CECHM 24- Choice

2.9K 51 0
                                    


Eryu's POV

Napalingon ako sa mga bisita na ngayon ay nakababa na ang mga maskara. Lahat ay mahahalagang tao sa amin ni Lenz. Ang mga pamilya namin, malalapit na kaibigan at ilan pang kakilala na saksi sa naging relasyon namin noon.
Nakangiti sa amin ang Mama at Papa ni Lenz, alam ko kung gaano sila naging mabait sa akin noon. Kaya lamang mamaya ay mawawala ang ngiti nila sa oras na nagsalita ako. Maaaring pagkatapos nito ay hindi na nila magawang mabait sa akin.

Natanaw ko naman si Irette sa kaniyang black silk gown. Hindi na ako magtataka kung bakit siya biglang nauwi ng Pilipinas ngayong busy siya sa kanilang business sa ibang bansa. Naiisip ko na kung paano niya ako sesermunan pagkatapos ng mga sasabihin ko. Higit sa lahat nandito ang buong pamilya ko. Nakita ko si Mama na nagpupunas ng nangingilid na luha, si Papa naman ay abala siyang aluhin, at si Kuya, kagaya ng dati ay wala pa rin pakielam sa akin. Hindi ko makita na masaya siya o nalulungkot na ikakasal na ang kapatid, pero kahit ganoon ay nagbigay siya ng oras kasama nila Mama at Papa na umuwi galing ng Japan.

Lahat ng nandito ay nagbigay ng oras para sa isang malaking event, na wala akong magagawa kundi sirain. Alam ko na lahat sila ay sisisihin ako sa gagawin, pero hindi ko ito pagsisisihan.

Nakita ko na lumabas si Wade at si Jacob na umiiling sa akin. Halatang disappointed siya na makitang nasasaktan ang kaibigan. Mabilis niyang sinundan si Wade palabas. Higit sa ibang tao ay mas gustong gusto ko siyang habulin at magpaliwanag kahit wala naman akong alam tungkol dito. Kaya lang bago siya kausapin, gusto kong ipaliwanag sa lahat ang totoo. Ayoko naman na makita nila kami na magkasama, gayong sa isip nila ay hindi pa rin kami tapos ni Lenz. Ayokong idawit si Wade sa gusot ng nakaraan ko.

"Lenz, alam mo namang tapos na tayo. Isang taon na ang nakakalipas. Kaya anong ibig sabihin nito?" Tanong ko sakaniya gamit ang mahinang boses.

Siniguro ko muna na nakapatay ang hawak ko na mic para kami lamang ang makarinig. Sapat nang kami lamang ang magkakarinigan ng mga sasabihin ko. Alam kong kahihiyan ang ibibigay ko kay Lenz, pero ayoko namang ipaalam sa mga tao ang bawat detalye.

Nanatili pa rin siyang nakaluhod hawak ang kahon ng singsing.

"Isang taon ang pinalipas ko, Eryu. Binigyan kita ng oras para sa pangarap mo, at para makapag-isip isip na rin. Sa tingin ko ay ayos na iyon para tayo naman ang unahin mo ngayon. Spend the rest of your life with me, Eryu."

Sa nakalipas na isang taon wala kaming komunikasyon, at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko kinamusta ang lagay niya. Palihim kong tinatanong sa mga kasama niya sa barko kung ayos lang ba siya. Palagi ko siyang ikinakamusta, hanggang sa naging madalang nalang, at hanggang sa dumating sa punto na wala na. Hindi ko rin namalayan iyon. Hanggang sa isang araw na fall-out na pala ako.

Hindi lang pala ang pagka-inlove ang hindi mo mamamalayan, hindi mo rin pala mamamalayan kapag na-fall out kana. Kahit subukan mong ibalik, hindi mo na magagawa.

Napalingon ako sa lahat ng tao na nandito. Lahat sila naghihintay ng susunod na mangyayari. Kung hindi kami nagkahiwalay ni Lenz noon, lahat ng nandito ngayon ay ma-aappreciate ko. Ang magandang lugar, ang mga dekorasyon, ang mahahalagang tao sa buhay namin na nagbigay ng oras para dumalo. Kung ako pa rin ang dating Eryu, at siya pa din ang dating Lenz mula sa nakalipas na taon, malamang pareho na kaming umiiyak ngayon sa saya. Kaya lang ganoon kabilis nabago ng panahon ang sitwasyon at ang nararamdaman ko. Mahal mo noon, sa isang iglap hindi na ngayon.

Bumalik ang tingin ko kay Lenz. Alam kong mabuti siyang tao, pero hindi ko na siya matingnan kagaya ng pagtingin ko sakaniya noon. Nabago na ang lahat, nabago na ang nararamdaman ko.

"Tumayo kana dyan. Tama na ito, Lenz."

Tumulo ang luha ko at iniabot sakaniya ang kamay ko. Nagtilian ang mga tao sa paligid dahil mali sila ng pagkakaintindi. Ang inakala ng lahat ay tatanggapin ko na ang singsing, ang hindi nila alam ay inaalalayan ko lamang si Lenz na tumayo.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon