CECHM 16- Video

3.3K 58 0
                                    


Eryu's POV

"Just make sure that's for MEGC's business travel." Mapanuksong sabi ni Irette.

Abala ako sa paglalagay ng mga damit sa aking color peach na maleta. Halos hindi ko na nga maitupi ng maayos ang mga damit dahil sa pagmamadali. Nakalimutan ko kasi na lilipad nga pala ako papunta ng Cagayan to check the venue of our client's wedding which is the romantic Callao Cave. Actually, hindi pa naman final ang location. Humahanap pa kami ng possible tourist attraction na pwede namin i-offer sa client namin. Pagkatapos ko sa Cagayan, baka humanap pa ako ng ibang tourist attraction dito sa Pilipinas.

"No dirty business, Eryu." Sabi nito.

Iniangat niya ang underwear ko na nakalagay na sa aking luggage. Mabilis ko naman iyong inagaw dahil parang may iba siyang ipinahihiwatig sa mga salita at sa pagkakahawak niya dito.

"I'm not you, Irette." Pag-iinarte ko sakaniya.

Isinara ko ang zipper ng aking maleta na marahas. Kasalukuyan kong iniisip na kung may zipper lamang ang bibig ng best friend ko ay kanina ko pa siguro iyon naisara. Kapag talaga nagsimula siyang magsalita, it will annoy you! Hindi na nakakapagtaka na mabibilang lamang sa daliri kaming mga kaibigan niya. Mas marami pa ang mga lalaking nagdadaan sa buhay niya.

"We all have our own dirty side, Eryu. At sana kay Lenz mo lang gagamitin iyon."

She sounded like a strict mom! Kaya lang hindi ganito kadumi mag-isip ang ina ko kaya hindi ko rin siya maihahalintulad. Kung kagaya siya ni Irette malamang ay hindi lang kaming dalawa ng Kuya ko ang anak nila. Three, four or half dozen? I'll never know!

"Mag-isa lang akong ipinadala doon. Gagawa ako ng sariling dirty business sa sarili ko? Magso-solo?"

Iniekis niya ang kaniyang dalawang braso at maarte akong tiningnan. Binalewala ko iyon at sinimulan na lagyan ng padlock ang aking luggage.

Sa tingin ko nga after ko na ma-check ang venue ay mag s-stay nalang ako sa hotel. There is no doubt na maganda talaga ang lugar base sa mga nakita ko sa internet. Kaya lang ay hindi pa ako nag-travel mag-isa at hindi ko alam kung mae-enjoy ko ito ngayon. Iba pa rin kasi iyong pakiramdam na kasama mo iyong taong mahal mo o pamilya mo na makita ang magagandang lugar. Sanay ako ng ganoon, madalas absent sa buhay ko ang pamilya ko. Kaya naman si Lenz ang palaging kasama ko. Kaya never pa akong napabilang sa solo travelers.

Well, I admitt magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Kapag may susubukan akong isang bagay na never ko pang naranasan, I always feel this way. This is a new challenge for me.

"Osha baka maiwan kapa ng flight mo. Ihahatid na kita sa airport. Lenz will thank me for this. Tawagan mo siya later, sabihan mo padalhan ako ng pasalubong pagbalik niya. Lalaki, 'yung gwapo......at masarap."

Maarteng sabi nito habang naglalakad na kami sa garden ng aking bahay. Hindi na ako nabigla sa naging description ng gusto niyang pasalubong. She's not the type of girl na kaladkarin, dahil siya ang nangangaladkad. Boys fall for her hindi lang dahil sexy siya at maganda,
maganda rin ang bank account niya!

"Ghaaad! May nakalimutan ako."

Bigla kong nabitawan ang handle ng aking luggage dahil sa pagkawindang. Nagmamadali din ako na kinalkal ang coach hand bag ko. Makalimutan ko na ang lahat ng dadalhin ko o ang buong luggage ko, wag lang ang bagay na iyon!

"Wallet? Tinatamad na akong bumalik sa loob ha, Eryu. Then you can bring my wallet, spend all you want."

Ibinato niya sa akin ang limited editon wallet niya at wala akong nagawa kundi saluhin iyon. Ibinigay niya sa akin iyon na para bang candy lamang sakanya ito, madaling ipamigay. Noong makarecover ay ibinato ko sakaniya pabalik at siya namana ng sumalo.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon