CECHM 10- Rescue

3.9K 71 2
                                    


Eryu's POV

Kasakukuyan naming binabaybay ang daan pauwi sa bahay. Nakaupo si Wade sa driver's seat at seryosong nagmamaneho. Nakaupo naman ako sa shotgun seat at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.

Bakit sa event ko pa iyon nangyari? Ito sana ang unang event na ako ang magle-lead ngayon na unti unti nang bumabangon ang Martinez Events Group.

Hindi ito ang inaasahan ko, the preparation was really good. Lahat ng aspeto ay siniguro namin na magiging maayos, kaya lang may mga unexpected talaga na nangyayari sa mismong event.

Isa pa, bakit ang dali para sa mga tao na manakit ng kapwa nila? That man lived for 21 years, may sariling buhay, pamilya at mga pangarap sa buhay. Lahat ng iyon, ay maaaring huminto na kung hindi siya maililigtas ngayon.

"Wag ka nang mag-alala sigurado ako na sumunod na sa ospital si Jacob. Handa siya sa mga ganitong pangyayari. Protocol sa team namin na kapag hindi ako makakapunta, Jacob will back-up."

Malumanay na sabi ni Wade at sandali akong nilingon. Pagkatapos noon ay ibinalik na niya ang atensyon sa pagmamaneho.

"Then I'm going to call, Jacob."

Sabi ko at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Kinuha ko ang phone sa aking hand bag. Magda-dial na sana ako noong magsalita si Wade.

"No need. I received a text from Jacob a while a go. Stable na daw ang kundisyon ni Kyle at ni Mrs. Chua." Kwento sa akin ni Wade.

"Mabuti naman kung ganoon."

Sabi ko at napabuntong hininga ako. Para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko. Alam ko na maaaring maapektuhan ang kompanya dahil sa nangyari, pero ang pinaka mahalaga sa sitwasyon na ito ay buhay ng tao.

Muli ay binuksan ko ang lock ng aking phone at hinahanap ko ang apps para sa vidcall.

"As much as possible wag ka munang gumamit ng social media. Baka mastress ka lang lalo." Paalala sa akin ni Wade.

"I'm going to call my boyfriend."

Matipid kong sagot sakaniya. Pagkatapos noon ay hindi na siya ulit nagsalita pa.

Lenz Vergara is not available.

Iyon ang nabasa ko sa app at hindi rin nag-riring ang account niya. Sa mga pagkakataon na ganito ay siya ang takbuhan ko. Tanging siya lang ang nakasanayan ko nandyan para sa akin since abala ang pamilya ko sa negosyo namin sa Japan, ang bestfriend ko naman ay palaging out of the country.

"Bakit hindi siya online?" Bulong ko at sinubukan na lamang na magtipa ng mensahe para sakaniya.

Call me when you're not busy. I need you now :(

"Sabi ko naman sayo ma-sstress ka lang pag nag-social media ka ngayon."

Sabi ni Wade at nilingon ko siya. Abala pa rin siya sa pagmamaneho at marahil ay napasadahan niya ako ng tingin kanina at nakita ang itsura ko noong hindi ko matawagan si Lenz.

Maaring busy siya sa barko, lalo na dahil passenger ship ang pinagtatrabahuha nito. That means may mas mabigat silang responsibilidad dito. Although may responsibilidad din sa mga cargo ships because they need to ship the items on time at dapat no damage. Mas mahirap at mas kumplikado nga lang ang passenger ship, dahil buhay ang responsibilidad nila dito.

Sunod-sunod na pop ang natanggap ko mula sa messenger. Iba-ibang mga tao ang nagtatanong tungkol sa nangyaring insidente ngayong gabi.
Imbis na buksan ang message nila ay inilagay ko na lamang sa aking hand bag ang phone ko.

Ayoko man na aminin, pero sa pagkakataon na ito tama si Wade. Hindi muna dapat ako maglaan ng oras sa social media kung gusto kong matahimik. Iniwanan ko na lamang na online ang phone ko at in case na magring iyon ay si Lenz na iyon atsaka ko lamang hahawakan ang phone ko.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon