CECHM 38- Ability

2.9K 55 1
                                    

Eryu’s POV

Noong makarating na kami sa ospital, Ruz undergo some tests para malaman ang dahilan kung bakit siya nilalagnat at nagsusuka. The moment that we joined the crowd, ang mga doctor sa ospital, mga nurse na nagroronda, ang mga kapamilya ng mga pasyente na naglalakad sa pasilyo, may napansin ako. That answered my question quietly. Kung bakit nandito si Riza ngayon despite of the warrant that she'd received.

Nakaupo kaming tatlo sa waiting area, si Riza, ako, at sumunod sa akin si Wade. Pinagmamasdan ko si Riza ngayon na nakatakip na ang ulo ng hoodie. Hindi kagaya noon na elegante at high end ang isang Riza Bustamante Pacheo, she loved attention before. Ngayon ay nagigig maingat para hindi mapansin ng karamihan. Bahagya rin siyang yumuyuko sa tuwing lalabas ang nurse para magtanong sa amin, tila ba ayaw ipakita ang mukha.

"Why are looking at me?" Halos pabulong pero iritado niyang sabi sa akin. Maging ang lakas ng pagsasalita ay kinokontrol niya, trying as much as she can not to get attention.

"You know that I'm not the one who's looking for you."
Bulong ko rin sakaniya tama lang para siya ang makarinig. Abala si Wade sa kaniyang phone at binibilinan sina Eliot.

Nagbago ang ekspresyon ni Riza mula sa pagka-irita ay nabalot na siya ng takot. May dumaan na pulis sa harapan namin na mukhang kadi-discharge lamang at may benda ang braso. Biglang yumuko si Riza.

I knew it, she escaped from the prison. Pero kailan pa? A few days ago or a week? Kailan ko lang din naman kasi napansin na may umaaligid sa amin, o baka namana hindi ko agad naramdaman. Malamang alam na rin ng mga Pacheo ang tungkol dito.

"Pagkatapos ma-discharge ni Ruz umalis kana—"

"Stop lecturing me, he's my son. I'm the real mother, baka nakakalimutan mo."

"There's nothing wrong kung lalapitan mo ang mga bata. Hindi kita tinatanggalan ng karapatan, but the law restricted you to go out. You should surrender yourself."

Isa rin ang mga Pacheo sa mga kilalang pamilya sa bansa. Dating mga politiko kaya't mabilis matutunton si Riza, they can use connection anytime they wanted to. Isa sa myembro nila ang nawala, kaya't alam kong hindi nila hahayaan na mawala ang dapat magbayad. Lalo pa ngayon na ayon sa balita mula sa kulungan, umamin na si Riza na pinatay niya talaga ang dating asawa.

Ang sabi sa statement ni Riza ay nagbago na daw ang asawa, hindi na nanakit gaya noon. Natatakot lamang daw siya na paano kung isang araw bigla ulit siyang saktan. Once he laid his fingers on you, he can do it again. Naiintindihan ko si Riza sa parteng iyon, kung gaano ka kumplikado mabuhay araw araw na may takot. Nasa sarili kang tahanan pero hindi mo magawang makampante. Kaya lang, hindi niya pa rin dapat ito sinaksak habang natutulog.

The crime happened here in the Philippines. Iniwanan niya ang mga bata sa New York sa kanilang nanny. Riza asked for a vacation with her husband. Sa isang isla na binili ng asawa para sakaniya. Siguro biglang peace offering, without him knowing that it will be his place to have some peace, permanently.

Kaya lang, ang pinag-day off ni caretaker ay hindi inaasahang bumalik sa isla. Naging witness sa krimen na ngayon ay nagdidiin kay Riza.

"I will surrender myself but not now. Someone needs to pay a debt first." Masama ang tingin niya sa akin ilalim ng kaniyang hoodie.

Ako lamang ang nakakita kung gaano kadilim ang titig niya. Ang mga sinabi niya, is that some kind of threat? Para kanino pa? Ako lang naman ang itinuturing niyang kaaway bukod sa mga Pacheo. Sila Tito Winston, Winwin at Wade? Siguro oo, pero mas maliit ang posibilidad. She will turn a step back kung gagawa man siya ng hakbang para sa mga ito, because still she's a family member even by just the law. Samantalang ako, walang magiging pag-aalinlangan. Wala kaming ibang kuneksyon  kundi ang galit para sa isa't isa. Anger could lead to murder.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon