CECHM 11- Paused

4K 74 4
                                    


Eryu's POV

Doubt

Isang bigay na ayaw kong pumasok sa relasyon namin. We've been happily together for years at sa ilang taon na relasyon namin ay ngayon ko lamang nakita ang ekspresyon niya na ito. Dissapointment.doubts.jelousy. Hindi ko naramdaman sakaniya kailanman iyon. Never siyang na-link or na-issue sa ibang babae magmula noong naging kami at pati narin pala noong magdesisyon siya na ligawan ako.

Hindi niya sakin ipinaramdam na sa relasyon namin may mga darating na commercial, new characters, o kahit extra man lang. Kahit maling hinala ay wala akong naramdaman man lang na ibinigay niya. Kahit isang simpleng pangalan ng babae ay hindi na-issue sa amin. Kaya naman walang pangalan na nagpapakulo sa dugo o wala man lang ako inii-stalk na babae sa social media na dapat kainisan.

Naging faithful siya sa akin sa nakalipas na taon at sa mga susunod pa. Kaya nga sobra akong nagu-guilty ngayon na naiparamdam ko sakaniya ang salitang doubt, although hindi naman totoo ang iniisip niya kaya lang nadi-disappoint ako sa sarili sa naiparamdam ko sakaniya.

"Sino siya?"

"Bakit hawak hawak niya ang kamay mo palabas ng bahay?"

" Higit sa lahat bakit nasa labas siya ng bahay mo?"

Sunod sunod na tanong ni Lenz sa kaniyang cold na tono. Magkaharap kami sa screen ng aking phone at kasalukuyang nag-vid call.

"I was about to tell you this pero busy ka dahik ipinatawag ka ng kapitan niyo." Sagot ko sakaniya sa malumanay na tono.

Wala akong balak ilihim sakaniya ang nangyari. Abala siya ng mga panahon na iyon at hindi ko na siya nabigyan ng paliwanag dahil nagpunta ako sa police station noon. Kaya lang, ang masama, ang social media ang bumuo ng paliwanag sa isipan niya. Umabot na sakaniya ang balita tungkol sa nangyari kay Kyle Chua sa event pa ng aming team. Naging kuryoso siya sa nangyari dahil nag-aalala siya sa akin kaya nag-browse siya sa internet tungkol sa balita.

Iniisip ko pa lamang ang reaksyon niya noong makita ang picture namin ni Wade na tinutulungan akong lumabas dahil sa pagdumog ng mga tao ay hindi maiwasan na kumirot ng puso ko. Nag-aalala siya sa akin kaya nangalap siya ng impormasyon pero pagkadismaya ang nahanap niya.

"Tell what?" Irritadong tanong niya sa akin.

Kung kanina ay malamig na tono lamang ang maririnig mo sakaniya, pero ngayon ay may kombinasyon na ito ng pagka-irita. Kung babaliktarin rin naman ang sitwasyon at ako ang makakakita ng ganoong picture habang magkalayo kami, ay magigising lahat ng ugat sa katawan ko. Hindi lang siguro ganito ang iaasal ko habang kausap siya. Maaaring kanina pa ako sumisigaw dahil sa galit.

"To tell you what happened on the event. Pati na rin iyong pagtulong sa akin ni Wade—"

"Si Wade pala ang nakahawak sa kamay mo. Sino na nga ba iyang Wade na 'yan?" Sagot niya sa sarkastikong tono at dinidiinan pa ang pagbanggit sa pangalan nito.

"He's my partner—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sumingit siya kaagad

"Partner?" Tanong niya at nagtaas siya ng kilay.

Mukhang mas inis na inis na ang tono niya sa ngayon. Bakit ba naman kasi iyong salitang partner pa ang unang nabanggit ko!? Alam ko na ngang mainit ang ulo niya at maaring mag-isip siya ng iba tungkol dito, kaya dapat naisip ko iyon kanina bago ako nagsalita.

"Team leader siya ng Casa Grandia at ako bilang team leader ng MEGC pinag-partner kami ni Mr. Martinez sa lahat ng event."

"Buti pa siya kasama mo ng madalas." Sagot niya sa naiinis na tono.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon