Wade's POV
"Wade, pinabibigay nung client mo." Sabi ni Jacob at bigla na lamang pumasok sa opisina ko.
Ano pa nga ba ang aasahan ko, na kakatok siya? E mas feeling boss pa nga siya sakin, siguro dahil sa alam niyang malakas siya sa akin at kaibigan ko siya. Dala-dala niya ang isang basket ng mga prutas.
"Sige na. Iuwi mo nalang." Sabi ko sakaniya at hindi man lang binigyan ng atensyon ang dala niya. Ibinalik ko na ang sarili sa aking laptop.
"Hindi mo man lang ba tatanungin kung sinong client ang nagbigay nito?" Tanong ni Jacob at nakatayo pa rin siya sa harap ng pinto.
Iritado kong isinara ang laptop. May binabasa pa naman akong email mula sa HR department at mahaba iyon, tapos sasabayan pa ako ni Jacob. Paano ko ba naman maiintindihan? Mamaya na nga lang.
Pagod kong isinandal ang likod sa aking swivel chair. Ano bang issue kay Jacob na may nagpadala nito? Sanay naman na siya na palagi akong nakakatanggap ng regalo sa mga babae naming kliyente. Parang araw-araw valentines dahil sa mga regalo. Lahat naman ng iyon ay ibinibigay ko kay Jacob, automatic na iyon. Kaya ano pang ginagawa niya dito at ipinapakita pa sa akin?
"Sinong kliyente? Let's pretend that I'm interested. Para matapos na itong pangungulit mo. As you can see I'm busy, I'm always busy."
Ang dami ko pang pending events. Abala sa mga paper works patungkol sa mga plano dito, at madalas abala sa mismong site.
There’s no chill day for a Wade Bustamante, the ace of Casa Grandia. May mga kilala at matatagal na sa industryang ito, pero nung dumating ako mas pinili ng mga kliyente ang serbisyo ko.Marami kaming team sa Casa Grandia, at ang team ko ang pinaka nasa ituktok. Hindi maiiwasan na kainggitan ng ibang mga team.
"Galing ito kay Mrs. Fernadez, your client... five years ago."
Five years ago? Naalala niya pa akong padalhan, at higit sa lahat naalala niya pa ako? I don't even remember her! Sa dami ba naman ng naging kliyente ko, at limang taon na ang lumipas. Kahit nga yata nagbreak na couple, naka-move on na kung ganon katagal na ang lumipas.
"Okay... Thank her for me, and could you please tell her na wag ng magpadala? Hindi ako natutuwa, it bothers me."
Napailing si Jacob, at dumukot ng mansanas sa basket. Kinagat niya ito bago nagsalita.
"Sa lahat ng kilala kong single, ikaw lang ata ang hindi natutuwa na may nagkakagusto sayong babae. Sila pa ang kusang nanliligaw sayo." Sabay taas ng basket para ipakita ulit ito sa akin.
"You called her Misis Fernandez, technically she's married."
"Uy, wag ka nga, Wade. Kahit naman single, sexy, maganda, may maayos na career hindi tumatalab sayo. Kala mong allergic sa babae." Reklamo sa akin ni Jacob.
For the past years, naging abala ako sa trabaho. Too busy to climb the peak of my career, kahit hindi naman din ako gaanong nahirapan na maging team leader dito. I lead a team, at kagaya ng sabi ni Jacob, I don't like girls. Straight naman akong lalaki, tinatayuan din kung minsan. Kaya lang, hindi ko pa nararamdaman na may gusto akong babae na papasukin sa buhay ko, dahil hindi pa handang sumakit ang ulo ko.
"I don't want stress, Jacob. I have lots of deadline, clients that needs to be impressed. I don't impress ladies, I only do that to my clients... during the event."
Hindi ako gaanong malapit sa mga babae, mali, hindi pala talaga. Bukod sa kapatid kong si Winwin, medyo close din naman kami ng step-sister ko na si Riza, kaya lang gaya ng ibang babae madami din itong drama sa buhay. Kaya kung minsan hindi ko pinapansin.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...