CECHM 30-Beach

2.8K 49 4
                                    

Eryu's POV

"I'll be there, Mr. Martinez." Sagot ko sa phone.

Nakabihis na ako ng corporate attire. Kasaluluyan ko na lamang tinitingnan kung may mga nakasaksak ba na appliances sa bahay bago umalis. Sa ilang araw na pananatili ko dito sa bahay ay wala akong ginawa kundi maglinis. Mapapaputi ko na rin ata ang itim na marmol sa lababo. Staying inside the house is not really good for me. Pakiramdam ko nga ay namumutla na ako dahil hindi man lang naaarawan.

Hindi ako bumalik dito para bulukin lang ang sarili. Kung dito lang ako mag-sstay araw-araw, hindi ko masasabing bumalik ako sa dati kong buhay. I missed those big and exclusive events. Kahit nga hindi na lamang ganoon kagarbo basta alam ko na incharge ako sa lahat, at hindi lamang sa hosting.

"See you later, Eryu. We're all waiting for you. Bye." Iyon ang huli kong narinig mula kay Mr. Martinez bago niya i-end ang tawag.

Nung maramdaman ko na ang inip ng ilang araw na pananatili dito ay tinawagan ko na si Mr. Martinez. Nung magpasya ako na magbarko ay tinawagan ko lamang siya para magpaalam. Mabuti na nga lang at inintindi niya ang kalagayan ko ng mga panahong iyon. Hindi niya ako pinigilan, at sinabi niyang maaari pa akong bumalik.  We didn't have a proper good bye noong umalis ako, at tingin ko ay alam ko na ang dahilan. Siguro ay hindi pa talaga oras para iwan ko ang MEGC. Parang nagleave lang ako ng mahaba, at ngayon ay tapos na ang leave na iyon.

Nung marating ko ang building ng MEGC ay pinagmadan ko ito sa labas. Bigla akong napangiti. Naalala ko pa nga nung panahon na nasa barko ako, madalas kong mapanaginipan ang MEGC. Siguro ganun talaga kapag hinahanap mo iyong trabaho mo, kahit sa pagtulog hindi ka mapapahinga sa pag-iisip tungkol dito.

"Welcome back, Ma'am!" Bati sa akin nung guard sa entrance.

"Nice to see you again, Kuya." Bati ko sakaniya at ngumiti.

Pagpasok ko sa lobby ay nagulat ako noong makita na nakahilera ang lahat. Nakatayo naman si Mr. Martinez sa gitna habang hawak ang maliit na cake kung saan may kandila. Napansin ko naman sa likuran nila ang isang malaking banner kung saan may nakalagay na 'Welcome home, Eryu Shimizu"

" I'am finally home." Maluha luha kong sabi at napatakip ako sa bibig ko.

Nilapitan nila akong lahat at hinipan ko ang kandila. Pagkatapos ay binigyan nila ako ng group hug. Ilang sandali kaming nagkwentuhan tungkol sa mga naging karanasan ko sa barko. Ang dami nilang tanong sa nakalipas na ilang buwan pero may isang bagay silang hindi tinatanong. Para bang censored at hindi puwedeng banggitin ang tungkol sa amin ng taong iyon. Mukhang nakausap na sila ni Mr. Martinez tungkol dito.

Hinanap ko si Feliz pero sabi ni Mr. Martinez ay abala daw ito sa ngayon. Hindi kinuha ni Feliz ang service ng MEGC para sa kasal niya. Hindi dahil ayaw niya sa MEGC, hindi nya rin kinuha ang Casa Grandia. Ipinaliwanag sa akin ni Mr. Martinez na hindi kumuha sina Feliz at Jacob sa mga katrabaho nila. Ayaw daw nilang maging abala ang mga ito dahil imbitado sa kasal bilang mga bisita.

"Go back to work. Kung ayaw niyong magalit ang team leader nyo." Pabiro kong sabi sa mga staff. Masaya naman silang bumalik sa kani-kanilang posisyon.

Naiwan kami ni Mr. Martinez na magkausap sa lobby.

"Mabuti nalang at bumalik kana. Feliz was really stressed lately, dahil siya ang ipinalit ko sayo pansamantala." Kwento ni Mr. Martinez.

Naimagine ko tuloy si Feliz na naloloka sa mga gawain. Ayaw pa naman niya ang trabaho ng isang team leader. She's really good when it comes to the preparations, kaya lang ay may pagkamahiyain kaya't ayaw nagsasalita sa harap ng maraming tao. Kasama pa naman sa trabaho ng isang team leader ang maglead ng event, ang magsalita sa harap.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon