ERYU's POV
Girlfriend?
Isasaboses ko na sana iyon kaya lang ay bigla akong niyakap ng dalaga sa harap ko. Kahit na unang pagkikita pa lamang namin.
"She's Winwin. My sister." Sabi ni Wade.
"And I'm going to be your sister too, Ate Eryu." Excited na sabi ni Winwin habang yakap pa rin ako.
"Baka naman masakal mo na sa yakap ang Ate mo, Win." Sabi naman noong lalaki, ang Dad nila.
Ate Eryu, ang ate mo.
Hindi pa rin ako makapaniwala na naririnig ang pag address sa akin na mga iyon mula sa pamilya ni Wade. Mukhang naiku-kwento na niya ako sa mga ito. Hanggang saan kaya ang naikwento niya? Mula kaya doon sa mga araw na palagi kaming nag-aaway?Nahinto ang pag-iisip ko noong hilahin ako ni Winwin papasok ng bahay nila. Natatawa naman ang mag-ama na sumunod sa amin. Pinagmasdan ko ang kabuoan ng bahay, hindi ito kagaya ng modernong desenyo, pero maganda ito. May halong desenyo mula sa Spanish colonial. Mukhang isa ito sa matitibay na bahay noong unang panahon, na pinatikim ng kaunting renovation.
May dalawang palapag ito at paakyat sa ikalawang palapag ay makikita ang apat na pinto. Siguro ay iyon ang mga kwarto. Alin kaya ang kwarto diyan ni Wade?
Hoy, Eryu! Tumigil ka nga. Unang beses mo pa lamang nandito ay kung ano-ano na ang naiisip mo.
"Ate Eryu, iyon ang magiging kwarto niyo ni Kuya." Turo nito sa isa sa mga pinto.
"Winwin! Baka mailang ang Ate Eryu mo sa mga sinasabi mo." Suway ni Wade sa kapatid at napakamot sa ulo.
"Pagpasensyahan mo na Eryu, may kadaldalan ang kapatid mo." Sabi ng Dad nila.
"A-ayos lang po....Sir." Ako habang naninimbang sa itatawag ko sakaniya.
"You can call me, Tito Winston. Baka mailang ka ka kung Dad na ang ipatawag ko saiyo, kahit doon din naman ang bagsak nito."
Napalunok ako sa mga sinasabi ng mag-aamang ito. Si Winwin, kulang nalang itulak kami ng kuya niya sa iisang kwarto, si Tito Winston naman parang gusto na akong itali sa anak. Baka naman hindi na ako makalabas sa mansion na ito!
"Salamat po, Tito Winston." Sagot ko sakaniya at pilit ngumiti sa nangyayari.
Dumiretso kami sa hapagkainan at pinaupo ako ni Wade. Si Wade ang nagsasandok ng kanin, si Tito Winston naman sa ulam, at si Winwin naman ang kumukuha ng kubyertos. Matangkad na babae si Winwin para sa edad niya. Kaya lang ay sobrang taas ng lagayan para makuha ang babasaging pitsel. Nilapitan ko siya at ako na ang kumuha.
"Salamat, Ate Eryu. Pasensya na at wala kasi kaming kasambahay. Ayaw ni Dad, well, ayaw rin pala ni Lolo noon. Sila ang nagluluto para sa mga asawa. Some people thinks na ang mga lalaki sa pamilya namin ay under, pero mali iyon. Bustamante's always want to serve their queen."
Habang abala ang mag-ama sa kusina at kami ni Winwin ang nagku-kwentuhan sa lamesa. Kinwento niya sa akin na kahit may mga properties, business sila ay hindi sila kumukuha ng kasambahay. Noong buhay pa daw ang mommy nila, si Tito Winston na daw ang nagluluto talaga. May mga inaasikaso man daw ang ama dahil sa iilan na business, pero bago ito umalis ay nakakapaglinis na ng bahay, at nakakapagluto na ng pagkain na pang buong araw.
"Sayang nga lang at hindi mo naabutan si Mommy." Malungkot na sabi ni Winwin.
"Anong nangyari?" Hindi ko alam kung tama ba na nagtanong ako tungkol doon. Kinain na kasi ako agad ng kuryosidad ko.
"Car accident. Tatlo sila sa kotse, si Mommy, ang kaibigan niya at ang anak nito. Isa lang ang nabuhay."
Nahinto ang pag-uusap namin ni Winwin noong nakabalik na sina Tito Winston. Sa tingin ko nga ay tamang-tama ang pagkabalik nila, mukhang maiiyak na kasi si Winwin sa pagku-kwento. Siguro ko nga ay hindi pa ngayon ang tamang oras para alalahanin niya at ikuwento ang mga iyon. Marami pa namang oras para kilalanin ko sila, at alamin ang kwento ng pamilya nila.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
Storie d'amoreEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...