Eryu's POV
Kasalukuyan akong nasa aking swivel chair at nakaharap sa square na salamin. Nag-aapply ako ng nude lipstick nung mapahinto ako dahil may nagsalita.
"Kakahatid pa lang sayo kanina, mukhang magkikita na naman ngayon." Mapang-asar na sabi ni Mr. Martinez.
Inaasar tuloy ako ng lahat dahil tinotoo nga ni Wade ang paghatid sa akin sa trabaho kaninang umaga. Ihinatid niya pa ako hanggang sa office kahit na sabihin ko na huwag na. Para tuloy akong grade one na hinatid sa classroom ng magulang at pinagtinginan ng mga kaklase.
Lalo na noong tanungin siya ng ilan sa mga katrabaho ko kung ano ang sadya dito. Ilan kasi sa mga ito ay wala noong mangyari ang eksena na nagpakilala siyang manliligaw nitong nakaraan. Ngayon iba na ang pagpapakilala niya, lahat ng makasalubong sa MEGC ay sinasabihan niya na 'hatid ko lang ang girlfriend ko' sabay ngiti ng malawak. Wala pa si Mr. Martinez noong ihatid niya ako, pero sadyang mabilis ang balita at kumalat na sa buong building.
"Good Afternoon, Mr. Martinez." Bati ko sakaniya at tumayo.
"Pupunta yata kayo ni Feliz ngayong lunch break sa Casa Grandia? Dapat noon pa lamang nandito sina Wade at Jacob sinagot nyo na. Hindi ko naman kayo pagbabawalan na magdate."
"Opo. Niyaya po ako ni Feliz na dumalaw doon. Gusto ko rin pong makita ang opisina niya doon." Nahihiyang kwento ko kay Mr. Martinez.
Kahit ang totoo ay narinig ko na magkausap sa phone kanina sina Feliz at Jacob. Kaya tinanong ko si Feliz kung pwede ba akong sumama. Alam ni Wade ang mundo ko, ang bawat galaw ko at kung sino ang mga kasama ko dito. Gusto ko naman malaman kung paano siya gumalaw sa mundo niya. Sinabi ko rin kay Feliz na wag sasabihin kay Wade na pupunta ako. Actually inaya ako ni Wade ng lunch, susunduin niya daw ako pero nagpalusot na busy lamang ako. Ang hindi niya alam ako ang pupunta.
"Selosa ka bang girlfriend, Eryu?" Biglaan niyang tanong.
"Hindi naman po!" Mabilis na sagot ko sakaniya.
Kahit na ako ay hindi kumbinsido sa sagot ko. Selosa nga ba ako? Hindi ko rin alam. Dipende siguro sa sitwasyon.
"Mabuti kung ganoon. Alam mo namang kilala ang pangalang Wade Bustamante sa mga babae. Hindi dahil gusto niya ang mga ito, kundi dahil gusto siya ng mga ito."
"Alam ko na iyon, Mr. Martinez. Noong mga panahon na pinuntahan siya dito sa opisina niya ng mga babae, nakita ko iyon. Ayos naman hindi naman ako nagalit, hindi rin naman kasi niya ine-entertain." Kwento ko dito.
Naalala ko nung birthday niya kabi-kabilang mga babae ang nagpapadala ng regalo. Ang ilan pa ay pumasok dito sa opisina at ginamit ang connection makausap lang siya.
"Kasi hindi pa kayo noon. Ngayon may karapatan kana. Kaya sana hindi ka nga magalit sakaniya at magselos." Bakas kay Mr. Martinez ang pag-aalala.
Ganoon din naman ang reaction niya noong malaman na sina Feliz at Jacob na. Anak na ang turing niya sa amin, at ayaw niya lang din sigurong makita na masaktan kami ng mga taong itinuring nya na rin na anak.
"Wag kang mag-alala, Mr. Martinez. Ako pa ba? You know that I can handle everything, even my own feelings." Mayabang na sabi ko kay Mr. Martinez para mapawi ang pag-aalala niya.
Siguro kung darating sa point na magseselos ako kay Wade, ay hindi pa naman ganoon katindi. Bago pa lamang naman kami kaya hindi pa rin ganoon kalalim.
Ang pagpapaalam namin kay Mr. Martinez na lunch break lamang ay dinagdagan niya. Pinag-half day na nga niya kami para naman daw makapagtagal doon ng kaunti.Sa tingin ko naman ay hindi naman kami magtatagal ni Feliz doon dahil may mga ginagawa rin sina Wade.Idinahilan ni Mr. Martinez sa amin na binibigyan lamang nya kami ng oras para sa aming sarili, dahil sa nakalipas na isang taon ay nakita niyang sa pagbangon ng MEGC kami naging abala.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...