Eryu's POVSa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako sa isang panaginip. Napanaginipan ko na naman iyong araw na nawala ang anak namin. Pagdilat ko ay may luha na naman sa mata ko, pero ang gabing ito ay hindi tulad ng dati. Hindi kagaya ng mga gabing mag-isa akong umiiyak sa kuwarto. Hindi kagaya noon na para bang nakatira ako sa mundo ng kalungkutan, mag-isa.
Maramdaman ko man ang kalungkutan sa pagkawala ng anak, alam kong hindi na ako nag-iisa. Hinaplos ko ang buhok ng lalaking natutulog at nakayakap sa akin. Bahagya siyang kumislot dahil sa ginawa ko pero nanatili pa rin na natutulog.
Matagal ko nang pinatay sa isipan ang ideya na matutulog kami sa iisang kama. Na bago kami pumikit ay mukha ng isa't isa ang makikita, at sa umaga naman ang mukha ng isa't isa ang unang makikita. Ilang araw na ganito ang routine ko dito, at hindi ako magsasawa na makita ito kahit ilang taon pa ang lumipas.
Napalingon ako sa pader kung saan nakasabit ang isang personalized frame. Nasa loob ng frame ang dalawang medyas na ibinili ko para sa anak. Noong malaman ni Wade na bumili ako nito, kaagad niyang ipinalagay sa frame. Hindi man namin siya nahahawakan physically, atleast kasama namin siya sa kuwarto. Kasama niya pa rin ang mga magulang niya.
Tungkol naman sa mga anak ni Riza, ilang araw silang iyak ng iyak. Alam ko na namimiss nila ang kanilang ina. Hindi ko naman sila kinakitaan ng galit sa akin, hindi kagaya ng galit ng ina nila. Hindi nga lang din nila ako masyadong kinakausap.
Wala pa sana kaming balak sabihin sa mga bata ang totoong nangyari, ang mga krimen na ginawa ng ina nila. Kaya lang matalino ang mga bata, alam nila ang nangyayari. Lalo na ang panganay na si Eliot, kinausap niya ang mga kapatid na kaya nakulong ang kanilang ina ay may kasalanan itong nagawa.
Alam kong naiintidihan na nila ang tungkol sa mga bagay na iyon. Kaya lang hindi pa rin maiiwasan na hanapin nila ang kanilang ina. Samantalang si Baby Ruz ay pinagtutulungan namin na alagaan.
Bumalik ako sa pagkakatulog at kinumutan ang lalaking nakayakap sa akin ngayon. Ilang sandali pa ay nagising ako sa iyak ni Ruz. Napatingin ako sa orasan, madaling araw pa lang. Nataranta ako dahil sa iyak niya kaya sa pagmamadali ay halos naitulak ko na ang nakayakap na si Wade.
Nalaglag pa nga si Wade sa kama kaya lang ay hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin. Si Ruz ang inaalala ko ngayon. Kaagad kong nilapitan ang kaniyang crib kung saan siya nakahiga.
"Puno na pala ng pupu ang diaper kaya naman pala umiiyak ang baby namin."
Kinakausap ko si Ruz habang nililinis siya at pinapalitan ng diaper. Kung kanina ay umiiyak siya, ngayon naman ay ngumingisi na. Naramdaman ko ang pagtayo ni Wade sa sahig at naglakad ito palapit sa akin.
"Hindi naman halatang mas mahal mo pa ang mga bata kaysa sa akin." Pagbibiro ni Wade at iniligpit niya ang pinagpalitan na diaper.
"Noong unang araw palang na makita ko sila, gusto ko na sila." Kinuha ko si Ruz at sinimulan na isayaw para makatulog.
Nung unang beses palang na makita ko ang mga bata, magaan na ang loob ko sakanila. Kahit pa kung ano ano ang ginawa ng ina nila sa akin sa nakalipas ng buwan, kung gaano kagaan ang pakiramdam ko sakanila nung unang makita, ganoon pa rin hindi nabahiran ng galit.
"Tumulong ka pa nga daw sa catering ng MEGC na magluto dahil gusto mong matuto sabi ni Feliz. Gusto mo ba akong ipagluto?"
Ngumisi si Wade sa akin. Ramdam ko na umaakyat ang level ng pag-aassume niya dahil sa nalaman kay Feliz. Bumalik na nga rin pala si Feliz ilang araw na ang nakakalipas, even Jacob sa Casa Grandia.
"I want to cook for the kids. Agahan, at simpleng baon lang para sa school."
Ngumuso si Wade dahil sa sagot ko na para bang nagtatampo.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...