Eryu's POV
Alas singko na noong umaga noong magising ako sa aking kama. Babangon na sana ako para maligo kagaya ng daily routine ko. Kaya lang, naalala ko na wala na nga pala akong trabaho. Hindi naman ako nag-alarm dahil kusa akong nagigising ng ganitong oras noon para sa trabaho. Parang ito na rin kasi iyong naka-set na oras sa body clock ko sa nakalipas na ilang taon kaya kusa akong nagigising.
"More time para makapag pahinga." Pagkausap ko sa sarili ko.
Humiga ulit ako at nagdesisyon na ipikit ang mga mata ko. Nakasanayan ko na rin kasi noon na kahit puyat ay gigising ng maaga para sa trabaho. Iyong tipong madilim palang ay nasa byahe na ako.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakapikit kahit alam ko na gising na gising ang diwa ko. Kung ano-anong posisyon na ang ginawa ko pero mukhang wala talaga akong balak na makatulog. Kaya naman bumangon na lamang ako. Kailangan pa siguro ng adjustment ng katawan ko na hindi na iikot ang daily routine ko sa nakasanayan nito ng ilang taon.
Bumaba ako ng kusina para magluto ng umagahan ko. I will cook broccoli and sunny side egg. Noong biglang tumunog ang ipad ko.
Lenz Vergara is requesting for a video call.
It has been a week magmula noong umalis siya. Madalang rin siyang nakakatawag since abala sa trabaho. Nakakapanibago dahil dati anytime na tawagan ko siya ay ayos lang. Kaya lang, ganoon talaga. Kailangan din ng adjustment sa nakasanayan namin.
I put my ipad on a stand at iniharap sa position ng electric stove kung nasaan ako. I click the green button to accept the call.
I can see the turquoise water at his background. Mukhang nasa roof deck siya ng barko at katanghalian sa lugar kung nasaan siya. Dito naman ay hindi pa sumisikat ang araw.
Malaki ang eyebags niya dahil puyat siya. Ganoon talaga ang buhay sa cruise kadalasan kulang ka sa tulog. Lalo na kapag kagaya ng sakay ni Lenz na passenger ship. Kung minsan ay hindi siya sa akin nakakatawag, dahil iyong oras ng pahinga sana niya ay nababawasan because of mandatory drill.
"Nagluluto ka?"
"Yes for breakfast."
"Usually hindi ka naman nagluluto pagpapasok ka at sa office nalang kumakain para hindi malate. Kaya bakit nagluluto ka ngayon?"
Napahinto ako sa paghahalo ko ng fried rice dahil sa sinabi niya. Noong nakaraan na tumawag siya ay nasa bahay rin ako at sinabi ko na wala akong pasok. Ngayon kapag iyon na naman ang idinahilan ko magtataka na siya. Ayoko munang sabihin sakaniya ang sitwasyon ko dahil under training pa siya.
"Hindi naman ako male-late since Saturday ngayon. Walang masyadong traffic."
Palusot ko. Well, that's a good palusot. Kadalasan kasi weekdays bukas ang mga office at pati na rin ang mga schools.
"Teka nga, have you eaten lunch?"
Kasaluluyan na akong nagsasalin ng fried rice sa aking plato at ready na rin ang ulam ko. Kinuha ko iyong plato ko at inilapag sa table sa dining area. Umupo ako sa upuan at iniayos ang ipad sa table. Then, I started eating.
"Hindi pa. Kaka-off ko lang sa duty at tinawagan kita agad."
"Lenz naman!" Reklamo ko sakaniya at ibinagsak ko sa plato iyong kutsara na hawak ko.
"Don't worry kakain rin ako pamaya-maya. I just want to have this call because I really miss you, Eryu." Sabi niya sa malungkot niyang tono.
Napahinto naman ako sa pagnguya at biglang lumambot ang puso ko. Alam ko na isang malaking discovery sakaniya ang bawat araw na dumadaan sa kaniyang trabaho. Ngunit, gaya ko rin ay nalulungkot siya dahil magkalayo kami.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...