Eryu's POVHome.
Isang lugar na mamimiss mo kapag matagal kang nawala. Iyong tipong kahit mag-isa ka lang naman na nakatira, kahit alam mong walang naghihintay sa pagbalik mo, alam mong may mamimiss ka. Mamimiss mo iyong paborito mong spot.
Sa terrace kung saan ka nagkakape at dinadama ang sariwang hangin sa umaga.
Kapag oras ng tanghalian at kumakain ka ng mag-isa habang nanonood ng tv. Kadalasan pa nga ay nakataas ang paa mo sa isa pang upuan habang sumusubo at nakatuon ang mata sa pinapanood.
Ang salamin sa kuwarto mo kung saan madalas mong silipin ang itsura mo kahit wala namang pagbabago. Matutulog ka na nga lang magsasalamin ka pa.
Home is a place you can call yours, a place where you have your "me time"
A comfortable place I left because of the painful memories.
Inaasahan ko rin naman na darating ang panahon na babalik ako dito. Hindi naman habang buhay ay nandoon ako sa mundong iyon. Kaya lang, hindi ko inasahan na ngayon na pala mismo. Kasalukuyan akong naglalayag sa barko, at ngayon sa isang iglap lang ay nandito na ulit ako sa bahay ko. Nakabalik na ako sa dati kong mundo.
Siya ang dahilan kung bakit ko iniwan ang dating mundo, at ngayon siya na naman ang dahilan kung bakit kinailangan kong iwan ang bagong mundo, at bumalik dito.
Hindi ko na alam ang gagawin ko at umiiyak na rin ako. Ayokong pag-usapan ang bagay na inuungat niya ngayon.
"Why!?" Sigaw niya. Pilit niyang tinatanong kung bakit ko ipina-abort ang baby namin noon.
Hindi ako makasagot dahil parang natuyo ang lalamunan ko. Walang lumalabas na salita sa akin kundi ang ingay ng hikbi ko. Noong mga panahon na nagtago ako sakaniya, akala ko ay ayos na. May balak pa rin naman akong umalis sa barko at bumalik ng Pilipinas. Kaya lamang hindi ko inasahan na sa ilang buwan na pagtatago ko ay dito pa niya ako matatagpuan.
Pinili kong manirahan at magtrabaho sa barko, dahil sa palipat lipat nitong destinasyon. Hindi ako madaling mahahanap dito, kahit di naman niya ako hinahanap. Hindi ko alam na isang araw ay bigla na lamang siyang susulpot.
Ang akala ko ay naiiyak ko na lahat noon, pero may panibagong batch pa pala ng luha ang dumating.
Mabuti na lang sa gitna ng panghihingi niya ng sagot, at ako naman ay walang maisagot kundi ang umiyak, ay may biglang nagdoorbell mula sa pinto.
"Miss Shimizu, ayos ka lang ba dyan?" Narinig ko ang boses ni Lenz.
Mukhang masyado yata kaming nadala ng emosyon ni Wade at narinig kami. Alam ko na kaya ganoon kapormal ang tawag niya sa akin dahil kasama niya ang kapitan. Kailangan niyang umakto ng propesyunal sa harap nito.
Pagtataguin ko na sana si Wade pero huli na ang lahat. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Lenz hawak ang key card na sa tingin ko ay hiniram niya ang spare. Hindi ako nagkamali dahil kasama niya si kapitan na ngayon ay nagulat sa nakita. Sino ba naman ang hindi magugulat na may pasaherong nakapasok sa kuwarto ng mga staff at lalaki pa!
Noong lingunin ko si Wade ay nakatulog na pala siya at nakadukdok sa lamesa.
"I'm sorry kapitan. Tinawagan kasi ako ni Ms. Shimizu na may lasing daw na pasahero ang pumasok sa kaniyang kuwarto. Mukhang nagkamali ng pasok dahil sa kalasingan." Palusot ni Lenz. Pormal ang itsura niya dahil kausap ang kapitan, pero hindi nakaligatas sa akin ang mata niyang nabigla rin sa nakita.
Mabuti nalang at tulog na si Wade kaya't hindi nakapagreklamo sa sinabi ni Lenz. Kundi ay baka nagpakilala pa siya sa kapitan at malaman nito ang tungkol sa amin.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...