Eryu's POV
"Saan mo dadalhin 'yan?" Tanong ni Irette sa akin.
Inabutan niya ako sa kusina na may hawak ng pagkain sa plato, at pati na rin inumin. Ang akala ko pa naman abala siya sa dining area kasama ng mga bisita, pero mukhang nagduda sa sandaling pagkawala ko doon.
"Upstairs." Matipid kong sagot.
Tinalikuran ko na siya dala ang pagkain pero hinawakan niya ako sa braso para pigilan.
"Paghahatiran mo pa siya? Bakit hindi mo pababain." Mapaghamon na sabi ni Irette habang nakataas ang kilay.
"Pareho nating alam na that will not going to happen."
"Why? Because she's afraid to go back to prison!" Bahagyang tumaas ang boses ni Irette.
Sumilip ako sandali sa dining area, abala sa pagkain at tawanan ang mga pulis. Mabuti na lamang at hindi nakuha ni Irette ang atensyon nila. Pag nagkataon, magkakagulo na lahat. Hindi lahat ng tao uunahin ang relasyon bago ang batas. Kahit na nga ba boyfriend pa ni Irette ito, kapag nalaman niyang may tumakas mula sa preso dito, hindi siya mag-aalinlangan na hulihin ito, na gusto din naman ng girlfriend niya na si Irette.
"Hinaan mo nga ang boses mo." Pagsaway ko sakaniya at nakatanggap naman ako ng irap mula sakaniya.
"Ewan ko sayo. Sana pala nilagyan ko na ng lason 'yan." Sabay tingin sa pagkain na hawak ko. "Sana hindi na pulis ang inimbitahan ko dito, kundi punerarya na."
Tiningnan niya ako ng masama at nagpati-una na umalis ng kusina. Bahagya niya pa akong binunggo kahit na may hawak akong pagkain. Gusto niya yatang matapon para wala na akong maiakyat kay Riza. Mabuti na lamang at naibalanse ko ito kaya walang natapon.
Abala sila sa pagku-kwentuhan sa dining area nung dumaan ako dala ang pagkain. Nginitian ako ng mga babaeng pulisya, at ganoon din ang ginawa ko. Nakatanggap naman ako ng irap kay Irette at binalewala na lamang iyon. Umakyat pa rin ako sa hagdan kahit parang masusunog na iyon sa init ng titig ni Irette. Anton's talking to her pero hindi halos sumasagot dahil nga abala siyang magalit.
Pagpanik ko sa taas ay pinihit ko ang door knob ng kuwarto. Nakasusi iyon mula sa loob, dahil siguro sa takot na naramdaman ni Riza. Nakailang katok na ako pero walang sumasagot. Hindi naman siya siguro tumalon sa bintana? Ang taas kaya 'nun. Imbis na pulis ang kukuha sakaniya, baka sunduin siya ng ambulansya kapag nagkataon.
"Ako 'to si Eryu." Sabi ko at kakatok na sana ako nung bumukas ang pinto. Isang maliit na awang at nakasilip siya mula sa loob. Ramdam ang takot na halos bigyan na nga siya ng atake sa puso gaya ng sabi ni Irette.
"Ba...bakit? Sabi ko naman sayo... I will surrender." Mahina niyang sabi at may panginginig sa tono.
"I'm just here to bring you food." Binuksan niya ang pinto at bumaba ang tingin sa tray na hawak ko. Ginawa ko naman iyong pagkakataon para itulak ang pinto at pumasok. Pagkatapos ay isinara ko ulit ang pinto.
Pumasok ako sa pinaka loob ng kuwarto at inilapag ang tray sa sidetable.
"Wala akong alam na sila ang bisita ni Irette. I didn't plan to scare you."
"Bakit ka nagpapaliwanag?" May pagkainis sa kaniyang tono.
Bahagyang napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Mabuti na lamang at nakatalikod ako kaya't hindi niya nakita. Matapos kong ilapag ang tray ay dahan dahan ko siyang hinarap.
"I'm not explaining for you, it was for myself. I'm just clearing my name, na wala akong ginawang masama. Kasi kung wala kang ginawang masama you won't be scared to face anyone, diba? You know what I'm talking."
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...