CECHM 37- Mommy

3K 54 1
                                    

Eryu's POV

"Atleast give MEGC a proper good bye." Sabi ni Wade atsaka bumuntong hininga.

Kasaluluyan siyang naghuhugas ng pinggan dahil katatapos lang namin na kumain ng hapunan. Nasa kuwarto na rin ang mga bata at nag-aaral. Ipinunas niya sa handtowel ang mabula niyang kamay at nilingon ako.

"But how about, Ruz? Kung hindi ako mag i-immediate resignation. I also won't accept temporary nanny."

Tama na iyong minsan na muntik mapahamak si Ruz. Sa tuwing naaalala ko iyon ay umiinit ang dugo ko. Baka bago matapos ang isang buwan ng rendering ko sa MEGC ay may mangyari na sakaniyang masama. We'll never know, it only take seconds to die.

Dahil sa nangyari kay Ruz at Ate Myca nung nakaraan nagkaroon na ako ng trust issues, o baka naman simula palang wala na akong tiwala sa ibang tao na alagaan ang mga bata. That's why, I want to do the job by myself.

"Ako muna ang mag-aalaga kay Ruz." Seryoso niyang sabi.

"No! How about your job? Kasisimula mo palang ulit."

"Iyon na nga, kasisimula ko palang. I can also restart my career with Casa Grandia again, anytime. Samantalang ikaw, you'll send your good bye to MEGC, to your career, to your passion. Just take this time and give yourself a proper good bye."

"Pero—"

"Pagkatapos mo, ako naman. I'll put my career first by that time. Give and take lang tayo dito."

Napairap ako pero wala nang masabi. I doubt na kaya niyang unahin ang career niya, palaging kami, ako, ang inuuna niya. And with the give and take thingy, madalas give lang siya ng give sa akin, at ako take lang ng take. It's like single, single, double double ang routine namin. I gave him once, and he gave me twice, or should I say he gave me everything.

Hinanap niya ako nung mga panahon na nagtatago ako sa kalungkutan. Hinanap niya ako para ibigay ang mga bagay na mayroon ako ngayon. Nawalan ako ng anak at hindi naranasan kung paano maging ina, ngayon, mayroon kaming apat na anghel. Living a normal but a happy life

"Tss. Give and take. Bigay ka ka lang ng bigay." Pagpapanggap ko na naiinis pa rin.

Kahit ang totoo gusto ko nang ngumiti ngayong naaalala kung paano niya ako minahal noon, at ngayong nararamdaman kung paano niya ako minamahal sa kasalukuyan.

"Hindi lang naman ako bigay ng bigay. Tumatanggap din ako, mula sayo. Iyong bigay na bigay." Sabi niya at ngumisi sa akin. Iyong ngisi na may gustong hingin.

Naglakad siya papalapit sa akin dala ang ngisi niya.

"Hoy, hoy, hoy! Tapusin mo muna 'yang hugasin mo." Huminto siya sa paglalakad nung sigawan ko. Napalingon ako sa kuwarto ng mga bata na sarado. Siguro naman ay hindi ako naging istorbo sa pag-aaral ng mga bata sa kuwarto.

"Sige huhugasan ko ang mga plato, at hugasan mo muna ang sarili mo sa kuwarto...sunod ako doon." Sabi niya gamit ang malandi niyang boses.

Napalingon na naman ako sa pinto ng mga bata. Sarado pa rin naman iyon. Mamaya ay imbis na school acads ang matutunan ng mga bata, ay kalandian pa mula kay Wade!

.....

Sinunod ko ang sinabi ni Wade, nagrender ako ng service sa MEGC. As expected Mr. Martinez, Feliz and the whole team was sad about my resignation. Hindi naman nila ako pinigilan dahil alam nila ang dahilan ko. Sa pagkakataon na ito, aalis na ako sa MEGC for good. Magpapahinga muna ako sa karera na ilang taon kong naging buhay.

Abala ako noon sa pagtatrabaho, sa pag-papaganda ng self career ko, at ngayon may kasama na ako sa panibagong karera ng buhay ko. Napalingon ako sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng aking office table. Ang family picture namin ni Wade at ng mga bata.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon