Eryu's POV
Kasakukuyan akong natutulog sa aking kama noong tumunog ang phone ko. Kinapa ko ito sa sidetable. Wala naman akong matandaan na nag-alarm ako since wala naman akong pasok dahil off ko to day.
Unknown number calling...
"Nasan ka?! "
Halos sumakit naman ang tenga ko sa sigaw mula sa kabilang linya.
Base sa sigaw nya kilala ko na sya. Sino ba naman kasi ang sisigaw ng ganito na para bang walang manners? Si Wade lang naman. Sinasabi ko na nga ba hiram lang ang kabaitan niya sa akin kahapon, o di kaya kinabit na naman niya ang detachable niyang sungay ngayon.
"Nasa bahay, off ko ngayon." Malumanay na sabi ko sakaniya.
Kagigising ko pa lamang kaya wala pa akong lakas na sagutin siya ng pabalang. Isa pa sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya papatulan. Masyado nang nagiging negative ang workplace ko ng dahil sa madalas na pag-aaway namin.
"Pumunta ka dito in 10 minutes may pag-uusapan tayo. Kung hindi ka pupunta, uulit ka sa paggawa ng reports mo." Sabi nito at kaagad pinatay ang tawag.
Bigla ko namang naalala iyong naging pag-aaway namin noon. Sinira namin ang reports ng isa't-isa. Mas marami pa naman ang gawang reporst ko nitong nakaraan, and it means mas marami akong uulitin na report kapag nagkataon.
No!
Nagmadali akong maligo at hindi ko na nga nagawang ilagay sa hot ang hot and cold shower kaya naman napaka lamig nito. Tiniis ko nalang at nagmadali akong matapos.
"Kung makautos ay dinaig niya pa ang mga parents ko o ang boss ko sa trabaho. Napaka bossy." Reklamo ko habang nagbibihis ako.
"Hindi man lang ba nya tatanungin kung okay sakin na pumunta agad agad? Ang bastos pa para i-end ang call agad." Reklamo ko na naman noong nakasakay na ako ng taxi.
Makailang beses na akong tinitingnan ng driver mula sa salamin. Siguro ay iniisip nito na napaka negatibo ko naman samantalang ang aga-aga pa.
Paano ka naman hindi magiging negatibo kung si Wade na ang usapan?Ang nakakainis pa isang oras akong stranded sa traffic. Pagdating ko sa company kaagad akong dumiretso sa office halos wala pa ngang tao dahil ang aga kong pumunta dito.
Pagpasok ko sa office namin wala naman doon si Wade. Sabi nya kanina nandito na sya. Pinagt-tripan ba nya ako?
Palabas na sana ako ng office ng makita ko sya na papasok dito. Nakabukas ang tatlong butones ng kaniyang white long-sleeves na nakatupi sa kaniyang siko at buhok naman niya ay hindi pa gaanong natutuyo dahil sa paliligo. Nakita ko pa na may pumatak na tubig mula sa buhok niya patungo sa dibdib.
"So ano bang pag-uusapan natin?" I asked.
"Wala tayong pag-uusapan meron tayong gagawin." Sabi nito sa mapang-akit niyang tono.
What? Bakit at sino naman ang aakitin niya!? Isa pa sa pagkakaalam ko wala naman kaming plano na gagawin ngayon.
"Take off your clothes." Sabi niya habang nakatingin sa katawan ko.
"Ano?" Tanong ko.
Baka kasi nagkamali lang ako ng rinig.
"I said take off your clothes bago pa may makakita." Pagka-klaro nito at unti-unti syang naglalakad papalapit sakin.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa ikinikilos niya. Pervert ba sya? Isa pa sa pagkakaalam ko partners kami as team leaders at hindi bedmates! Kaya wag na wag syang magkakamali na molestyahin ako.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...