CECHM 31- Wound

2.8K 53 0
                                    


Eryu's POV

Mag-iisang oras ko na atang sinusubukan na tanggalin iyong nakausling bubog sa gilid ng aking paa. Nahahawakan ko ito pero wala akong lakas ng loob na tanggalin. Mahina talaga ako pagdating sa mga ganito, ni hindi nga ako makapanood ng mga movies na may saksakan, hiwaan ng kung ano-anong body parts. Pakiramdam ko katawan ko ang hinihiwa kapag ganoon.

Huminga ako ng malalim. Madaling araw na, pero hanggang ngayon gising pa rin ako. Dalawang gabi na akong walang tulog. Kaya naman kailangan kong lakasan ang loob ko para tanggalin ito ng mag-isa, para makatulog na rin ako. Ayoko namang gisingin ang mga staffs ko dahil mahimbing na ang tulog ng mga iyon sa mga oras na ito.

Huminga ako ng malalim para umpisahan na sanang tanggalin ito. Ang lakas ng tibok ng puso ko nung mahawakan ang dulo ng bubog, kaya lang ay halos atakihin ako sa puso sa takot nung may kumatok sa pinto. Ako yata ang ma-hahighblood!

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at iika-ikang naglakad patungo sa pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay gusto ko na kaagad isara ito. Nakita ko kasing nakatayo sa labas si Wade sa labas at may bitbit na first aid kit. Itinulak ko pasara ang pinto pero pinigilan niya ito. Ano nga bang inaasahan ko? Mas malakas siya sa akin, lalo pa ngayong may iniintinda akong sugat.

"Let me just check your wound."

Lumipad ang tingin niya sa paa ko. Ang akala ko ay hindi niya nakita na natalsikan ako ng bubog. Halata kaya sa paglalakad ko kanina? Napansin din kaya ito ng magaling niyang asawa? Kung oo, siguro ay nagdidiwang na iyon ngayon.

"I can do it alone. Umalis kana."

"Hindi ako aalis. Tingnan mo nga may bubog pa."

Bigla niya akong binuhat na para bang bagong kasal kami. Isang bagay na nagbigay sakit sa puso ko, dahil alam kong imposibleng mangyari iyon. He  already gave his last name to someone.

"Ano ba! Ibaba mo nga ako. Hindi kita kailangan."

Pinaghahampas ko siya sa likod pero hindi ko siya kinakitaan na nasaktan man lang. Inilapag niya ako sa kama at binuksan ang kit.

"Pwes, kailangan kita." Sabi nito habang abala sa pagkakalkal sa kit.

Bigla akong napatahimik. Hindi ko alam kung dahil ba sa huli niyang sinabi o dahil ba sinisimulan na niyang tanggalin ang bubog gamit ang isang tyani. Dahan dahan niya itong hinila at ayokong magsalita ng kung ano. Mamaya ay mapikon ko siya at lalo pang madiin ang bubog sa paa ko. Pawis na pawis ako nung matanggal ang bubog.

"Sabihin mo sakin kung saan masakit." Piniga piga niya ang part ng sugat para malaman kung may bubog pa. Nakasuot naman siya ng gloves at nagsanitize kaya walang infection na mangyayari.

"Wala na." Sagot ko nung maramdaman na wala ng naiwan na bubog sa loob.

Pagkatapos tanggalin ang bubog ay nilagyan niya ito ng alcohol at pagkatapos ay betadine. Napapakagat ako sa kirot at pagkatapos ay hindi ko namalayan na mahigpit na pala ang hawak ko sa sando niya sa bandang likuran. Kaagad ko iyong tinanggal nung mapagtanto ang ginagawa.

"Wala kana bang ibang sugat?" Tanong niya sa akin at tingala ang mukha ko.

Ang pinaka malaking sugat siguro na mayroon ako ay itong taong kaharap ko ngayon at ang nakaraan namin. May mga pagkakataon na akala ko ay magaling na, pero may mga pagkakataon na bigla na namang sasakit. Kung titingnan ako sa labas iisipin mo ayos na ako, pero kung hindi ka malalagay sa mismong kalagayan ko, hindi mo malalaman na hanggang ngayon masakit pa rin.

Sa paglipas ng araw na nakikita ko siya, parang biglang huminto iyong healing process. Mas lalong lumalalim 'yung sugat. Sa tuwing makikita ko siyang masaya kasama ng iba, iyong dating sugat ng nakaraan, ay nadadagdagan ng sugat ng kasalukuyan. Kaya naman hindi ko magawang maniwala nung sabihin niyang kailangan ako.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon