CECHM 32- Escape

2.9K 58 1
                                    


Eryu's POV

Madilim pa sa kalsada pero hindi na umuusad ang mga sasakyan. Malaking oras talaga ang kinukuha ng traffic. Pumikit ako sandali para mapahinga ang mata sa kulay pulang back light ng mga sasakyan, na kapag katagalan ay masakit sa mata. Hindi pa nag-uumpisa ang trabaho ay masakit na kaagad ang ulo ko.

Dumilat ako at nilingon ang aking gold wristwatch. Alas singko 'y media na ng umaga. Wala pang alas kuwatro nung sumakay ako kanina ng taxi. Inagahan ko pa naman ang alis dahil tambak ang mga papeles ko sa opisina.

Ang dami naming mga kliyente ngayong buwan, na pabor naman sakin. Mas mabuti nga na doon na lamang ako maging abala kaysa sa pag-iisip ng kung ano.

Sa hinaba haba ng traffic ay nakarating din ako sa MEGC. Maliwanag na nga nung dumating ako dito, pero wala pa rin naman ang ibang mga empleyado. Wala pa din ang mga receptionist sa lobby dahil hindi pa naman kami bukas.

Ang guard na bumati sa akin sa entrance at ang mga cleaners na abala sa pagpupunas ng mga furniture ang nandito. Masyado pa naman kasing maaga, although mas maaga pa sana ang dating ko dito kundi traffic.

Madami na sana akong nai-check na proposal ng event. Hindi lang kasi ako ang gumagawa ng proposal para sa client, hinayaan ko na buong team ay magkaroon ng kani-kaniyang idea at sa huli ay pagsasama-samahan namin iyong magagandang suggestions. That's how a good team works.

Magtitimpla sana ako ng hot choco sa pantry pero naisipan ko na dumaan muna sa aking opisina. Ilalapag ko muna ang bag ko at ang aking folder. May mga papeles na rin kasi akong ginawa kagabi sa bahay at dinala ko iyon ngayon.

"Good Morning."

Bati sa akin nung lalaking nakaupo sa aking swivel chair. Nakaharap siya sa matatayog na building sa labas ng salaming pader, pagkatapos ay iniikot ang swivel chair para harapin ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napalingon ako sa ibang parte ng opisina kung saan siya dati nakapwesto. Lahat naman ng mga gamit dito ay sakin lang. Isang office table lang ang nandito at akin iyon. Kung saan siya kasalukuyang nakaupo. Kaya alam kong ako lang ang nagmamay-ari ng lugar na ito, at imposibleng share ulit kami dito.

"Mr. Martinez asked for my help. Masyado daw kayong maraming gagawin kaya't pinapunta ako."

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko na hinayaang magkalapit kami sa ginawa niyang paglakad. Naglakad ako at nilagpasan siya. Umupo sa aking swivel chair, inilapag ang aking bag sa lamesa, at binuksan ko ang PC.

"Ang mabuti pa ay bumalik ka nalang sa Casa Grandia, your company needs you, but not me. I don't need your help."

Itong si Mr. Martinez binibigyan ako ng advice tapos siya naman itong magiimbita sa nakaraan ko. Hindi ko siya maintindihan, pero baka naman para lamang sa trabaho kaya niya ito inimbitahan. Ako lang ata ang hindi makakita ng sitwasyong ito sa propesyunal na paraan.

Sabagay sino ba naman ang magiging propesyunal sa harap ng taong dahilan kung bakit ka nasaktan. Siguro ang iba ay kaya iyon. Ang makatrabaho ang taong may issue sa nakaraan nila, pero hindi ako. Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko, hindi ko kayang magtrabaho ng maayos kung nasa harapan ko siya.

"I'm no longer part of Casa Grandia." Seryoso niyang sabi.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, pero kaagad ko iyong binawi. Hindi ko nga lang alam kung napansin niya iyon. Hindi lang kasi talagaa ako makapaniwala na wala siya doon. He's a living asset to the company, kaya imposibleng tinanggal siya nito. Baka naman siya ang umalis para maging full time father.

"Kung ganoon ay bakit ka nasa event nung nakita kita?"

Iyong event ng mga OFW nung makita niya ako. Pero teka nga, bakit ba ako concern dun? Bakit ko pa tinanong? Wag ka ngang maging interesado sakaniya, Eryu!

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon