Eryu's POV
"Eryu, gising na. Tirik na ang araw. Tinanghali ka na naman sa higaan, hindi ka na naman ba nakatulog kagabi?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Racquel.
Pawis na pawis akong bumangon at napalingon sa bilog na bintana. Tirik na ang araw at nakikita ko ang mahinahon at kulay asul na karagatan.
"Nakatulog naman. Napasarap lang kaya't hindi nakabangon agad." Palusot ko sakaniya.
"Ewan ko sayo, Eryu. Sige na sumunod ka nalang, at mag-aagahan na daw tayo."
Lumabas na siya at naiwan ako sa aming kuwarto. Katrabaho ko siya dito sa barko at ka-share din sa kuwarto.
Muli kong ibinalik ang tingin sa bilog na bintana. Tinanaw ang kulay asul na karagatan. Humahampas hampas na ito hindi kagaya kanina na kalmado. Sa nakalipas na ilang buwan, parang gaya din ng asul na dagat ang buhay ko. Kung minsan ay kalmado, at kung minsan ay hinahampas nakaraan. Kagaya na lamang ng nangyari kagabi, hindi na naman ako nakatulog.
Naghilamos lang ako at itinali ng mataas ang buhok. Walang kung anong kolorete sa mukha noong lumabas ako. Dumiretso ako sa hapagkainan ng mga staffs. Ang lugar na hindi nakikita ng mga pasahero kaya't malaya kaming kumain. Inabutan ko na nag-aagahan ang mga katrabaho ko. Ang mga nakasama ko sa bagong mundo sa nakalipas na isang taon. Hindi mo talaga masasabi kung saan ka mapapadpad, noong nakaraang taon nasa MEGC ako, ngayon nandito naman ako sa barko.
Isang mundo na malayo sa nakaraan ko.
"Eryu, halika na 't mag-agahan. Umupo kana dine sa tabi ni Lenz." Pagtawag sa akin ni Elias, ang chef ng barko.
"Ang tagal mong lumabas, Eryu. Nag-umpisa na tuloy kami." Reklamo naman ni Racquel.
"Dito kana, Eryu." Sabi ni Lenz na kasalukuyang kumakagat ng matigas na pata. Ipinaghila niya ako ng upuan sa tabi niya.
Ganito ang lagi naming ganap. Kaming apat ang magkakasama kapag kakain. Siguro ay mga parehong pinoy kaya naman mabilis nagkapalagayan ng loob. Si Elias ay ang chef ng barko na may gusto kay Racquel. Kaya naman madalas ang lahat ng masasarap na putahe ang kinakain namin dahil itinatago niya ang mga ito para ihapag sa amin. Kasama ko si Racquel sa Events team ng barko. Si Lenz naman ay nasa ibang departamento at palaging kasama ng mga kapitan, pero pagkatapos ng trabaho ay kami kaagad ang hanap niya.
"Naghilamos ka ba, Racquel? May muta ka pa dyan oh." Sabi ni Elias
Inilapit niya ang mukha sa mukha ni Racquel para tingnan ang muta. Kahit alam naman naming lahat na paraan lamang niya iyon para malapitan ng sobra si Racquel.
"Manahimik ka na nga lang dyan, Elias. Sinisira mo ang agahan ko." Reklamo ni Racquel at itinulak niya sa magkabilang balikat si Elias.
Napangiti ako habang kumakain. Naalala ko sakanila sina Feliz at Jacob, ganito din sila kakulit. Kaya lang hindi ko na sila dapat pang alalahanin. Lahat ng kunektado sa taong iyon ay pinutol ko na ang kuneksyon sa akin. Alam kong hindi sila damay sa nangyari pero kung patuloy akong lalapit sakanila ay magkakaroon ng daan. Magdudugtong dugtong ang lahat hanggang sa malaman niya kung nasaan ako. Ayokong may mabalitaan siya tungkol sa akin, dahil nung mga oras na tinapos niya lahat para sa amin, tinanggap ko na rin na wala na talaga. Wala nang dapat matira pang kuneksyon sa pagitan namin.
I just want a peaceful life, kaya nga't dito ko minabuting manatili.
"Nakangiti kana kanina, bakit binawi na naman ng simangot?" Nag-aalalang tanong ni Lenz.
"May naalala lang." Sabi ko sakaniya at pilit akong ngumiti.
"Binabangungot kana nga dyan, inaalala mo pa—"
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...