CECHM 12- Invited

3.8K 60 1
                                    

Eryu's POV

"I'm really sorry, Eryu." Bungad sa akin ni Lenz noong tawagan niya ako sa vidcall.

"Ako dapat ang nagso-sorry." Sagot ko sakaniya at nangingilid na ang luha sa mata ko.

Napag-usapan na namin ni Lenz ang nangyari. Mas kalmadong pag-uusap kaya naman mas nagkaintindihan kami. Nag-sorry ako sakaniya for informing him late, nag-sorry naman siya sa akin dahil naunahan siya ng selos at hindi muna ako pinagpaliwanag. We are both liable for this situation, kaya kami rin ang dapat mag-ayos nito pareho.

"Ang gulo ng buhay ko nung magkaaway tayo. Kaya magbati na tayo." Sabi niya at alam kong pinipigilan na niyang maiyak.

"We should." Sagot ko sakaniya atsaka ako ngumiti.

Kahit ang gulo na ng mundo, o ng mga bagay-bagay sa paligid mo mayroon talagang isang tao na kayang pagaanin ang lahat. I'm so blessed na isa ako sa mga taong may matatakbuhan. Sa panahon na karamihan abala sa kani-kanilang buhay, may isang tao na nandyan para sayo....and that's my boyfriend.

I informed Feliz na magha-half day ako ngayon at mamayang hapon na lamang papasok. Para naman mas magkausap kami ng matagal ni Lenz. We talked about his work, and he also understand that I'm genuinely happy for it. Hindi ako napipilitan, at walang bakas sa akin na tutol dito.

"When I was on college, ang gusto ko lang makasampa ng barko. Ngayon na nandito na ako, nadagdagan pa ang dahilan ko on why I should be here."

Hindi maitatago sa mukha niya ang saya habang nagku-kwento siya tungkol sa pangarap. Sana ay nalaman ko ng mas maaga na gusto na niyang sumakay ng barko, sana noon pa lamang ay pinayagan ko na siya. Pero at some point ayos na rin naman sa part ng relationship namin na nagkasama muna kami ng matagal. Bumuo muna kami ng matibay na pundasyon bago maghiwalay, ng pansamantala.

"At ano namang dahilan iyon?" Tanong ko sakaniya.

Pareho kaming nakahiga sa kani-kaniyang mga kwarto namin. Pareho rin kaming may trabaho sa mga oras na ito. Nagdahilan siya na masama ang pakiramdam kaya mamayang umaga na lamang du-duty, gabi na kasi sa kinaroroonan niya ngayon. Nagpaalam naman ako na mamayang tanghali na lamang papasok.

Hindi naman siguro masama na iisantabi muna namin ang lahat at ang relasyon namin ang unahin.
Hindi naman maaaring puro sa trabaho nalang napupunta ang oras namin. We should also make time for our relationship. Sa paraang ito magiging balanse ang lahat.

"Kailangan ko na mag-ipon."

May pera at properties ang pamilya niya pero mula noong maka-graduate siya ay hindi na siya umasa pa dito. Noong nasa Pilipinas siya ay maliit na siyang business that can support his living, at madalas pa ay siya na rin namimili para sa akin. Magugulat na lamang ako na may groceries na sa bahay.

I'm very proud na ang taong makakasama ko ay hindi lang basta umaasa sa pamilya niya o sa ibang tao. Hindi siya nanghihinayang na pagpawisan kung ito ay para sa future niya.

"Madami ka namang ipon from your business. Ang akala ko ay nagpunta ka diyan because of your dream."

Maraming cruiseline ang pwedeng niyang pasukan na mas malaki ang pasahod, pero pinili niyang magtrabaho sa kompaniyang iyon. That made me think na nandoon siya para lamang maabot ang pangarap, at panghuli na lamang ang pinansyal na aspeto.

"Gusto kong baguhin ang buhay mo...
.
.
.
.
.
.
at kasama doon ang last name mo. We're getting married by this year."

"Nagpo-proposed kana ba!?" Tanong ko sakaniya.

Napatakip ako ngbibig at hindi ko na napigilan na umiyak. I've been waiting for this. Ilang taon ko nang hinintay ito para sa amin. Kaya naman naming mabuhay financially without the help of our parents. Buhay ang loob ni Lenz pagdating sa business, at ako naman ay may trabaho at ipon na. Ang kulang nalang talaga ay ang maging ready siya para sa amin.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon