CECHM 14- Gift

3.2K 60 6
                                    


Eryu's POV

"Sige maaga ko kayong pauuwiin today. Sorry, but I can't come. You know para sa kagaya kong tumatanda na......more time for family." Sabi ni Mr. Martinez at inilagay na sa lababo ang pinag-inuman niyang tasa.

Nasa kusina sina Feliz, Jacob at si Mr. Martinez noong abutan ko. Kapapasok ko pa lamang noong maiispan ko na magtimpla ng maiinom para iwas antok. Malakas pa naman ang ulan ngayong araw kaya naman hinahatak ako ng kama para magpahinga na lamang.

I'am also aware na nandito ang dalawang team dahil walang event na magaganap ngayon buhat ng masamang panahon. Mapapahinga sana ako since nakaupo lamang ako sa kusina, kaya lang ang katotohan na may kasama ako sa opisina ay hindi nakaka-excite na bagay. Wala akong peace of mind dito kahit sobrang tahimik naman at wala sa amin ng kasama ko ang kumikibo.

Lumipad ang tingin ni Mr. Martinez sa pinto at nakita ako doon.

"Good Morning, Eryu."

"Good Morning, Mr. Martinez." Sagot ko sakaniya at nilingon sina Feliz at Jacob bilang pag-acknowledge sakanila.

"Sige na maiwan ko na muna kayong tatlo dito ha. Didiretso na ako sa opisina ko. Sumasama na naman ang tyan ko nang dahil sa kape. Kundi lamang kita nakahiyaan, Jacob ay hindi ako iinom."

"Maraming salamat, Mr. Martinez at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko  para mag-LBM." Pang-aasar ni Jacob na akala mo ay hindi boss ang kausap.

Aligaga si Mr. Martinez na lumabas ng kusina. Hindi naman talaga mahilig magkape si Mr. Martinez dahil madaling masira ang tyan niya. Kaya kung ang sekretarya ng ibang kompanya ay kasama sa trabaho na maging taga timpla ng kape, ang sekretarya ni Mr. Martinez ay hindi. Purong papel lamang at mga dokumento ang nakakaharap nito araw-araw. Napagtitimpla lamang ito kapag may mahalagang bisita si Mr. Martinez.

Nilagpasan ko ang dalawa na magkatabi at may kung anong inuusisa sa phone. May ipinapakita si Jacob kay Feliz na kung ano at parang may pinagpipilian sila dito. Nagtimpla ako ng kape sa aking tasa at hihigop na sana noong may naalala.

"Ano pala 'yung sinasabi ni Mr. Martinez na palalabasin na tayo kaagad mamaya? Tsaka bakit hindi siya makakasama?"

Wala naman akong matandaan na may okasyon sa MEGC. Sa ilang taon nagtatrabaho ako dito ay kabisado ko na ang mahahalagang araw ng kompanya. Parang memorized ko na nga ang calendar ng MEGC pagdating sa mga internal occasions.

Habang iniintay ang sagot ay sinimulan kong humigop ng kape.

"Birthday ni Wade ngayon. Kaya pupunta tayo mamaya sa condo niya."

Bigla akong nasamid sa sinabing iyon ni Jacob. Ang init init pa naman noong kape na halos lumabas sa ilong ko.

"Miss Eryu, tissue."

Inabutan ako ni Feliz ng tissue at kaagad ko naman iyong kinuha at ipinunas sa ilong. Nabigla yata ako sa sinabi ni Jacob. Aware naman ako na may birthday si Wade, tao rin naman siya kahit hindi halata. Ang labis ko lang na ikinagulat ay bakit parang sinasabi ni Jacob na pupunta kami...ako?

"Tayo?"

"Oo, Eryu. Kumpleto ang lahat. Isa pa sabi ni Mr. Martinez, obligado na pumunta ang lahat..... No excuses, and no personal issues."

No, personal issues? Bigla ata akong tinamaan doon. Ang birthday boy lang naman dito ang may issue sa akin at hindi na ako kinausap....issue na ako rin naman ang may dahilan kung bakit nag-umpisa. Iyong masasakit na salitang binitawan ko ang nagsimula ng hindi niya pagkausap sa akin.

"Kung wala kapang regalo, Miss Eryu. You can search here with us. Ang dami dito sa internet, ide-deliver din today."

Pag-aalok ni Feliz sa akin at iniharap pa ang screen ng kaniyang phone sa akin. Umiling ako bilang sagot sakanila. Balak ko sana na dito na lamang inumin ang itinimplang kape pero nagbago na ang isip ko. Minabuti ko na lamang na iwan ang dalawa at baunin ito sa office.

Can't Even Call Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon