Eryu's POV
"For the mean time, iyan muna ang magiging kuwarto niyo." Sabi ko at ngumiti kina Eliot, Zild and Plog.
Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang kuwarto dito sa bahay ko. Hawak naman ni Wade si Ruz at isinasayaw pa. Wade and I decided to go back here in the City. Kung saan mas malapit ang trabaho naming dalawa.
Before coming up with this decision, ikinunsulta muna namin sa mga bata. Leaving Bulacan means, they also need to transfer another school. Mabuti na lang at may nagustuhang malapit na exclusive school si Eliot para sa senior high, at kapag nagdesisyon siya kasunod na rin ang mga kapatid niya. Pareho silang senior high ni Zild, at si Plog ay nasa elementary. Mabuti na nga lang at kumpleto na doon mula pre-school to college.
Hindi ganoon kadaling pasukin ang eskwelahan na iyon, pero I believe that it will not be a problem. Kilala rin kasi ang tatlo mula sa dati nilang school sa Bulacan, at nakatulong rin ang pag-aaral nila sa New York noon.
"Nagustuan niyo ba, boys?" Tanong ni Wade sakanila.
Eliot smiled a bit, Zild just nodded, and Plog seems so confused. Pinagmamasdan niya ang kabuon ng kuwarto at alam kong bumubuo na siya ng tanong sa isipan. Alam mo na, palagi naman siyang curious sa mga bagay-bagay. Kaya nga most of the time napipikon niya si Eliot at Zild sa sobrang daming tanong.
"What's wrong, Plog?" Tanong ko sakaniya.
Ang mata niya ay iniikot ang kabuoan ng kuwarto atsaka inilipat sa akin ang tingin.
"Mommy Eryu, is this really our room?" Nagtatakang tanong ni Plog.
"Yes. Don't you like it? Pansamantala lang naman. Your Daddy Wade and I will talk if we'll stay in this house for good. If yes, magpapagawa pa tayo ng two more rooms para may kaniya-kaniya kayo."
Actually, napag-usapan na namin ni Wade ang tungkol dito. Gusto ni Wade bumili ng bahay for us, kaya lang sinabi ko na sayang naman itong bahay ko kung hindi matitirahan. Modern designed pa naman ito, at nakakahinayang kung bibili ng bago or magpapagawa.
For the rooms of the boys, we can provide separate rooms naman na. Anytime puwede na kaming magpa-umpisa ng construction. Kaya lang naisip namin ni Wade na hindi pa ito ang tamang oras para maghiwalay ng kuwarto ang mga bata. Kakahiwalay lang nila sa ina nila, at magiging malungkot kung mag-iisa sila. Mas maganda pa rin na magkakasama para kahit papaano may bonding.
"You don't like it, Plog?" Tanong ni Eliot na may pagka-istrikto. It's like he's pushing his brother to feel the same. To just accept whatever we can provide, for the meantime.
"Really?" Masungit din na tanong ni Zild at tiningnan si Plog.
"I like it!" Inis na sagot ni Plog. He's louder than he's brothers kaya madalas sawayin ng mga ito. "This is our room now, is that mean that's also for us? Did you also provide that...thing over there?" Ngumuso si Plog sa loob ng kuwarto.
Kuwarto dati ito ni Irette sa tuwing uuwi siya dito. Bago kami lumipat nakuha naman na niya iyong mga gamit at ipinalinis pa ito sa kasambahay niya. Hinakot na nila iyon sa bagong condo niya. Alam mo na, hindi na siya puwedeng magstay dito like before. She can visit pa rin naman, kaya lang not like the usual. May mga chika kasi siya na censored para sa mga bata, like stories about his boys and their dark adventures. Hindi na niya puwedeng ichika sa akin iyon anytime, at baka marinig ng mga bata.
Kuryoso naming nilingon ang direksyon kung saan nakanguso si Plog. Halos nahulog ang panga ko nung makita ang tinutukoy ni Plog. Wade even covered my eyes using his right hand! Ayaw ipakita ang isang bagay sa akin na maaaring makahati niya sa pagnanasang mayroon ako para sakaniya.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...