CECHM 33- Partners

2.9K 59 0
                                    


Eryu's POV

"It fits perfectly on you." Bati ni Irette habang bumaling baling ako sa harap ng whole body mirror.

Dumating na iyong puting dress na isusuot ko for Feliz's wedding. Sinagot ni Feliz ang pagpapagawa. Lahat ng disensyo mula sa kaniyang gown at entourage ay sarili niyang ideya. Siya ang nagplano ng buong kasal at ang events team na napili ang gumawa nito.

Well, ganun talaga kapag event organizer. Kung kaya naming pagandahin ang kasal ng iba, lalo na sa sarili naming kasal. Sa dami ba naman ng mga kasal na naasikaso namin, ay malinaw na sa aming isipan ang wedding plan namin para sa sarili.

Iyong tipong habang nanonood ka ng kasal ng mga kliyente masasabi mo nalang na isang araw kasal mo naman ang paghahandaan, na darating ang araw na ikaw naman ang magsusuot ng puting gown. Nawala na sa isipan ko ang tungkol doon matapos ang lahat ng nangyari. Inihanda ko na rin ang sarili na kailanman ay hindi ako makakasal, na hanggang tingin na lamang ako.

"Siguro mas maganda kung nilaliman 'yung sa chest part. Iyong kita ang cleavage."

"Hindi ikaw si Feliz kaya hindi magdedesign ng halos mahuhubaran iyon sa kasal niya."

Total opposite ang dalawang ito. Irette the liberated girl, and Feliz as the conservative one. Masasabi ko pala talaga na kaya kong mapalapit sa iba't ibang klase ng tao. Siguro dahil neutral lang ako. Nagsusuot rin kung minsan ng damit na sexy, at kung minsan ay balot na balot din.

Hinila ni Irette 'yung sa bandang dibdib ng dress at bahagyang lumitaw ang dibdib ko. Kaagad ko naman siyang tinapik sa kamay. Mahilig talaga siya sa mga revealing na damit. Always flaunt your skin talaga ang motto niya. Kaya lang parang mas right ang term para sakaniya ang 'always flaunt your body' hubadera kung hubadera!

Kung tatanungin kung bakit nandito na naman siya sa bahay ko, walang eksplanasyon tungkol doon. Para lang siyang isang kabute, susulpot ng walang pasabi, at aalis ng hindi man lang nagpapaalam. Iyong tipong pagdating mo sa bahay may tao na, at akala mo lalabas lang siya dahil may lakad. Iyon pala nakalipad na siya paalis.

Umupo siya at uminom ng tyaa. Kasalukuyan siyang naka roba at may inilagay na face mask sa mukha. Parang siya tuloy iyong aattend ng kasal bukas. Ako dapat 'yung nagbe-beauty rest ngayon. Inaya ko naman siya na sumama kaya lang ay ayaw daw niya ng mga kasal na sobrang conservative.

"Kung ako ang ikakasal, I already have my theme. Show me your soul."

Damang dama niya ang pagsasalita habang nakapikit at ang isang kamay niya ay kunwaring hinawi sa hangin. Hindi ko na alam kung anong klaseng imahinasyon ang nasa isip niya ngayon, but definitely something that I can't imagine.

"Halloween party ba 'yan o kasal?"

Tanong ko sakaniya at tumalikod ako sa salamin para tingnan ang design ng dress sa likuran.

"Show me your soul means, wala ng design design ng gowns, dresses or suits, hubad lahat! Walang magdadamit sa kasal ko."

"Sorry, but I will refuse to attend kahit na ako pa ang best friend mo."

Sabi ko na nga ba puro kalaswaan lamang ang maririnig sakaniya. Palagi kong naririnig sa mga ibang tao na nakuha ni Irette ang pagiging liberated sa pagpunta sa mga liberated countries. Isa lang ang masasabi ko, I know her better than anyone. Alam kong nananalaytay na sa dugo niya ang pagiging liberated.

"Ano na ang magiging nationality mo pagkinasal ka? Sa dami ng mga kalandian mong foreigner."

I'm not judging na malandi ang best friend ko, that's the reality. Tuwing mag-uusap nga kami pagdating niya ay puro tungkol sa mga lalaki niya sa mga bansang nalibot. Nung last time iyong British guy ang ikinukwento niya, hindi ko lang alam sa susunod na out of the country niya. Dipende sa bansang pupuntahan.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon