CECHM 27- Passenger

2.9K 61 0
                                    

Eryu's POV

"Tingnan mo ito, Eryu. Sigurado akong kasya saiyo ito."

Iniabot sa akin ni Racquel iyong damit na binili niya kanina nung dumaong kami. Binilhan niya rin ako dahil alam niyang bumalik ako kaagad sa barko at walang nabili. Binilhan naman ako ni Lenz ng mga pagkain at beauty products. Hindi na ako inusisa nina Elias at Racquel kung bakit bigla akong tumakbo paalis sa kasiyahan.

Ikinwento sa akin ni Lenz na ginawan niya na daw ng paraan iyong dalawa. Idinahilan niya na nasira ang tyan ko. Kaya naman pala hindi niya ako sinundan kanina dahil baka daw sumunod pa sina Racquel at Elias. Siguradong kung nagkataon ay malalaman nila kung sino yung sumusunod sa akin. Kung maaari lang ay ayoko nang makilala ng ibang tao ang nakaraan ko. Magiging usap-usapan at mauungat na naman ang nakaraan na gusto kong kalimutan.

"Puro mga sexy na naman yata ang ipinamili mo sayo. Akala mo naman may boyfriend." Pang-aasar ko kay Racquel.

"Hayaan mo silang maglaway." Kasabay ng kaniyang sinabi ay ang pagkagat niya sa labi. "Ang ganda ng Europa, sayang lamang at aalis na tayo dito." Nanghihinayang niyang sabi.

Nagsisimula nang tumunog ang huni ng barko, hudyat na papaalis na kami. Napalingon naman ako sa bilog na bintana kung saan tanaw ang pier at ang papalubog na araw. Gusto ko sanang manatili dito pero sa nangyari kanina mabuti nga't aalis na kami.

Siguro naman ay inisip na lamang niya na nangibang bansa lamang kami sa Europe. Hindi naman niya siguro naisip na sakay ako ng barkong ito. Kahit libutin niya ang buong kontinenteng ito ay hindi niya na ako makikita. Isa pa ang sunod naman na ruta namin ay ang Asia dahil doon namin ibababa ang mga pasahero na sakay namin. Ang mga pasahero kasi namin ay galing sa Asia na gustong magpunta sa Europe at gustong maglibang. Pagkababa ng mga pasahero namin doon, ay muli kaming magsasakay.

"Tulala ka na naman!" Nagulat ako noong batuhin ako sa mukha ng damit.

"Hindi ba pwedeng tinatanaw lang ang karagatan?" Masungit na tanong ko sakaniya.

"Huh, di mo ako mapapaniwala dyan. Araw-araw iyan ang tanawin mo. Kahit anumang oras na gustuhin mo 'yang makita, magagawa mo. Hinala ko ay iba ang iniisip mo, baka may iba ka lamang gustong makita." Hindi kumbinsidong sagot sa akin ni Racquel.

"Magpapahinga na nga muna ako."

Tinalikuran ko siya at nagtalukbong ng kumot sa aking kama. Magpapahinga na muna ako dahil mamayang gabi ay may event kami. Wala naman akong ibang aayusin dahil ang ibang staff na ang bahala sa decoration ng lugar. Dati tumutulong ako sa pag-aayos ng lugar pero hindi na nila ako pinayagan mula noong kinuha nila ako bilang host ng mga event dito sa barko. Kaya hindi ko talaga masasabing hands on ako sa buong process ng event. Nakakamiss din pala iyong hawak mo ang event mula sa preparation, mismong event, at kapag magliligpit na.

"Ganyan, ganyan ka. Kapag usapang pag-ibig lagi kang umiiwas." Pagpaparinig sa akin ni Racquel.

Masakit na nga, palagi mo pa bang uungkatin? Paulit ulit mo lang mararamdaman ang sakit. Iyong sakit na tuwing aalalahanin mo ganoon pa rin katindi, hindi nababawasan.

Nagpanggap ako na nakapikit hanggang sa marinig ko ang paglabas ng kuwarto ni Racquel. Maikukumpara ko siya kay Irette, pareho din kasi silang usisera. Kung sabagay wala namang tunay na kaibigan ang hindi concern sa lagay ng kaibigan nila. Nagkataon lamang na sa dalawang yugto ng buhay ko ay dalawang bungangerang kaibigan ang ibinigay sa akin. We'll, si Irette, Lenz, ang pamilya ko at si Mr. Martinez lang ang itinuring kong kasama ko pa rin sa pangalawang yugto ng buhay ko. Bukod sakanila ay hindi na welcome pa ang iba, lalo na iyong mga nakasakit sa akin.

I thought that the first chapter of my life was beautiful, it was all about pursuing my career, and being loved at the same time. Until one day, pain introduced itself. Kung sabagay kundi dahil sa masalimuot na unang yugto, ay hindi ako mapipilitang umusad sa pangalawang yugto. Sa yugto kung saan mas naging matibay ako.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon