Eryu's POV"Wag mo nga akong lokohin. Dala dala niya ang apelyido mo tapos sasabihin mong hindi kayo kasal. Ano iyon, ipanarehistro niya mag-isa ang apelyido mo?"
Ilang beses niyang ipinamukha sa akin ni Riza na nakadugtong sa pangalan niya ang apelyido iyong. Isang parte ng pangalan na hindi mo basta basta makukuha kahit mag exam ka pa, o kahit mag-aral ka pa ng maraming taon. Hindi ito kagaya ng mga salitang idinudugtong sa pangalan gaya ng Dr./Engr/ at kung ano pa. Kung ganun nga lang sana ito, gano man kahirap, alam kong ipapasa ko ang mga exam makuha lang ang apelyidong iyon.
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. You're accusing me that I'm married?"
"Accusing? That's the truth. Inanakan mo ng apat tapos itatanggi mo."
"Ngayon inaakusahan mo naman ako na ama ng apat na bata? Saan mo ba nakukuha ang mga balitang 'yan?"
"Sa misis mo." Sagot ko sakaniya at umirap.
Hindi ka basta basta maniniwala sa isang bagay kung hindi mo nakita mismo. Sa case namin, nagpakilala pa sa akin ang asawa niya.
"Sayo?" Tanong niya sabay ngisi sa akin.
Obviously hindi ako ang misis niya!
"Wala tayo sa comedy show and I'm not your wife."
"Then I'll make you my wife."
Tiningnan ko siya ng masama atsaka palang siya nagseryoso. Halatang tuwang tuwa siya sa mga linyang ibinabato sa akin. Gusto ko naman siyang batuhan ng apoy sa galit.
"Okay, I'm sorry for those lines. Sinong misis ba kasi ang sinasabi mo?"
Hanggang ngayon ay inosente pa rin ang itsura ng mukha niya. Walang bakas ng pag-aalala. Ganito ba siya kagaling? Iyong tipong huli na siya pero parang normal pa rin ang lahat.
"Riza Bustamante, your wife."
Kumunot ang noo niya sa narinig. Hinilot ang kaniyang sentido bago nagsalita.
"You really think that she's my wife? Kaya mo ba ako pinagtaguan dahil akala mo may itinatago akong asawa?"
Hindi ako nakasagot sa mapanuri niyang tanong. Bakas ang pagkairita sakaniyang mukha.
"She's not my wife, okay?"
Mabilis niyang sagot sa akin."But she told me that she's your wife."
"Paano ka napaniwala na asawa ko siya? Pinakitaan ka ba niya ng marriage contract, or even wedding ring? Nakita mo bang ginawa ko sakaniya ito?"
Bigla niyang dinukwang ang mukha ko at mabilis hinalikan ang labi ko. Tinulak ko siya ng mabilis at tiningnan ng masama.
"Tell me, may nakita ka bang mga ganoon bilang patunay?"
Umiling ako bilang sagot dahil at pinunasan ko ng kamay ang labi ko. Nakita ko naman na napangisi siya.
"Para malaman mo na hindi kita ginawang affair, because you don't deserve that shit—"
"Buti alam mo."
Tumingin siya sa akin ng masama dahil hindi ko siya pinatatapos magsalita. Kimkimin ko ba naman ng ilang buwan ang mga rants ko kung bakit niya ako ginawang affair. Ngayon ay unti-unti na itong sumasabog.
Kumuha siya ng dalawang upuan at hinila ako para maupo doon sa isa. Umupo naman siya doon sa tapat at hinarap ako. Para kaming may late night talk dahil sa posisyon namin ngayon.
"About her last name, yes she's a Bustamante, but not because of me, not because I made her one of us. My auntie, my Dad's sister decided to adopt dahil mag-isa lang siya at tumandang dalaga. Nakilala niya si Riza sa isang orphanage, at sinubukan kung magkakapalagayan sila ng loob. Inuwi siya sa bahay namin noon ng ilang araw, at noong ibabalik na siya sa orphanage, dahil kailangan pang iproseso ang legal adoption. My mom, auntie, and Riza got into a car accident. Tanging si Riza lang ang nabuhay."
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...