Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sakaniya at ibinalik ang tingin sa mga papel na hawak ko. Nasa last page na ako kung saan blank paper. Nagpapanggap ako na may kung anong binabasa dito kahit wala naman. Narinig ko rin ang paghinto ni Wade sa pagtitipa. Malamang ay narinig niya ang sinabi ni Feliz.

Hindi naman kami naghalikan! Kasalanan kasi iyon ng delivery guy at napagkamalan niya kaming leading man at leading lady kaya itinulak kami. Kaya naman nagdikit ang aming mga- Ayoko ng maalala! Isa iyong bangungot na gusto ko nang makalimutan dahil sobrang nakakadiri.

"Hindi po inakala ni Mr. Martinez at maging ako na magagawa nilang dalawa iyon. Palagi po kasi silang nag-aaway tapos mababalitaan ng lahat na nag hahalikan na sila."

Palaging nag-aaway? Sabay kaming napalingon ni Wade sa isa't isa pero mabilis din na nag-iwas.

"Nagkakamabutihan na pala." Dagdag pa ni Feliz.

"No! That's impossible!" Sabay naming sabi ni Wade. Nagkatinginan kami at nag-iwas rin ng tingin.

"Sir Wade, Miss Eryu, may problema po ba? Ayos naman po kung magkamabutihan sila Manang Enya at Manong Rano. Pareho naman po silang byudo at byuda. Ang masama lang po ay sa oras ng trabaho sila naghalikan." Paliwanag sa amin ni Feliz.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon