CECHM 23- Back

3.2K 58 3
                                    


Eryu's POV

"You want me to come over?"
Si Wade.

Magkausap kami ngayon sa videocall. Kasalukuyan silang nagliligpit ng gamit mula sa kakatapos na event nila na inabot na ng umaga. Sa kaniyang background ay makikita na abala ang mga kasama sa pagtatanggal ng decors. Nadaanan naman ng mata ko si Betina, that girl! Why is she even there?

"Huwag na saka nalang. Araw-araw mo naman akong gustong makasama. Besides, I have lots of things to do." Masungit na sabi ko.

Napansin ko naman na lumingon si Wade sa kaniyang likuran sa abalang si Betina na hindi naman nakatingin pero halatang nakikinig.

"Sorry, I just wanna see you everyday." Sagot ni Wade at ngumisi. Tila alam na niyang ang ginagawa ng girlfriend kaya't sinusuportahan na lamang.

"I can't accommodate you today. Sa ibang araw na lamang tayo magkita." Sabi ko at napakagat sa labi habang nagpipigil na matawa.

Nakita kong lumayo si Wade sa mga kasama at huling huli sa video na lumingon si Betina para sundan ng tingin. Napangisi ako, epektibo ang plano ko. Nilakasan ko talaga ang boses ko para marinig niyang gustong gusto akong makasama ni Wade, at ako lang itong ayaw. Sinakyan naman ni Wade ang palabas kong iyon.

"Tayong dalawa nalang ang magkausap, you naughty girl." Mapang-asar na sabi ni Wade. "Ano pupuntahan ba kita dyan?"

"Busy ako today, Wade. May appointment ako doon sa client namin. Magtrabaho kana dyan, tapos na ang palabas natin." Natatawang sabi ko sakaniya.

"I wasn't joking, Eryu. Totoo ang lahat ng sinabi ko kanina."

"Which one?" Pa-inosenteng tanong ko kahit alam ko naman kung alin doon ang tinutukoy niya.

Abala ako ngayon sa pagpapatuyo ng buhok sa blower. May meeting kasi ako mamaya with my client, pag-uusapan ang tungkol sa event. Malaking event daw ito dahil sa isang cruise ship pa gaganapin.

"That I want to see you everyday." Sagot niya sa akin.

Napangiti ako dahil nakuha ang sagot na inaasahan. Mabuti nalang at natatakpan ng buhok ko ang mukha ngayon dahil hinawi ko ito para patuyin naman ang kabila.

"Nakikita mo naman ako everyday noon sa MEGC."

"Pero hindi mo naman ako pinapansin noon. Ako lang ang tumitingin sayo." Pagmamaktol niya.

"Kinakausap kita 'non ha! Naging friends na nga tayo noong bago ka umalis. Dapat kasi sinulit mo na ang mga gusto mong gawin noon."

"Kung sinulit ko noon. Pumayag ka kaya?"

"Of course, friends na nga tayo noon diba. Close na tayo noon."

"Close enough to kiss you? Meron bang magkaibigan na naghahalikan?"

Natigilan ako doon sa sinabi niya. Mygad! Halikan na naman ang iniisip niya.

"Teka, iyan ang isusuot mo?"
Seryosong tanong niya sa akin.

"Yes, black tube dress with red coat. Okay naman ito para sa appointment." Sagot ko dito. Hinati ko pa nga sa gitna ang buhok ko at itinali ito.

"Change your clothes."

"Why?"

"I don't like it."

"But I like it."

"Can you please hide your cleavage? Kung ayaw mong ako ang pumunta dyan sa bahay mo at tayo ang magka-appointment." Seryosong sabi niya at naputol na ang tawag.

Biglang uminit ang pakiramdam ko kahit kaliligo ko lamang. Nilakasan ko ang aircon gamit ang remote nito. Mahina na yata ang aircon ng kwarto ko at kailangan nang ipalinis.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon