CECHM 20- Saturday

3.3K 53 1
                                    

ERYU's POV

Saturday

Ang araw na kadalasan nasa office lang kami at tanging mga paperworks ang inaasikaso. Iyon ang aming routine at kapag weekdays naman ay nasa mga events kami. Kung iisipin ay mas maraming event kapag weekend, mas maraming kliyente. Kaya lang Mr. Martinez decided not to accept during weekends, mas mahalaga daw ang pahinga ng mga empleyado at ang oras nila para sa pamilya kaysa sa company profit.

Siguro habang tumatanda si Mr. Martinez ay mas narealize ang kahalagahan ng family time higit sa anumang bagay.
I'm glad na ganoon ang mindset ng aming boss, hindi lahat ng kompanya o karamihan sa mga kompanya hindi masyadong binibigyang pansin ang mga empleyado. They want employees to do their best at work, but are they trying to do their best for their employees?

"Nasa ibaba na daw ang frame." Sabi ni Wade at ibinaba ang telepono sa kaniyang lamesa.

"Talaga? Sana maganda naman!" Masayang sagot ko sakaniya.

"Then let's see." Sagot ni Wade atsaka ngumiti ng sandali.

Binitawan ko ang lahat ng gawain sa aking lamesa, at ganoon rin siya. Sabay kaming naglakad pababa sa ground floor, ang pinaka lobby ng MEGC. Habang naglalakad ay nagku-kwentuhan rin.

"What's your favorite event?" Tanong ko sakaniya habang pababa kami sa hagdan. Kasalukuyan kasing undermaintenance ang elevator.

"Hindi ko pa alam, baka hindi pa dumarating." Sinubukan niyang mag-isip pero iyon lamang ang naging sagot niya.

"Ano ba 'yan! Imposible namang wala kang nagustuhang event sa mga na-organize mo." Pang-aasar ko sakaniya.

Sa dami ng event na organize ko ay hindi ko na doon matandaan ang karamihan, pero may mangilan-ngilan syempre na hindi ko makakalimutan. Hindi lang naman ang mga client namin ang nagkakaroon ng memorable na araw sa kada event, pati kami dahil naging parte kami nito. Kapag masaya ang kliyente, mas doble ang saya mo.

"Ikaw anong event ang pinaka gusto mo?" Tanong niya sa akin. Sa aming paglalakad ay ngayon lamang niya ako nilingon.

"Iyong last year na event natin! Hindi ko pa rin talaga makakalimutan iyon—"

"Halata nga kahit hindi mo na ulit ikwento. I heard it a hundred times." Sabi niya at humalakhak.

"Anong magagawa ko, iyon ang favorite event ko." Pagmamaktol ko.

"Or your favorite guy." Pang-aasar niya.

"Ikaw ba naman, si Lee min ho kaya iyong nag-concert!"

Naalala ko pa rin iyong sayang naramdaman ko nung nalaman ko na kami ang magha-handle ng event ni Lee min ho dito sa Pilipinas. Kaming dalawa ni Wade ang host, pero in the end parang siya lang ang nagtrabaho. Hindi kasi ako makapagsalita ng maayos noon dahil sa sobrang starstruck ko kay Lee min ho. Mabuti na lamang ay sinalo ako ni Wade at siya ang nagsasalita kapag wala na akong masabi.

"Mas lalo akong nainlove sakaniya noong gabing iyon!"

"And I started hating him that night. Isang taon na puro siya ang bukang bibig mo. Naririndi na ako sa opisina."

Ganun pala ang naging impact sa akin ni Lee min ho. Halos siya pala ang bukang bibig ko noon sa opisina namin ni Wade.

"Sobrang obvious ba na hindi ko makalimutan iyon?" Kuryoso kong tanong.

"Minsan nga bigla nalang kitang maririnig na 'mess ku na si Lee min ho ahuhuhu." Wade changed her voice to a pabebe girl.

Mabilis ko siyang hinampas dahil doon. Maaaring sinasabi ko iyon pero hindi kasing pangit ng pag gaya niya dito. Humalakhak siya dahil doon. Sa nakalipas na isang taon naging ayos naman kami, kaming lahat sa trabaho. Naging close na kami ni Wade at sinusubukan na pakinggan ang suhestyon ng bawat isa bago magdesisyon. Walang halong pagkailang, siguro dahil hindi niya na inulit ang confession niya sa akin noon, at hindi na rin siya gumagawa ng bagay na ikakailang namin pareho.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon