Eryu's POV
Kasaluluyan akong nasa waiting shed ngayon at nag-aabang ng taxi na masasakyan papasok ng trabaho.Madilim pa ang paligid at malakas ang ulan. Sa palagay ko ay hindi mabibigyan ng pagkakataon na sumikat ang araw mamaya. Ang mga nagdadaanan na sasakyan at ang puti sa harap at pula nilang ilaw sa likuran ang makikita dahil madilim pa nga. Makikita rin ang mga taong nagsisiksikan dito sa waiting shed para sa trabaho o eskwela. Kani-kaniyang unahan para makasakay ng jeep o di kaya'y taxi.
Noong pagkagising ko kanina ay malakas na rin ang ulan kahit na madilim pa. Napanood ko rin sa tv na magiging maulan ang araw na ito. Masarap magpahinga kapag ganitong panahon kung nasa bahay ka lang, pero sa kagaya ko na may trabaho ay napaka hassle nito. Madalas kasing traffic kapag umuulan o di kaya'y madalang dumaan ang mga pampasaherong sasakyan.
Nakatingin ako sa malalaking patak na bumabagsak sa sa daan. Napahawak ako sa kwintas na galing kay Lenz. Noon kapag ganito ang panahon, hindi ako nag-aalala, dahil nandyan siya para ihatid at sundo ako. Ngayon, kailangan ko na tuloy mag-commute at makipag-unahan.
May humintong taxi at mabilis akong lumapit dito kaya sa wakas ay nakasakay na ako.
"Saan po tayo, Ma'am?"
"Sa Martinez Events Group po." Sagot ko sakaniya.
Kilala naman ang building na iyon ng karamihan kaya kahit hindi ko na sabihin ang buong lugar.
Nakaramdam ako ng lamig dahil sa air-con nito at mukhang napansin iyon ng taxi driver kaya hininaan niya ito. Bahagya na kasi akong nabasa noong naglakad ako palabas ng subdivision kanina. Ilang sandali pa ay konti nalang ang lalakbayin ay mararating na ang destinasyon ko noong nasiraan ng taxi si Manong.
"Pasensya na po kayo, Ma'am. Dito ko nalang po kayo maihahatid." Sabi ngtaxi driver na nanlulumo sa nangyari.
"Sige po, Manong. Ako na po ang bahala. Malapit nalang naman po." Sagot ko sakaniya.
Walking distance na lamang ito sa building kaya lang mula sa loob ng taxi ay natatanaw ko pa rin ang malakas na ulan. Pati na rin ang mga sasakyan na stranded sa traffic. May mangilan-ngilan rin na tumatakbo at walang panangga sa ulan. Hay, bahala na nga!
Bumaba na ako ng taxi at nagmamadali na lumakad. Hindi naman ako makakatakbo dahil maaaring madulas ako sa stiletto na suot ko. Nasa harap na ako ng building noong biglang may bumisina sa akin na halos mapasigaw ako sa gulat. Noong lingunin ko kung sino ang huminto sa reserved parking sa harap ng building, ay si Wade pala. Sakay ang kaniyang sportscar na kulay itim.
Bumaba siya ng kotse niya at nilagpasan ako na para bang walang nakita. Hindi rin siya marunong bumati sa mga guard sa entrance dahil dire-diretso lamang siya. Ang aga niya talagang sinisira ang araw ko! Hindi lang mayabang, suplado pa.
Noong makapasok ako sa loob ay nakita ko na siya lang ang laman ng elevator. Nakita niya ako na papalapit at malapit ng magsara ang pinto pero patay malisya lang siya. Hindi man lang nag-magandang loob na buksan ito!
"Bastos talaga!" Naiinis na sigaw ko at napatingin sa akin iyong mga taong nagdadaan.
Napahilamos naman ako ng kamay sa mukha ko. Hanggang kailan ko ba makakasama ang isang ito?
"Anong problema, Miss Eryu?" Tanong ni Feliz na kadarating pa lamang. Nakangiti siya sa akin ngayon at mukhang walang bakas ng pagka-stress.
"Wala ito. Kamusta ka, I mean kamusta kasama ang kabilang team?" Tanong ko sakaniya.
Mabait na assistant si Feliz. Kahit kailan ay hindi ko siya narinig na nagreklamo sa trabaho. Siya ang inaasahan ng pamilya niya, kaya sana ay maayos trato sakaniya ng mga bago naming kasama.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomansaEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...