Eryu's POV
"Can I join?" Tanong ko kay Lenz habang magkausap kami sa vidcall.
Kasaluluyan akong nasa bahay at humihigop ng fresh milk. Papalubog na ang araw na matatanaw ang kulay kahel na repleksyon sa kulay puting kurtina, samantalang sa kinaroroonan ni Lenz ay makikitang pasikat pa lamang ang araw.
Nagmamahalan sa dalawang magkaibang lugar, at magkaibang oras, pero pareho ng nararamdaman. Yes, I'm at peace right now. I realized na hindi ko naman kailangan na ma-guilty, because I did not cheat.
Minabuti ko nalang din na hindi sabihin kay Lenz ang tungkol doon. Hindi dahil sa gusto kong mag-cheat o ano, iniintindi ko lang ang sitwasyon niya ngayon. Nasa kalagitnaan siya ng dagat, malayo sa pamilya, at malayo sa akin. May mga kasama man siya na katrabaho doon, ay hindi maitatanggi na kasama rin nila ang stress. Palaging nakaabang sa mga oras na magiging mahina sila.
"Oo naman. Alam mo naman na hindi ako naging mahigpit sayo. You can join them." Sagot ni Lenz sa akin atsaka ngumiti.
Kitang kita ko ang genuiness sa mukha niya. Hindi kagaya ng ibang boyfriend na papayag nga na umalis ang girlfriend pero hindi naman maipinta ang mukha. Hindi naging ganoon si Lenz kailanman, pero syempre nasa lugar naman ang pagpapaalam ko.
Alam ko naman ang mga pagkakataon na hindi ko na dapat ipagpaalam kay Lenz dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako maaaring pumunta doon. Kagaya na lamang noong inaaya ako ni Irette na magtravel sa Miami, Florida. Muntik na akong magpaalam kay Lenz noon dahil gusto ko rin magtravel sa labas ng Asia. Kaya lang noong nalaman ko kung saan ako inaaya ni Irette ay kinalimutan ko na rin ang kagustuhang iyon.
Naghahanda kasi ako ng swimwear ko noong sinabi sa akin ni Irette na hindi na kailangan ng pang-malakasan na swimwear. Bigla akong nagtaka doon, naisip ko na kung kahit ano, kagaya ng t-shirt at shorts ang maaaring isuot sa beach na iyon ay hindi iyon gugustuhin na puntahan ni Irette. It would be boring for her, ito pa namang bestfriend ko ay mukhang ipinanganak para sa adventure and thrill.
I did a research doon sa beach na pupuntahan namin. Noon ko natuklasan na isa pala itong nude beach! Maghuhubad ka sa publiko! Sino ba namang matinong girlfriend ang magpapaalam o pupunta sa ganoong lugar? "Huy Lenz, magpapaalam sana ako. Maghuhubad ako sa harap ng strangers or should I say sa public. Papayagan mo ba ako?" That's crazy!
Hindi ako sumama kay Irette at hindi ko na rin ipinaalam kay Lenz ang tungkol dito.
"Baka late na akong makauwi mamayang gabi since samgyupsal night iyon."
Paalala ko sakaniya."That's fine. Basta mag-iingat ka ha? Alam mo naman na walang susundo sayo dyan ngayon. Baka mapatalon mo ako bigla sa kalagitnaan ng dagat if something happens to you." Seryosong sabi niya at hindi ko naman mapigilan na matawa.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya na may kasamang iritasyon. Napansin ko rin na kumunot ang noo niya. Napakadalang niyang maging masungit sa akin kaya ibig sabihin ay seryoso nga siya ngayon.
"Tatalon talaga?" Tanong ko at nagpipigil ako na matawa.
"I'm serious, Eryu. Di bale nang ako ang mapahawak, wag lang ikaw. Mas concern ako sayo, kaysa sa sarili ko." Seryosong sabi ni Lenz at hindi ko mapigilan na ma-touched.
Bigla tuloy akong napakagat sa ilalim ng labi ko at nagpasalamat sa isipan ko for giving me this kind of man. Madalas nga iniisip ko na hindi ko siya deserve, pero syempre mas hindi siya deserve ng ibang babae, kaya sakin talaga siya.
"Vergara, tama na ang pagpapakita na patay na patay ka sa girlfriend mo. Hinahanap kana ni Kapitan." Narinig kong sabi ng boses ng isang lalaki mula sa kinaroroonan ni Lenz.
BINABASA MO ANG
Can't Even Call Him Mine
RomanceEryu Shimizu broke-up with her perfect attachment. It's her long time boyfriend who did everything for her. Now, she's with another guy, but things are not easy, dahil ang lalaking mahal niya ay attach pa rin pala....attach with the memories of his...