ERYU'S POV
"We just wanna thank you guys for everything..for this day that will stay forever in our memories" Bati samin ni Ms.Salazar, o ang bagong katauhan na as Mrs. Faustino.
She's wearing an off-shoulder gown with lots of expensive and shinning materials. Hinayaan nya na rin na kami ang pumili nang kanyang gown at ipinakita na lamang sakanya ang yari kung papasa ba ito sakanya. Luckily, nagustuhan nya ito kahit na mukhang mabigat ito dahil sa mga puting brilyante. Palagi akong parte ng hindi ko na mabilang na kasal na aming inasikaso. Ngayon ko lang napagtanto na, ang araw din pala ng kasal ay isang nakakapagod na araw para sa bride at sa groom, or should I say hindi lamang isang araw. It depends on the length of the preparations.
Pinaghandaan namin ang suot ng mga ikakasal. Ang groom ay naka ternong cream suit at pants na ipinasadya rin namin sa magaling na designer, at may magandang tela na pinili para dito.
Sino nga ba naman ang hindi maghahanda para sa isang araw pero habangbuhay na tatanawin na okasyon?
Ang suot ng mag-asawa ay mabigat talaga dahil sa mga palamuti at kalidad ng tela. Imagine na ilang oras nila itong susuotin sa buong araw na ito. Sa magiging flow ng activities, sa pakikiharap sa mga bisita, at pati na rin sa mga picture takings kasama ng mga ito. Masasabing nakakapagod din pala ang magpakasal, pero at the end of the day worth it naman din ang pagod. Basta't alam mong ang makakasama mo na araw-araw ang taong mahal mo.
Matapos ang "I do" ceremony ay nagproceed kaming lahat para sa reception ng kasal, sa hindi kalayuang Villa. Bago asikasuhin ang mga bisita ay kami agad ni Wade ang nilapitan ng bagong kasal.
"We are also thankful to be part of this memorable day, Misis Faustino." Sabi ko at ngumiti.
Base sa pag address ko sakaniya sa bagong katauhan ay makikita ang kilig sa kaniyang mga mata. Ganoon ba talaga kapag ikinasal kana sa taong mahal mo? Wala ng mas gaganda pa na idugtong sa pangalan mo higit kundi ang apelido ng lalaking mahal mo. Higit pa ito sa mga letrang idinudugtong kapag nakuha mo na ang isang propesyon gaya ng Dr. at iba pa.
"For me and my wife, this is not just a day, this is the start of our journey together." Masayang sabi naman ni Mr. Faustino.
Titig na titig ang lalaki sa asawa nito na para bang sila lamang ang tao sa lugar na ito.
"Wala tayo sa pageant ngayon para titigan mo ako ng ganiyan." Natatawang sabi ni Mrs. Faustino para sa sawayin ang malagkit na titig ng asawa.
"Pageant?" Nagtatakang tanong ni Wade sa mag-asawa.
"Hindi nyo naitatanong pero lumalaban si Giselle sa mga pageant noon. Doon rin kami nagkakilala."
"He used to be my number one suppoter during my pageant days."
Hindi naman nakapagtataka sa itsura niya na pageant material talaga sya. Bukod sa tangkad, balingkinitang katawan, makinis na morena ang kulay, at magandang wangis ng mukha.
"How many pageants did you join?"
Kuryosong tanong ni Wade. Never ko pa siyang nakita na maging interesado sa tungkol sa mga babae. Kahit sa mga kliyenteng babae na aaligid aligid sakaniya ay wala siyang pinagpakitaan na interesado siya dito. Kundi lamang asawa ng kaniyang third cousin ang nasa harapan namin ay iisipin ko na gusto nya ito.
Sabi ko na nga ba ay may itinatago rin na playboy side ang isang ito.
"Hindi ko na mabilang, I started joining noong high school pa lamang ako. Kaklase ko si Gino noon, akala ko noong una kaya niya ako ichini-cheer dahil required lang na suportahan nya ako since iyon ang utos ng teacher namin for the sake of our section. Hanggang naging College kami, magkalaban ang mga Department namin, pero ako ang sinusuportahan niya sa laban."
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...