CECHM 8-Hangover

4.1K 66 1
                                    


Eryu's POV

"How's your group dinner?" Tanong sa akin ni Lenz.

Magkausap kami ngayon sa vidcall. Maaga akong pumasok sa opisina at kasalukuyang naglilinis ng aking office table. Inilapag ko naman ang phone ko sa table since may stand naman ang likod nito kaya nagagawa ko pa rin na maglinis ng dalawang kamay.

"It was okay—"

Napahinto ako sa pagsasalita noong tumunog ang pinto ng office. Nakita ko na pumasok si Wade dito at napatingin sa akin. Mukhang puyat sya dahil sa undereyes nito at medyo messy ang buhok. Nagkatitigan kami sandali at kaagad ko rin na ibinalik ang atensyon kay Lenz.

"Last night was okay, but tiring." Matipid kong sagot dito.

Napansin ko naman sa peripheral vision na nakatingin sa akin si Wade mula sa kaniyang office table. Hindi ko na iyon binigyan pa ng atensyon at nakipag-usap nalang ako kay Lenz. Hindi siya makakapag-reklamo kung may kausap ako dito since hindi pa naman office hours.

"Did you sleep well?" Tanong sa akin ni Lenz.

"Yes, mahaba naman ang naging tulog ko last night. Hindi ko alam pero sobrang pagod na kasi ako lately. Kaya siguro bumawi ang katawan ko last night. How about you?" Tanong ko sakaniya.

Pagkauwi ko kagabi ay iyak ako ng iyak dahil sa nararamdaman ko last night. Hindi na ako nag-open kay Lenz regarding this. Ayokong maging intindihin pa sakaniya.

"Kumpleto rin naman ang tulog ko. Mabuti naman at hindi mo pinababayaan ang sarili mo kahit busy ka sa work." Sabi ni Lenz at ngumiti sa akin.

Iyong ngiti na iyon ang isa rin sa dahilan kung bakit nagagawa ko pang magpatuloy kahit may mga mahihirapan na sitwasyon. Lalo pa ngayon na nakikita ko na nagsusumikap si Lenz para sa career niya, kaya I will do the same. Kahit na palaging may sumasagad ng pasensya ko, It will not stop me.

Hindi ko na lamang papansinin si Wade. Magtitimpi nalang ako at magpapanggap na ako lang ang mag-isa dito sa office. Kagaya noong mga panahon na tahimik pa ang buhay ko dito sa trabaho.

Tumunog ang alarm sa wrist watch ni Lenz. Isa itong senyales na kailangan na niyang mag time-in sa trabaho.

"You should go ahead. Baka ma-late ka pa, employee of the month for two consecutive months." Sagot ko sakaniya at ngumisi.

"I think I should follow your advice. Magaling ka pa naman na mag-plan since you're the best event organizer for me." Sabi sa akin ni Lenz at malawak na nakangiti.

Alam ko na para kay Wade ay hindi totoo ang sinabi ni Lenz. Kung magaling nga akong event organizer ay hindi namin kakailanganin ang tulong ng team niya. Yes, we need his help, but like what I've said. Aakto ako na parang hindi nag e-exist si Wade, kapag hindi naman namin talaga kailangan na mag-usap.

"Good bye. Call you later." Pamamaalam ko kay Lenz.

"Good luck sa araw mo, Eryu." Sagot naman nito sa akin at nag-end na ang call.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay ibinalik ko na ang atensyon ko sa pag-aayos ng aking office table.

"Anong oras ka nakauwi last night?" Narinig kong tanong sa akin ni Wade.

Hindi ko siya pinansin at ginawa ko pa rin na abala ang sarili sa ginagawa. Hindi ko naaasikaso ang table ko since palaging busy sa mga event or even sa reports.

"Nag-taxi ka?" Tanong na naman ni Wade.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Pagod na akong makipag-away at makipagtalo sakaniya when I can ignore him naman.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon