Eryu's POV
Nasa isang malapit na milktea shop kami ni Irette at Lenz. It's been days nung nakita namin si Lenz sa labas ng subdivision namin. Ang bahay ko naman daw talaga ang sadya niya dahil magdadala lamang siya ng pananghalian. Sa unang araw ng pag-uwi niya nagdala pa siya ng pagkain.
Tapos kinabukasan 'nun, tinext ako ni Irette na magmilktea daw kami. Pumayag naman ako since naiinip ako sa bahay, wala ang mga bata at si Riza ang nag-aalaga kay Ruz. Binibigyan ko lang sila ng oras mag-ina. Hindi ko na gaanong nakakausap ang mga bata dahil pag-uwi nila sa eskwela pagod na. Halos ginagabi na nga sila ng uwi sa tuwing sinusundo sila ni Wade pagkatapos niya sa trabaho.
At kami ni Wade? Ayun consistent pa rin sa malamig na relasyon. Ever since that day, hindi na kami gaanong nag-uusap. Kami nga ang magkasama sa kuwarto, pero mas nakakausap pa nga siya ni Riza. Kagaya nung isang umaga, inabutan ko sila sa kusina na nagkakape. Nag-uusap, at nung pagbaba ko. Bigla nalang tumayo si Wade mula sa kusina at gagayak na daw para sa trabaho.
Minsan nga naiisip ko na parang naulit lang ang dati. That she's with me but not totally into me. That I was just a substitute. Baka nasabik lamang siya nung makita ulit ako kaya nadala ng emosyon at nagproposed sa akin...hanggang dun nalang, walang kasalan na magaganap.
Hindi rin naman namin napag-uusapan ang tungkol doon. Hindi ko naman inuungkat, kasi hindi ko naman nakikita na interesado siya. Mukhang hindi lang sa kasal siya hindi interesado. Mukhang pati na rin sakin. Tama nga ba ang sinabi ni Riza? That love can change anytime... without you knowing.
Magkatabi kami ni Irette at katapat ko si Lenz. Abala silang nag-uusap, habang ako abala na alalahanin 'yung nangyari kaninang umaga. I still can't believe na nangyayari ito. Nilibot ni Wade ang buong mundo noon para hanapin ako, to find his source of happiness, but now I realized that I was just his temporary happiness.
Kasalukuyan kaming nag-aagahan nung may nagdoorbell mula sa labas ng bahay. Sa dulo ng lamesa nakaupo si Wade, sa bandang kanan niya ay ako ang nakaupo, at si Riza naman sa kabila sumunod ang mga bata.
"Ako nalang po ang lalabas." Eliot politely said.
"Go ahead, Eliot." Matipid na sabi ni Wade at bumalik na sa pagkain.
Sandali akong napatitig sakaniya. May nagbago talaga, hindi lang sakaniya, kundi sa lahat ng taong nandito sa bahay. Pati ang mga bata laging tahimik, kapag nandyan ako. Kapag sila sila lang naman kasama sina Riza at Wade nagbubulungan sila at biglang tatawa. Kapag lumapit ako tumatahimik ang lugar, lalo na si Wade. May pinag-uusapan na sila na hindi ko alam, at hindi ko puwedeng malaman.
Bumuo siya ng sariling mundo na hindi ako kasama.
"Mommy Eryu, someone's looking for you." Sabi ni Eliot at nakasilip mula sa pinto.
"Sino daw?" Tanong ko matapos uminom ng tubig. Hindi ko naubos ang pagkain dahil wala akong gana. Sino naman ang gaganahan kapag ganito? Nakabibingi ang katahimikan.
"Hindi ko po naitanong. Just a handsome guy."
Napalingon ako kay Wade na sandaling natigilan sa pagkain, pero agad nakabawi at itinuloy ang ginagawa.
"Oh he's here. Come-in po." Sabi ni Eliot at malawak na binuksan ang pintong stainless.
"Lenz?" Gulat na sabi ko noong makita na siya ang pumasok.
Tumayo ako, at napansin ko na nakatitig sa akin si Wade. Isang malamig na titig pero sanay naman na ako sa kaniya. Hindi naman na iyon bago sa amin.
"Anong ginagawa mo dito? Napadaan ka."
Wala naman akong matandaan na nagsabi siyang pupunta siya dito. Alam ko nga abala siya dahil isang linggo lamang siya dito sa Pilipinas iyon ang sabi niya nung makita namin siya ni Irette sa labas ng subdivision.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...