Eryu's POV
"Be ready for a plot twist, Eryu." Sabi ni Riza, nasa likod niya ang mga bata, at si Wade na hawak si Ruz.
She's pointing a knife, walang pag-aalinlangan ang galit niyang tingin sa akin. Ang ipinagtataka ko, bakit hindi man lang naaalarma si Wade sa nangyayari. Not even against with Riza's action right now! Nakatingin lang din sa akin at blangko ang ekspresyon. Ang mga bata ay yumakap sa likod ni Riza, walang balak na pigilan ang ina.
Sinaksak niya ako at tumulo ang dugo sa aking tyan.
"Eryu... Eryu... Ayos ka lang ba?"
Napabangon ako noong marinig ang boses ni Wade. Panaginip lang pala. Naghahabol ng hininga at pawis na pawis, napalingon ako sa aircon na nakasindi naman. Naka dim lamang ang ilaw ng kuwarto. Sunod na lumipad ang mata ko kay Wade. Nakasuot pa rin ng damit opisina at mukhang kauuwi lamang.
"Nanaginip ako ng masama."
"Hindi ka ba nagdasal bago matulog?"
"I did. Taliwas nga sa ipinagdadasal ko iyong nangyari."
"Like what?"
"Na sana nga totoong nagbago na si Riza."
"A person can't change in an instant, Eryu."
"Alam ko naman iyon, pero umaasa lang ako na kahit papaano wag siyang gumawa ng masama even just for the kids." Napalingon ako sa sahig, kung saan nakahiga ang mga bata sa makapal na kutson. Kasalukuyang natutulog. Ayaw pa rin talaga nilang tumabi sa ina. "But, I saw her killing me on my dream."
"You wan't me to call the cops?" Bubunot na sana ng phone si Wade sa bulsa nung pigilan ko siya.
"No, just let her stay. I don't want to make a scene. She told us that she'll surrender. Let’s just wait."
Kung may balak na masama sa akin si Riza sana nitong nakaraang araw pa. O baka naman humahanap lamang ng tyempo?
"But there you are, suffering from a nightmare because of her."
"I can overcome it, but if something happens again. Like an arrest scene here, it’s a long process for the kids to overcome. So let’s try not to make a scene."
"Then let’s arrest her quietly. The kids will understand. Ni ayaw ngang lumapit sakaniya kaya what’s the point of letting her stay here?"
Bumuntong hininga ako bago sumagot. Mahirap talagang paliwanagan si Wade sa usapang ito, masyadong nag-aalala para sa akin.
"You will never understand why I let her stay here, why I let her be near with the kids... because you're not a mother."
"You will also never understand on how worried I was for you when you decided to let her stay."
Gusto ko mang makipagtalo pa kay Wade kaya lang napansin ko na bumiling si Eliot. Baka magising pa kaya pinili ko nalang manahinik para matapos na ang usapan. Humiga ako sa kama at tinalikuran siya. Hindi na ako nakarinig ng salita sakaniya. Tanging ang pagpatak lang ng shower sa bathroom ang naririnig ko.
Ilang sandali pa ay lumabas siya sa bathroom. Pinipilit ko man na matulog, ay nagiging kuryoso lamang ako sa sakaniya. Hindi man ako nakatingin sa direksyon niya, pero alam ko ang mga ginagawa niya. I was a spy without looking.
Ilang sandali pa ay humiga na rin siya sa kama. Naramdaman ko ang bahagyang pagbaba nito. Hindi ko man lang naramdaman na tumatama siya kahit papaano sa aking likuran. Mukhang gaya ng ginawa ko ay nakatalikod rin siya sa akin. Providing a space in between of this awkward atmosphere.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...