Eryu's POV
"Diba sabi ko na uuwi kana." Iritado niyang sabi.
Nakita kung paano nagdugtong ang makakapal niyang kilay. Kung paano niya ako kainisan sa harapan niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa driver's seat at ako naman ay shotgun seat. Magkaharap kami ngayon, at hindi ko maintindihan na matapos niya akong paalisin kanina ay nasa iisang kotse kaming dalawa ngayon.
"Uuwi na nga ako."
"Oh bakit bumababa ka kung uuwi kana pala?"
Pagpipigil niya sa akin at inilock ang lahat ng posible kong daanan palabas ng kotse niya.
Ang gulo rin nitong si Bustamante. Kanina nung nasa harapan kami ng unit niya ay sinabi niya na umuwi na ako. Ipinaramdam niya kung gaano ako ka hindi welcome sa lugar niya. Inutusan niya si Jacob na ihatid ako na ako pauwi. Nauna na sa parking si Jacob, at ako ay ikinomfort naman muna ni Feliz sa lobby ng condo. Mabuti na lang at walang tao doon kanina at hindi ko maiwasan na maiyak ng dahil sa pagkainis.
Kahit sa birthday niya ay hindi niya maitago ang sama ng ugali niya. Is it really big deal na hindi maganda ang regalo ko sakaniya? Hindi ko alam na napaka materialistic niyang tao. Hindi naman ako willing na magbigay ng regalo sakaniya na kasing mamahal ng mga babaeng nakapaligid sakaniya, dahil hindi niya ako babae.
Tapos, pagpunta ko sa parking lot at pagsakay sa kotse ni Jacob. Siya ang sakay. Offering to give me a ride, I mean that's not an offer! He's forcing me, dahil ayokong sumakay. Ang gulo niya, kanina pinauuwi ako dahil obvious naman na ayaw niya akong makita, pero ngayon ihahatid niya ako.
Saan ka naman nakakita na papalayasin ka tapos siya rin mismo ang maghahatid?
"Kasi hindi ko naman sinabi na ihatid mo ko. Makakauwi ako kahit hindi mo ako ihatid."
"Paano ka makakauwi kung naka-locked ang pinto."
"Iyon na nga ang punto ko. Kaya buksan mo ito." Sagot ko sa pagod kong tono.
"Makakauwi ka lang if you let me give you a ride." Sagot niya sa tonong hindi papatalo.
Nakakainis! Mas gusto ko pa yatang manahimik na lang siya. Iyong hindi kami nagkikibuan kagaya sa opisina. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nagkaroon kami ng conversation ngayon. Kung hindi ako nagpunta sa birthday niya, wala sana kami sa harap ng isa't isa.
Buntong hininga ang isinagot ko sakaniya. Pagkatapos ay ipinag-ekis ko ang dalawang braso at sumandal sa upuan. Halata sa itsura ko ang pagkainis at wala akong balak itago ito. Hindi ako papayag na ihatid niya ako, kahit magstay ako magdamag na nakaupo dito ay ayos lang. Sigurado namang hindi siya magtatagal dito at babalik siya sa loob.
Alam ko naman na kung gaano siya kasabik na matapos ang kainan sa loob, at umuwi ang mga ka-trabaho. Siguradong nagmamadali na siyang makasama ang mga babae niya. Hindi ka tatagal, Bustamante. Susuko ka rin.
Sa paghihintay ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa upuan at kagigising lamang. Mabilis akong lumingon sa labas ng kotse. Nandito pa rin naman ang kotse sa parking lot. Kanina pa may nagri-ring na phone at iyon siguro ang dahilan kung bakit ako nagising. Napalingon ako sa pinaggagalingan ng tunog, ang phone ni Wade na nasa sahig ng kotse.
Jacob calling....
Noong mag-angat ako ng tingin kay Wade ay natutulog rin siya. Naihulog ba niya ang phone kaya't nasa sahig ito ng kotse? Talagang naghintay siya dito kasama ako.
Dinampot ko ang phone niya at iyon ang ipinangtapik sa balikat niya para gisingin.
"Kanina pa pala tumatawag sayo si Jacob at 42 missed calls na...... Huy."
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...