CECHM 13- Normal

3.7K 58 3
                                    

Eryu's POV

"Thank you very much Miss Shimizu for this wonderful event!" Sabi ni Miss Ariela ang aming kliyente.

Maiksi ang kaniyang buhok na hindi lalagpas sa balikat, morena ang balat pero glowing at mukhang alaga sa derma o hindi pumapalya sakaniyang skin care. Balingkinitan ang katawan at kung titingnan ay parang nasa mid 20's palang ang kaniyang edad. Kahit na ang totoo ay nasa mid 50's na siya. Hindi ko nga alam kung bakit umedad siya ng ganito na walang naging asawa.

"Hindi lang po ako ang dapat pagpasalamatan ninyo, Miss Ariela. Kung di dahil po sa tulong ng team ko ay hindi magiging possible ang event na ito." Sagot ko dito.

Nilingon ko naman ang nga staffs ko na kasalukuyang nagliligpit ng mga kagamitan at naglilinis ng garden ni Miss Ariela. Isang reunion ng kanilang batch ang naging event dito. Puro mga propesyunal ang mga bisita at ang ilan dito ay mga kasalukuyang politiko na nakaupo. Nakakatuwa lang dahil naabot namin ang standards nila.

"Then I should thank them personally." Sagot ni Miss Ariela.

Tinawag ko ang team at personal silang pinasalamatan ng aming kliyente. Kapag may achievement na natatanggap ang isang team o isang kompanya we should not forget to acknowledge even those employees under the lower level position. Sakanila talaga nanggagaling ang hardwork at ang manpower.

Iyong mga nasa high level position naman, ang utak ang pagod sakanila. Kaya lang kapag utak lang ang mayroon pero kulang sa gawa, ay siguradong walang mangyayari. Kaya naman napaka halaga ng bawat empleyado sa isang company. They should receive a good treatment regardless of the position.

Miss Ariela also gave as a tip worth fifteen thousand pesos. Tip nga ba ang ganoon kalaki? Habang nasa byahe kami sakay ang puting van ay napag-usapan namin ang tungkol sa tip na ibinigay.

Hinati-hati ko ito sa sampung katao na mga kasama ko. I did not include myself. Ayos na sa akin ang sahod na matatanggap ko sa MEGC at ang ngiti na nakikita ko sa mga kasama ko. Some of them have a family to support, at magiging malaking tulong ang natanggap.

Iyon namang ibang natirang pera ay napagdesisyunan namin na kumain sa malapit na restaurant. We should celebrate all together dahil ang event na ito ay naging maayos at maganda because of our teamwork.

"Tatawagin ko lamang po ang waiter." Sabi ni Manong Carlito ang technician ng team.

Isa na siya sa pinakamatagal na empleyado ng MEGC. Bago pa man ako dumating ay parte na siya ng kompaniya. I can still remember his hair na noon ay iilan lamang ang puti, at ngayon ay halos naglalaban na ito sa dami ng itim na buhok. Tumanda na siya sa MEGC dahil maayos ang pasweldo dito at higit sa lahat may pagpapahalaga ang kompanya sa bawat empleyado. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit nagtagal siya sa kompaniya.

But sometimes, hindi lang ang kompaniya ang dahilan kung bakit may mga nagre-resign sa trabaho. Ang ilan ay dahil rin naman sa mindset ng mga empleyado.

Years ago, I met one of the senior employees of MEGC which is Mr. Reyann. Sinabi niya sa akin ang dapat maging mindset ng isang empleyado para tumagal sa trabaho. When you are an employee you should have the mindset of a businessman, you see the company as your client. Gagawin mo ang makakaya mo to cater its needs, than to have the mindset of some employees, na iniisip na they should work according according to their task without doing their best. Iyong palagi mong maririnig na 'wala namang nakatingin na supervisor kaya pwede na ito', 'hindi naman ito kasama sa trabaho ko kaya why would I be concern?

That's the reason on why some employees can't stay for years, pero hindi ko naman nilalahat.

"Hindi na po, Mang Carlito. Magpahinga na lang po kayo diyan at halatang napagod kayo kanina. Ako na lamang po ang tatawag sa waiter."

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon