CECHM 19- Self love

3.1K 56 3
                                    


ERYU'S POV

"Siguro mas maganda kung simplehan mo lang iyong layout." Sabi ni Jacob.

Inabutan ko sila na abala ni Feliz sa kanilang table. Abala ang kanilang mata sa PC at may kung anong ginagawa.

"Sa tingin mo mas ayos iyon?" Tanong naman ni Feliz.

"Based on our client's personality." Sagot ni Jacob.

Sa sobrang abala nila ay hindi na nga nila napansin ang pagdating ko. Ang aga naman nilang abala sa para sa mga oras na ito. Although it's not early, tinanghali na rin kasi akong pumasok. Hinayaan naman ako ni Mr. Martinez na ma-late since kababalik ko lamang galing ng Cagayan noong nakaraang araw. Kaya lang ang pagod ay dama ko pa rin.

"Taking advantage of Feliz, Jacob?" Panira ko sa namumuong something sa pagitan nila.

Nag-angat sila ng tingin sa akin. Halos magkatabi na nga sila sa upuan. Saan ka naman nakakita ng office table na pang dalawahan? Couple table ba ito at hindi office table?

"Ang dumi talaga ng isip mo sakin 'no, Eryu? Pero parang ganoon na nga."

"Medyo abala lang kami dahil sa pagsasamahan na event ng dalawang team, Miss Eryu. Ina-adjust namin ang schedule, baka hindi kayanin since na i-plot na noong nakaraan na kaniya-kaniya ng event." Paliwanag ni Feliz at ibinalik ang tingin sa computer. Mukhang litong lito sa mga gawain.

"Pagsasamahan? Kailan ulit magsasama ang team natin?" Mabilis kong tanong.

Hindi na sumagot si Feliz at nagpalipat lipat ang tingin sa computer na para bang may binabasa. Si Jacob nalang ang kumausap sa akin.

"Pinagsama na ulit ang dalawang team?" Dagdag tanong ko pa ulit.

Ilang araw akong nawala at mukhang may mga napag-usapan na sila ulit tungkol sa kalakaran sa kompanya. Maaaring dahil wala ako ay si Feliz ang nakipagmeeting at si Jacob naman para sa kabilang team since wala din nitong nakaraan si Wade.

Ano kaya ang nangyari at ibinalik ulit sa dati na magsasama ulit ang dalawang team? Desidido si Wade noon na paghiwalayan ang dalawang team, at nangyari naman. Maaaring nasa iisang kompanya pero magkahiwalay ng grupo sa bawat event. Mr. Martinez agreed on that, dahil na rin siguro malaki ang naitutulong ni Wade sa pagbangon ng kompanya. Kaya bakit bigla na lamang niyang sinisira ang hiling ni Wade noon? Bakit muli niyang pinag-iisa ang dalawang team?

"Oo, magsasama na ulit, pero pansamantala lamang. Salamat sayo." Masayang sabi ni Jacob.

Inakbayan niya si Feliz pero mabilis naman inalis nito ang kamay at naging abala pa rin sa computer. Halatang masaya si Jacob dahil makakasama na niya si Feliz sa mga events.

"Salamat sakin? Anong ibig mong sabihin?"

Ilang araw lang akong nawala pero bakit parang ang dami kong na-missed out.

"You filed a leave hindi ba? Dahil doon ay walang team leader ang grupo nyo, kaya't si Wade lamang ang matitira. He decided to take all the responsibilities and to merge the team again-"

"I didn't file a leave." Mariin kong sagot.

Wala ako nitong mga nakaraang araw kaya wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. Pero hindi ko pa naman nakakalimutan ang mga desisyon ko sa buhay. Hindi pa naman pumasok sa isip ko na magleave ng ilang araw, o ni isang araw man lang. Kaya't paano nangyari na nag-filed ako ng leave?

"I filed a one week leave for you." Sabi nang kadarating lamang na boses.

Ang akala ko ay nasa loob na siya ng opisina namin. Late akong pumasok pero mas late pa pala siya, gayong mas nauna naman siyang bumalik ng Maynila noon. Hindi ba nga't iniwan niya ako doon ng walang pasabi.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon