CECHM 25- Family

2.9K 50 1
                                    


Eryu's POV

"On the way na ako dyan." Sagot ko sa tawag ni Wade.

Nakaipit ang phone ko sa aking tainga at balikat.

"I'm really sorry kung hindi kita masusundo." Halos pabulong niyang sabi.

Pupunta kasi kami ngayon sa bahay nila sa Bulacan, kaya lamang ay nagkaroon siya ng emergency meeting at hindi alam kung anong oras iyon matatapos. Kaya naman nagdesisyon nalang akong wag na magpasundo at puntahan siya sa office. Mas malapit kasi iyon sa way pa-Bulacan.

"Sige na. Mamaya nalang, they might hear you."

Hindi ko maiwasan na mapangiti kapag naiisip na nasa kalagitnaan siya ng meeting pero ang isip ay lumilipad dahil sa akin.

"Okay, take care. I love you."

Hindi na ako nakasagot dahil bigla nalang nag-end iyong call.

Nailigpit ko na ang mga gamit ko, maliban doon sa laptop na nakabukas pa rin sa aking office table. Napalingon ako doon at nakita ulit ang article na binabasa kanina.

Proposal of the year got rejected.

Ilang araw na pinag-usapan sa social media ang nangyari sa barko. Hindi ko akalain na mag-viviral pa ito. Walang video na na kumalat dahil na rin sa seguridad ng gabing iyon, pero may isang uploaded na picture. Iyong picture namin ni Lenz na nakatayo ako at nakaluhod siya. Hindi naman kami nakilala dahil naka blurred iyong mukha namin.

Hindi ko maiwasan na ma-guilty sa nangyaring kahihiyan para sakanya, pero pilit ko nalang iniisip na mas mabuti na ito. Malinaw na ang lahat sa pagitan namin na wala na talaga.There are things that we need to end, in order to start. I started living a new life with my new love, and I'm glad he's starting to upgrade his dreams. Iyong walang iniisip na baka may maiiwan habang wala siya, o baka may masasaktan. Malaya na siyang gawin ang gusto niya, without any doubt.

Lumabas na ako ng MEGC building. Hindi na tirik ang araw, pero matatanaw pa rin ang kulay asul na kalangitan. Napangiti ako habang nakatingala, this is freedom. Nakabitaw na kami sa nakaraan, at ngayon kasalukuyan na nabubuhay sa kani-kaniyang mundo.

Kaya lang, may pagkakataon talaga na kahit anong tulak mo sa nakaraan, kahit anong bitaw mo dito, hahabulin at hahabulin ka nito.

"Ma'am hindi po talaga kayo puwedeng pumasok." Narinig kong sabi ni Riana.

Inabutan ko sila sa lobby ng Casa Grandia na nagtatalo.

"Last time you let me in, and now you're telling me that I'm not allowed to enter?" Mahinhin na sabi noong babae pero alam mong may inis sa kaniyang tono.

Siya iyong misteryosong babae na nakabunggo ko sa elevator dati. Iyong babaeng maganda, at nakasuot na naman siya ng designer clothes kagaya noong huling beses na makita ko siya.

"The last time that I let you in napagalitan po ako, Ma'am. Makakapasok lang po kayo kung may appointment kayo." Paliwanag ni Riana.

Naalala ko tuloy nung huling beses na makita siya. Pinagagalitan siya ng mga board of directors dahil pinapasok ang babaeng hindi kilala. Siguro ay naging aral iyon sakaniya kaya grabe na lamang kung maghigpit ngayon.

Binati ako ng mga ibang staffs at ngumiti na lamang ako sakanila. Lalagpasan ko na sana ang eksena na kasalukuyang nagaganap noong may marinig ako na nakapagpahinto sa akin.

"Fuck that appointment na kanina mo pa sinasabi. Paulit ulit na lamang tayo dito. I need to talk to Wade. I know that he's here."

Ano kaya ang sadya niya kay Wade at pangalawang beses na niya itong binalikan. Kung kliyente siya ay sigurado aki na alam ng mga staffs dito na may appointment siya kay Wade. Kaya imposibleng hindi siya asikasukin ng mga ito.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon