CECHM 17- Picture

3.5K 60 1
                                    

Eryu's POV

"Anong ginagawa mo dito sa Cagayan?"

Ang iniisip ko lang kanina ay naisaboses ko na ngayon sa harap ni Wade. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong itanong iyon. Ngayon na kaming dalawa lang ang nasa elevator ay hindi ko maiwasan na mahiya sa ipinakita kong ekspresyon.

As if naman na ako lang ang may karapatan na pumunta dito sa Cagayan.

"Curious?" Tanong niya at bahagya siyang napangiti.

"Of course not!"

"Then why are you asking?" Mas lumawak pa ang ngiti sa mukha niya.

Tila ba may sagot na nais makuha. Sorry to break your fantasy pero iba ang makukuha mong sagot.

"Malamang magkatrabaho tayo. Hindi naman ako suplada para hindi pansinin ang kakilala ko na nakita ko sa ibang lugar."

"Then that means you're really curious."

"Yes. Curious ako pero bilang katrabaho lang. Wala naman akong ibang reason to be curious."

"Kasal ng kaibigan ko ang event na hawak natin kaya pinatutulong niya ako. Ayan sinagot ko na para may alam kana kung bakit ako nandito at hindi ka na lang basta curious."

"Hindi ako curious sayo."

"Wala naman akong sinabi na curious ka sakin."

"Sa rason kung bakit ka lang nandito sa event na hawak ko, dun lang ako curious."

"Defensive ka pa rin."

Nangi-ngiti siya noong lumabas ng elevator. Kitang-kita ko sa mukha niya na nag-eenjoy siya na inisin ako. Isang buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko. Ayoko ma-stress!

Palabas na ako ng elevator nang biglang magring ang phone ko. Halos mapatalon ako sa gulat noong makita ang nasa screen ng phone ko.

Lenz Vergara is requesting for a video call....

Oh My God! Alam ko oras pa ng trabaho niya kaya't di pa siya makakatawag. Maliban na lamang kung dahil ito sa My Day ko na nakita niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko at pinakakalma ang sarili bago ito sagutin.

Sinagot ko ito kasabay ng paglabas ko sa elevator.

"He-hello." What the hell hindi pa ako makapagsalita ng maayos!

"Akala ko mag-isa ka lang dyan sa Cagayan?"

"Bakit kasama mo siya dyan?"

"For work matters?"

Sunod-sunod na tanong ni Lenz at seryoso ang kaniyang tono.

"This is not for work matters."

Napahawak ako sa dibdib sa pagka- gulat noong marinig ko ang boses ni Wade na sumabat. Nakatayo pala siya sa labas ng elevator at nakasandal doon na para bang may hinihintay. Nahagip na rin siya ng camera dahil hindi naman ganoon kalayo ang distansya namin.

"Then for what? Bakit kasama mo ang girlfriend-ko?" Binigyang diin pa ni Lenz iyong huling salita na sinabi niya.

Siya iyong tipo ng tao na kalmado kahit kumplikado pa ang sitwasyon, but not today. Bakas ang pagkainis sa kaniyang tono kahit pa itago niya ito.

"Love."
Mayabang na sagot ni Wade at tila ba may paghahamon sa tono.

"Love?" Naiinis na tanong ni Lenz at hindi na naitago ang emosyon.

"Ah you're with someone?" Lenz tried to calm down.

"May nakikita ka ba na hindi namin nakikita dito? Because it's really obvious na wala ng ibang tao dito bukod samin." Sagot ni Wade sarkastikong tono.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon