CECHM 4- Different Perspective

5.3K 77 6
                                    


Eryu's POV

"Good Morning!" Pagbati ko sa mga empleyadong nakakasalubong ko.

"Good Morning din po, Miss Eryu." Sagot sa akin noong babaeng nakasalubong ko.

Nakangiti ako habang naglalakad papasok sa aking opisina. I have this positive mood today. Day-off kasi ngayon ni Lenz, so magkakausap kami ng mas matagal. Usually wala namang day-off ang mga nagtatrabaho sa cruise at 24/7 silang nasa trabaho. Sadyang binigyan lang ng isang araw na pahinga si Lenz dahil natuwa sakaniya ang captain nila kahapon.

Noong nabalitaan ko iyon ay parang ako pa iyong may day-off. Sobrang tuwang tuwa ako na makakausap ko siya ng matagal. Madalang kasi siyang tumawag nitong nakaraan. Kung minsan naman ay tatawag siya pero hindi man lang umaabot ng thirty minutes. Ayoko namang sabihin sakaniya na nagtatampo ako dahil kailangan ko siyang intindihin.

Kailan lang siya nag-effort para sa career niya, dahil puro ako ang inuuna niya, at ayoko namang hadlangan iyon.

Nakangiti ako noong marating ko ang salamin na pinto ng office. Masigla ko pa naman iyong itinulak, pero halos mauntog ako dito dahil naka-locked ito. Ngayon lang ito ini-locked ah? Hindi ko naman ito isinususi before, o kahit ng mga naglilinis dito.

Napatingin ako sa loob ng office at nakita ko si Wade na nakaupo sa kaniyang swivel chair. Abala siya sa kaniyang PC. Kumatok ako pero parang hindi niya ako naririnig. Imposible iyon dahil hindi naman sound proof ang office. Ilang sandali pa ay nagsuot siya ng earphones habang katok pa rin ako ng katok. Mukhang nagbibingi-bingihan siya!

Masakit na ang kamay ko pero mukhang wala pa rin siyang balak na pagbuksan ako. Hindi ko pa naman nadala iyong susi ko dahil hindi ko naman kasi nakasanayan na isara ito. Now he's here, it looks like he's trying to change everything.

"Feliz!" Pagtawag ko dito.

Malapit lang naman ang office ng assistant dito kaya alam ko na maririnig niya ako. Kung si Feliz nga narinig ako na nasa kabilang office, si Wade pa kaya na salaming pinto at pader lang ang pagitan. Sinasadya niya talaga na sirain na naman ang araw ko!

Ilang sandali pa ay natanaw ko na si Feliz na naglalakad na mahinhin. Mahaba ang buhok na palaging naka-ponytail ng isa at mataas. Palaging wumawagayway ang buhok niya sa tuwing naglalakad siya.

"May kailangan po kayo, Miss Eryu?" Tanong niya sa mahinhin na tono.

"Nasaan iyong spare key ng office ko?" Tanong ko sakaniya.

Dalawa lang kasi iyon, isa para sa akin, at isa na itinatabi ni Feliz if ever kailanganin ni Mr. Martinez. Usually naman hindi ko na isinasara ito noon, kaya hindi nagagamit ang mga susi. Sadyang nag-mainam lang itong si Wade ngayon at nag-locked!

"Wala na po sa akin, Miss Eryu. Ibinigay na po ni Mr. Martinez kay Sir Wade since gumagamit na rin po siya ng office." Paliwanag ni Feliz.

"Ah ganoon ba. Sige salamat nalang." Sagot ko sakaniya sa aking stressed na tono.

"Bakit po kailangan nyo?" Nagtatakang tanong ni Feliz.

Never ko pa kasing nagamit iyong susi na iyon, maging iyong spare key kay Feliz at hindi rin naman nagagamit. Iniiwan ko lang kasi na hindi naka-locked ang office.

"Nakasusi, hindi ako makapasok." Sagot ko at utinuro iyong key hole.

"Nandyan naman po si Sir Wade sa loob. Pabuksan nyo na lamang po ang pinto."

"Kanina pa nga ako kumakatok."

"Baka hindi po kayo naririnig, Miss Eryu. Naka-earphones po siya." Sabi ni Feliz at tumingin doon sa pintuang salamin na nakatalikod ako.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon