Eryu's POV
Tirik ang araw, tahimik ang kulay asul na karagatan na ngayon ay kitang kita ang ganda. Kung maaari nga lang na palagi nalang umaga para maliwanag at makita ang ganda nito sa lahat ng oras.
Kasaluluyan akong naglalakad sa main deck, habang kausap ang katrabaho ko sa events management team. Pinag-uusapan kasi namin iyong farewell event ng batch ng mga pasahero namin ngayon.
Ilang araw pa iyon dahil nakakadalawang araw palang naman sila dito, pero ngayon palang ay pinag-uusapan na namin. Kung pwede ko nga lang itulak ng mabilis ang araw, para matapos na ang week na ito. Parang ang tagal lang kasi ngayong matapos. Samantalang noon hindi ko namamalayan na ihahatid na namin pabalik ang mga pasahero."We can transfer the event's venue here. What do you think?" Tanong sa akin ni Jason.
Hawak niya ang kaniyang clip board kung saan nakalagay ang mga listahan ng mga gamit na kakailanganin para sa decors.
Paminsan minsan ay sumusulat siya dito kapag may naiisip na idagdag na gagamitin.Kasama ko siya sa events department at siya ang palaging incharge sa decors ng venue. Matangkad siyang lalaki, kahit hindi naman talaga tunay na lalaki, maputi ang balat, at singit kagaya ng usual na itsura nilang mga Singaporean. Siya sana iyong unang choice bago ako, bilang papalit na host sa barkong ito, kaya lang ay mas gusto niya pa rin na manatili sa pagdedesign.
"I agree on that idea. This is the best place to have dinner."
Pinagmasdan ko ang kabuan ng main deck, kung saan may iilan na mga pasahero. Ang iba ay kumukuha ng pictures, at ang ilan naman ay nagsa-sun bathing.
"And the best place to fall inlove." Halos kumislap ang mata ni Jason noong sabihin iyon.
"Not all the time, because sometimes the main deck is the best place to cry and to be alone." Sagot ko naman.
"Did you cry here before?" Maarteng tanong nito sa akin. Pagkatapos ay inilapit ang mukha sa akin at ipinangtakip ang clip board sa mukha naming dalawa. Iyong tipong parang may top secret kaming pinag-uusapan dahil sa posisyon namin ngayon.
"Of course not!" Pagsisinungaling ko sakaniya.
Tiningnan naman niya ako na may kasamang ngisi na hindi siya kumbinsido sa aking sagot. Ilang sandali pa ay hiniwalay niya ang mukha sa akin at bagyang lumayo. Kung ibang tao lamang ang makakakita ay iisipin na pinopormahan ako nitong si Jason. Masyado kasi siyang clingy lalo na sa mga katrabahong babae, dahil na rin siguro sa katotohanang pusong babae rin ang dala niya.
"Okay, I will just check the CCTV later to see if you cried here before." Mapanghamon na sabi nito.
"Go on, Gay-son." Pang-aasar ko sakaniya imbis na Jayson. Inirapan niya ako dahil doon.
Sa tingin ko imbis na i-check yata namin ang lugar na ito para sa event ay nauwi lang kami sa asaran.
"Annoying, Eryu." Isang irap na naman ang pinakawalan niya. "Why don't you find a boyfriend so that you will both experience to fall inlove and to cry here." Maarteng sabi nito sa akin.
Gusto kong sagutin siya na naranasan ko na pareho. Naranasan ko nang mainlove na parang wala ng bukas, at naranasan ko rin na umiyak dito na para bang ayoko nang dumating ang bukas. Gusto ko nang tapusin ang lahat, gusto ko nang tumalon sa karagatan kasama ng taong nawala sa akin.
Naranasan kong mainlove sa lugar na ito noong mga panahon na siya ang pinili ko, over someone's proposal for me. Nandito kami sa main deck, kasalukuyang umuulan noon. Masasabi ko na iyon ang pinaka masayang araw sa relasyon namin, na ngayon ay masasabi kong isa sa pinakamasakit. Sa isang iglap, ang masayang alala na iyon ay nauwi sa masakit.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...